GR: Longshot sa Peridot!

GOGIRL RACING by JennyO for Pilipino Mirror, 10 August 2012, Friday

Longshot sa Peridot!

Isang di-inaasahang kabayo at isang kapalit na hinete ang nanalo ng dehado sa lahat sa Philippine Racing Commission Peridot Stakes.

Ginanap noong Linggo (Agosto 5) sa Santa Ana Park, ang 1,900-meter na karerang ito ang ika-apat na yugto ng import/local challenge na serye.

Pito ang lumahok, ngunit dalawa lamang ang nagbakbakan sa unahan – sina Born Tycoon at Striding Ahead.

Naunang dumating sa meta ang pinakadehado sa lahat na Born Tycoon, na inunahan ng leeg ang sumegundong Striding Ahead.

Tersero ang llamadong Botbo, cuarto si Rain Shower. Ang tiyempo ay 1:59.4 sa matigas na pista.

Ayon jockey Antonio “Oyet” Alcasid Jr. na gumabay kay Born Tycoon:

“Ang sasakay dapat ay si Jesse Guce, pero ang pinili niyang sakyan si Juggling Act, ngunit hindi na ito inilahok. Kaya ako nilapitan ni boss Ferdie Dimaisip na sumakay kay Born Tycoon. May sinubukan siyang bagong training scheme na umobra naman. Born Tycoon did good. I thank boss Ferdie for the chance and for a job well done on her training.”

Abangan bukas ang 1,400 meters PCSO Special Maiden race sa Agosto 11 sa San Lazaro Leisure Park. Trese ang kalahok na mga 2YO – Wild Ginseng (52 kg, jockey Rodeo Fernandez), Striker’s Symbol (54, John Paulo Guce), Leonidez Might (52, Mark Alvarez), Megatron (54, Virgilio Camañero Jr.), Leonor (52, Christopher Tamano), Pantukan (54, Fernando Raquel Jr.),

Niagara Boogie (52, Jeffrey Bacaycay), Sky Dragon (54, Antonio Alcasid Jr.), Sparkling Rule (52, Jesse Guce), Green Garnet ((54, Patricio Dilema), Tarzan (54, Kelvin Abobo), Mi Esperanza (52, Dominador Borbe Jr.), at Divine Eagle (54, John Alvin Guce).

Samantala, dahil sa malakas na pag-ulan at baha sa Kamaynilaan at karatig-lugar, nagpahayag si Manila Jockey  Club Chairman Atty. Alfonso R. Reyno Jr. ng cancellation ng karera noong araw ng Martes.

Ang pag-suspindi ng karera ay nasa discretion ng racing club base sa assessment nito kung ang racing conditions ay safe o hindi para sa hinete at kabayo, pati na rin ng mga empleyado nito on-site, tellers sa off-track betting stations, at pati ng mga racing fans.

***

Related stories:

Comments are closed.