KL: Jockeys’ Academy, Bubuksan Uli sa 2009!

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  25 July 2008, Friday

Jockeys’ Academy, Bubuksan Uli sa 2009!

Pansamantalang itinigil ang operations ng Philippine Jockeys’ Academy nitong taon makatapos ma-lisensiyan ng Philippine Racing Commission ang pinakahuling batch ng apprentices mga ilang buwan nang nakaraan.

Inaayos pa kasi ng Philracom ang pag-turn over ng operations ng PJA sa New Philippine Jockeys’ Association, ang nag-iisang organisasyon ng mga hinete.

 Itinayo ang PJA noong early ‘80s at ang director nito ay si Mr. George Stribling, na nag-handle ng lahat ng aspeto ng paaralan hanggang sa isinara nga ito nitong taon. Ang PJA ay nasa ilalim ng Philracom at ang pagpapatakbo ng paaralan ay subsidized ng Philracom, Metropolitan Association of Race Horse Owners, Philtobo, Manila Jockey Club, at Philippine Racing Club.

Ang sistema dati ay, ang PJA ay may klase sa Santa Ana Park ng ilang buwan, bago lilipat ang venue sa San Lazaro Hippodrome sa Tayuman.

Nang magkaroon na ng San Lazaro Leisure Park sa Cavite noong 2003, nagtayo na ng “branch” ng PJA doon sa pamumuno ni jockey Teddy Bolante.

Bilang paghanda sa paglipat ng PJA sa kanilang pamumuno, abala ang mga opisyal at miyembro ng NPJA sa paggawa ng magandang curriculum at pagkuha ng magagaling na instructors para sa bagong Academy.

Magkakaroon ng English, Math, at iba pang college-level classes maliban pa sa Horsemanship and Riding classes sa loob ng isang two-year course structure na sana ma-accredit ng Department of Education bilang recognized na kurso.

Ang balak raw ng NPJA ay simulan ang klase sa first quarter ng 2009, kaya’t tatanggap na sila ng applications mula sa interesadong aplikante simula Oktubre ng taong ito.

Gaya ng dati, ganoon pa rin ang qualifications upang maging isang student jockey: magaan ang timbang (48 kgs or less), di gaanong matangkad (5’4 or below), high-school graduate, mahilig sa  hayop (animal lover), at higit sa lahat, disiplinado at handa para sa estriktong mundo ng isang propesyunal na atleta.

Mga anunsiyo: Happy birthday to Mr. Jose Ramon “Ding” Magboo, Manila Jockey Club racing manager, who turns a year older tomorrow, Saturday (July 26).

To all concerned: The deadline of nominations of 2008 weanlings to the Metropolitan Association of Race Horse Owners (MARHO) racing program is on 31 December 2008.

Karera lang! ***

Related stories:

10 Comments on KL: Jockeys’ Academy, Bubuksan Uli sa 2009!

  1. Rol
    27 July 2008 at 9:57 pm (4361 days ago)

    Only in… SLLP
    “…NAKAWALA PINATAKBO HINDI TUMIMBANG AGAIN AGAIN AGAIN….
    NAKAWALA PINTAKBO HINDI TUMIMBANG AGAIN AGAIN AGAIN NAKAWALA PINATAKBO HINDI TUMIMBANG AGAIN AGAIN AGAIN… NATATAWA AKO HIHIHIHI TANG**** NINYO SILA LANG SILA LANG NA MAY SARILING MUNDO OO TANGING SILA LANG…

    KUNG KAYO AY MAPAGMASID SA BAWAT KARERANG NANGYAYARI HINDI PA TAPOS ANG IMBESTIGASYON SA KARERA NA KUNG SAAN AY MADALAS MAKAWALA ANG MGA KABAYO SA SLLP ETO NA NAMAN NASUNDAN PA NG ISA HINDI LANG ISA DALAWA HINDI LANG DALAWA KUNDI TATLO O HIGIT PA…

    SABI NGA NG MGA RACING AFICIONADO SA OTB NA AKING PINAGLARUAN HINDI YAN PAPAYAG NA WALANG MAKAWALA HINDI NGA NAGKABULA AT MAY NAKAWALA HINDI LANG ISA KUNDI DALAWA ANO BA YANNNNNN…………. ”

    ha ha ha.. Only in SLLP !!!

    (kayo na po mag dagdag ng iba at marami pa nmn yata)

  2. blankboy
    1 August 2008 at 5:04 pm (4356 days ago)

    Wag naman po sana mag karoon ng 2 year course!

  3. futurejockey
    18 August 2008 at 12:13 am (4340 days ago)

    meron po bng tuition fee pra sa kursong to? kung meron man sana po ung affordable pra sa mga mahihirap n gustong maging hinete. pasok ako sa lahat ng qualifications maliban sa wala akong pan-tuition fee kung sakali. sana mg-post pa kayo ng madaming info about this. thanks in advance!

  4. migs
    20 August 2008 at 8:25 am (4337 days ago)

    Dapat mag create ng Stewards Academy para naman mapalitan na iyong mga mangmang na stewards ng sllp. Its about time. Kaya lang kulang na magtuturo alam ko kasi wala na diyan iyong mga top students noong nakaraang klase.

  5. Z
    31 August 2008 at 9:17 pm (4326 days ago)

    magandang gabi po sa lahat ng sumusoporta sa horse racing sa d2 sa pinas.. ahm., ask ko lang din po kung san ba pupunta para mkapag enroll sa itatayo nyong bagong school for jockeys.? kasi pangarap ko din po na maging isang hinete balang araw kaso nahihirapan po akong makahanap ng kakilala para mapagtanungan.. ngayong october po ba ang opening pra sa mga aplikante.? tnx z

  6. batman
    1 August 2009 at 10:33 pm (3991 days ago)

    san po ba ang applyan ng pagiging hinete? dyan po ba bagong race track?

  7. dennis cayaco
    22 October 2009 at 4:02 am (3909 days ago)

    kailan po ang deadline ng pag submit ng requirements para sa taong ito…..
    saan at kanino po isusubmit ang requirements…….salamat po sa info….

  8. reynaldo
    29 October 2009 at 1:48 pm (3902 days ago)

    pwede pa po ba ? umabol sa pag aaral ng apprentice/ ksi po ngyon kulng nabasa eh..san po matupad kopo yung pangarap ko!!wag naman po sana 2 yeas.1 years lng po dba…san po banda yung academy sa sanlazaro?09086935061.txn.god bless take care muah.

  9. LEAH
    19 January 2010 at 5:28 am (3820 days ago)

    gud aftie po! bkit po d na sumasakay c jm manalo?

    lagi ko poh cia inaabangan!

  10. j b parcon
    20 January 2010 at 10:32 am (3819 days ago)

    hi! gud day po sa inyo. ask ko lng kung kyln po ulit ang enrollment po sa jockey’s academy at magkanu poi ang tuition fee? at san po pwede mag enroll? more power po sa inyo.