KL: Hataw, Karera!

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 14 August 2012, Tuesday

Hataw, Karera!

            Todo saya noong nakaraang weekend sa San Lazaro Leisure Park ng Manila Jockey Club sa mga pakarera ng Philippine Racing Commission and Philippine Charity Sweepstakes Office.

Noong Sabado (Agosto 11), matindi ang bakbakan ng llamadong Pantukan at segundo llamadong Sky Dragon sa PCSO Special Maiden Race sa loob ng 1,400 meters.

Matindi ang remate ni Sky Dragon sa pagrerenda ni jockey Antonio Alcasid Jr. at naging photo finish ang pagtatapos. Ngunit paglabas ng resulta, nanaig pa rin ang nag-banderang Pantukan ng pamilya Floirendo sa ilalim ni Fernando Raquel Jr.

Ang tiyempo ng karera ay 1:28.6 sa cuartos na 12’-24-24’-27.

Pagkatapos ng labanang ito, isinalang naman ang mga kalahok ng 1,000 meter na Philracom 2nd leg Juvenile Fillies stakes race. Panalo rito si Eurasian ni Joseph Dyhengco na ginabayan ni Jeffril Zarate. Sumegundo si Grand Strikes Girl, tersero si Ballet Flats.

Noong Linggo naman (Agosto 12), itinakbo ang 1,300 meters na Philracom 2nd leg Juvenile Colts kung saan nanalo si Boss Jaden, sakay ni jockey Jeffrey Bacaycay at pagmamay-ari ni Atty Sixto Esquivias IV. Segundo llamado ang nagwagi; itinalo nito ang paboritong Spinning Ridge ng SC Stockfarm na segundong dumating.

Sa ibang kaganapan, Sabado rin idinaos ang isang multi-sectoral meeting ng industriya kung saan nagpulong ang iba’t-ibang mga kinatawan upang masolusyunan ang mga isyung hinaharap sa kasalukuyan.

Kabilang sa mga naroon sina chairman Angel L. Castaño Jr. at commissioner Jesus Cantos ng Philracom; Manila Jockey Club chairman Atty Alfonso Reyno Jr., EVP-COO Atty King Reyno at assistant vice-president at racing manager Jose Ramon C. Magboo; Philippine Racing Club AVP at racing manager Dan Valmonte; Metro Manila Turf Club chairman Dr. Norberto Quisumbing Jr. at president Atty. Alex Carandang; MARHO corporate secretary Atty. Ramon S. Bagatsing Jr.; Philtobo president Bienvenido Niles Jr.; at Klub Don Juan de Manila past president Lamberto Almeda Jr.

Sa weekend naman na ito sa Santa Ana Park gagawin ang  ika-4 na Mayor Ramon D. Bagatsing (RDB) Memorial Cup.

Ang mga major races nito ay ang Philracom RDB Cup Division I at Division II; dalawang PCSO-RDB Cup; at PCSO National Grand Derby.

Samantala, salamat sa inyong mga panalangin para kay dating Philracom commissioner at ngayon racing coverage host Eduardo “Boboc” Domingo Jr. na nakalabas na mula sa ospital noong nakaraang linggo pagkatapos sumailalim sa heart bypass operation. Siya’y nasa mabuting kondisyon at nagpapagaling.

Ikinalulungkot ko namang ibalita na nasa “serious condition” si Philippine Jockey Academy founder at instructor George Stribling sa Ospital ng Makati. Sana siya ay gumaling na agad!  ***

Related stories:

Comments are closed.