KL: Kalidad ng Kabayo, Humihina?

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  29 July 2008, Tuesday

Kalidad ng Kabayo, Humihina?

Napansin po ba ninyo lately na parang ang daming batang kabayo na nagkakadiperensiya at natitigil ang kanilang racing career? Mabuti sana kung pansamantala lang – na pahinga lang ang kulang – ngunit mayroon ding mga kabayo na tuluyang inuuwi na sa rancho for breeding purposes nalang.

Sa pinaka-latest na batch ng mga juveniles, nariyan sina Go Army, Go Air Force, at Alisha’s Gold, among others, na nagpakita ng buti sa umpisa ngunit ay natubuan ng mga sobrecaña, o nagkalagnat, o kung ano mang diperensiya na nagresulta sa pansamantalang pagkaka-antala ng kanilang racing campaign itong taon.

Noong 2005, noong nagsilbi ako ng ilang buwan bilang manager ng pinakamalaking racing operation sa bansa, kung ilan din ang novato at 2YO doon na nag-suffer ng lameness, pagkatapos ng ilang takbo lang, na di na magamot at pang-breeding nalang sila talaga. Doon ako namulat sa ganoong sitwasyon, at napansin ko ang pangyayaring ito sa iba ring mga kuwadra na para bang bawas ang soundness ng mga younger horses.

Dahil ba sa training ba ito? Ito ba ay resulta ng maagang pagsimula ng kanilang racing career? Ano kaya ang dahilan nitong trend?

Kaya nagulat ako noong ako’y padalhan ng news item ni Mr. Robert Bolson, Corporate Marketing Director ng The Blood-Horse magazine ng Amerika, tungkol sa isang research study na ginawa nila na nagpapatunay na humihina na nga ang kalidad ng mga thoroughbred sa Amerika.

Para bang ito ay sumasalamin sa sitwasyon dito sa Pilipinas.

Sa study ng The Blood-Horse, binuo nila ang “stallion progeny race records” mula 1970 hanggang 2003 at hiniwalay ang data ng kada dekada. Pagkatapos ay kinalkula nila ang “starts” o takbo ng bawat anak ng bawat istalyon at naghanap sila ng pattern ng trends.

Natuklasan nila ang ang mga “foals” na ipinanganak noong 1970 hanggang 1979 ay may average na tig-20.42 takbo. Para naman sa foals na ipinanganak noong 2000-2003, ang average na takbo ay bumaba sa 13.15 nalang!

Kung iyan ay nakakabahala, mas  lalong nakakadismaya ang impormasyong nakalap nila para sa older horses. Noong dekada ’70, ang average na bilang ng takbo kada kabayo 4YO pataas ay nasa 25.97. Para sa bagong milenyo, ang average na ito ay bumagsak ng 12.97 nalang, o halos 50%!

F&s_race

Fair and Square and rivals at Santa Ana Park in 1981…Kabayo noon…

Humihina na nga kaya ang kalidad ng thoroughbred? Ano kaya ang dahilan ng ganitong kaganapan? Mawawala na nga kaya ang mga “iron horse”? Sa Amerika lang ba ito nangyayari o pati ba sa ibang racing nations ng mundo? Ano ang maaring gawin upang sugpuin ang ganitong trend?

Higit 200 pahina ang ginawang study ng The Blood-Horse, na maaring i-download ng libre sa http://www.bloodhorse.com.

Sana mayroon din dito sa local racing industry na magta-tiyagang mag-compile ng research study tulad nito, upang malaman natin kung ano na ba ang kalagayan ng young horses dito sa bansa, at kung napapareho din tayo sa trend na na-obserbahan nila sa Amerika, kung saan galing ang mga preferred breeds ng ating mga horseowners at breeders.

100_1710

Racing at San Lazaro Leisure Park, 2007…Kabayo ngayon…

Karera lang! *** (Internet: http://gogirlracing.wordpress.com)

Related stories:

4 Comments on KL: Kalidad ng Kabayo, Humihina?

  1. ryan pablo
    30 July 2008 at 4:40 am (4358 days ago)

    Good day mam jenny,

    congratulations on being part of the TBA! i really enjoy reading your blogs. keep it up mam! by the way, i would like to ask who is fair & square in the picture? is he/she the one in the middle?? thanks!!

  2. sultan
    30 July 2008 at 10:38 am (4358 days ago)

    fairnsquare, is a doctor and best tipster and active member in PHF.you can view the site http://www.phf.com.ph

  3. tauro
    30 July 2008 at 10:39 am (4358 days ago)

    fairnsquare, is a doctor and best tipster and active member in PHF.you can view the site http://www.phf.com.ph

  4. redmister
    3 August 2008 at 8:15 pm (4354 days ago)

    ok lng nagkadipirensxa ung mga kabayong go army go ari force kilala ko nmn kung kanino tlga yan ayan ang tinatawaga nilang karma dahil s pagwalanghiya s bansang pilipinas kya tau hnd umuunlad dahil s kanya tapos pra lumakas kpit nya lalo nag pangalan sxa ng kabayong go army at go airforce kalokohan