KL: Santa Ana Park sa Cavite, Part 2

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  12 August 2008, Tuesday

Santa Ana Park sa Cavite, Part 2

Ipagpatuloy natin ang ating “tour” ng ginagawang bagong facilities ng Santa Ana Park sa loob ng Saddle and Clubs development sa Trece Martirez, Cavite.

Malapit nang matapos ang jockeys’s quarters. Ang entrance nito ay isang medyo makitid na glass door na nasa mismong gitna ng mga stalls ng saddling paddock, na tabi ng parade ground. Medyo kakaiba dahil hindi ninyo iisiping doon pala ang papasok sa quarters – tabi ng mga kabayong kinakabitan at naghihintay ng parada.

IMG_4195

Entrance to the jockeys’ quarters from the saddling paddock

Pero kung iisipin din naman, maigi iyon para sa security purposes, although if I’m not mistaken, may isa pang pinto sa likuran ng quarters’, ang nasa kusina.

Pagpasok sa pintuan sa may saddling paddock, mayroong maraming mga pintuan at maraming mga kuwarto. Ang isa ay may karatulang “Prayer Room”. Nakakabilib, dahil ngayon lang yata nagkaroon ng kuwarto para lamang sa purpose na ito.

IMG_4179

The Prayer Room. Oddly, there are two entrances/exits. Is that wall between the spaces load-bearing? It seems rather awkwardly positioned in terms of traffic flow and ventilation. Wouldn’t an open plan be less constricting?

Mayroon pang mga opisina para sa mga doctors at nurses at para sa Philracom officials. Ang jockeys’ locker rooms ay dalawa, isang malaki na puno na ng mga cabinet at may katabing shower rooms/toilets, at isang maliit na para naman sa babaeng hinete, na may sariling banyo rin.

IMG_4180

Interior of Jockeys’ Locker Room #2: For the use of female jockeys, and can also serve as an additional room for male jockeys. The door on the right leads to a small bathroom. The room at the end is a “dead end” – it has no other door.

Ang isa pang wing ng bungalow ay ang maitatawag na “Jockeys’ Spa”. May Sauna Room na tiyak ikatutuwa ng mga nagpapagaang hinete. Kaso maliit ito, kaya siguradong maguunahan. O magsisiksikan. Tabi nito ay Massage Room, Showers, at Cooling area. 

IMG_4186

This is likely to be the most popular room in the quarters.

IMG_4188

If the Sauna Room is packed, this could be the second most popular room…

IMG_4189

The spacious Shower Room. There are other bathrooms in the quarters.

Maganda, maalwan, at malaki ang Dining/Recreation room. Dito puedeng magkabit ng TV, DVD players, Play Station, at iba pang panlibangan ng mga hinete.

Parang hindi ko makita kung saan doon hihiga at magpapahinga ang mga hinete – sa loob ng main locker room? Malaki ang area sa gitna. Kaso, medyo alanganin doon kasi makakaistorbo iyong mga nagbibihis sa mga natutulog. Customarily, ang area na iyon ay para rin sa mga helpers na naghahanda ng mga gamit ng mga hinete kada karera, kaya magulo at maingay doon.

Ang Locker Room 2 naman ay masyadong maliit. Sana may isang kuwarto na maaring latagan ng mga kama, tulad ng malaking espasyo sa kasalukuyang Santa Ana Park. I’m sure sa dami ng maliliit na kuwarto-kuwarto doon, may Sleeping Rooms, kaso maliit ang mga ito. Paanong gagawin para magkasya silang lahat – double deck?

Sana rin may Helpers’ Rooms. May rule kasi na bawal matulog o magpahinga ang mga helpers sa jockeys’ area. May napenahan na nga kamakailan ang Philracom na isang helper dahil nahuli siyang natutulog sa Santa Ana Park quarters. Saan naman sila lulugar? Sana mabigyan naman sila ng sarili nilang puwesto ng dalawang racing clubs.

 Mga anunsiyo: Belated happy birthday to Ms. Gigi Tejada (August 9), marketing manager of Inquirer Publications Inc. Wishing the best for you on your birthday and everyday, Ms. Gigi!   *** (Website: http://gogirlracing.wordpress.com)

Related stories:

Comments are closed.