KL: 2008 Dubai World Cup, US Eclipse Awards

 KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  15 February 2008, Friday

2008 Dubai World Cup, US Eclipse Awards

 March 29 ang tinakdang petsa ng Dubai Racing Club (DRC) para sa “pinakamayamang karera sa buong mundo”, ang Dubai World Cup (DWC).

Sa laki ng premyo, “international” ang mga kalahok na nagmumula sa USA, Europe, Asia, at iba pang bahagi ng mundo. Masasabi talaga na ang DWC champion ay ang pinakamagaling sa buong planeta!

1996 nung unang itinanghal ang DWC sa pista ng Nad-al-Sheba racecourse.

Pito  ang major races sa DWC raceday. Anim ang para sa thoroughbreds (‘mola’), at isa para sa purebred Arabians (lahi ng kabayo na isa sa ninuno ng thoroughbreds).

 Ang highlight race ay ang Dubai World Cup (G1) na may premyong $6 million o P246 million! Si Invasor ang nanalo noong 2007, tinalo ang llamadong Discreet Cat.

 Itong 2008, mukhang magiging top favorite si Curlin (USA), ang Horse of the Year sa Eclipse Awards dahil sa kanyang pagkapanalo ng Breeders’ Cup (BC) Classic at Preakness Stakes, among other major races. Maaring makalaban niya sina Midnight Lute (USA), 2007 Breeders’ Cup Sprint champion, at Asiatic Boy (Argentina), ang nanalo ng 2007 UAE Derby.

curlin_preakness_lateral.jpg

Curlin, on the outside, in a close finish in the 2007 Preakness Stakes

 Supporting races sa DWC raceday ang $5 million Dubai Duty Free (G1), won in 2007 by Japan’s Admire Moon, at ang $5 million Dubai Sheema Classic (G1), won by Hong Kong’s Vengeance of Rain.

 Ang isa pang G1 (Group 1) karera para sa mola ay ang $2 million Dubai Golden Shaheen. Nanalo noong nakaraang taon si Kelly’s Landing (USA). Si Asiatic Boy ang nanalo ng $2million UAE Derby (G2), at si Spring At Last (USA) sa $1 million Godolphin Mile. Ang nanalo ng $250,000 Kahayla Classic ay si Madjani.

 Sa Eclipse Awards noong Enero 21 sa Beverly Hills, California, di sorpresa na dalawa ang tropeong hinakot ni Curlin -ang Horse of the Year at champion 3YO Male, gawa ng kanyang impresibong 2007 season.

Champion 3YO Filly si Rags to Riches, ang tumalo kay Curlin sa Belmont Stakes. Ang ibang ginawaran ng parangal ay sina Lawyer Ron (Older Male), Ginger Punch (Older Female, nanalo sa BC Distaff), War Pass (2YO Male, won the BC Juvenile), at Indian Blessing (2YO Filly, champion of the BC Juvenile Fillies).

May tropeo rin sina English Channel (Turf Male) Lahudood (Turf Female), Midnight Lute (Male Sprinter), and Maryfield (Female Sprinter) – mga nanalo sa kanilang nilahukan sa 2007 Breeders’ Cup.

Kasama sa Eclipse Awardees  sina Todd Pletcher (champion Trainer; pang-apat na beses niyang manalo ng Eclipse Award; trainer nina Rags to Riches, English Channel, at Lawyer Ron), Garrett Gomez (champion Jockey; rider of Rags to Riches in the Belmont), Shadwell Stable (Owner; owned by Dubai Deputy Ruler Sheik Hamdan bin Rashid al Maktoum), at Adena Springs (Breeder; sa farm nila nagmula si Ginger Punch).

Ang “counterpart”natin ng Eclipse Awards ay ang Philtobo Gintong Lahi Awards, na gaganapin sa March 2.

Karera lang – walang personalan!   ***    Email me:  gogirl_media@yahoo.com

Related stories:

Comments are closed.