KL: Indelible Ink, Mabubura na Kaya?

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  22 February 2008, Friday

Indelible Ink, Mabubura Na Kaya?

Indelible Ink o Don Enrico – kanino kayo sa 2008 Philracom Chairman’s Cup?

Sa Linggo, Feb. 24 sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) gaganapin ang 1500-meter na karerang susubok sa galing ng pinakamagaling na three-year-olds (3YO) sa bansa. Ang race honoree ay si Philippine Ambassador to Mexico Antonio “Tonet” Lagdameo, past chairman ng Philracom. Si Amb. Lagdameo ay isa ring horseowner at breeder. He is married to Mrs. Linda F. Lagdameo, daughter of Don Antonio Floirendo Sr., one of the “elder statesmen” of racing.

Sa karerang ito, lahat ng mata ay nakatutok sa pinakasikat na juvenile ng nakaraang season – ang superfilly na si Indelible Ink – at ang kanyang pinakamatinding karibal, ang matibay na si Don Enrico.

Si Indelible Ink (Best of Luck-Seaquin) ang humakot ng karamihan ng stakes races for juveniles noong 2007. Ang earnings niya ay nasa P5.65 million. Out of twelve starts, may 11 siyang panalo at isang tercero. 

Indelible_ink_juvechshp

Jockey Jeff Zarate and Indelible Ink celebrate their victory in the December 16 Juvenile Championship at Santa Ana Park.

Si Don Enrico (Wind Blown-Kayumanggi) ay madalas maging runner-up sa mga sagupaan nila. Kumita siya last year ng P2.57 million sa walong takbo – anim na panalo, dalawang segundo.

May angking speed si Indelible Ink, at may flexibility siya – puedeng ibandera, puedeng de-remate. Si Don Enrico naman, parang may kaunting kulang pa sa kanya last year na sana makita natin na napunuan na sa taong ito.

Parang nakikita ko kay Indelible Ink si Sun Dancer – ang magaling na filly noong late ‘80s na undefeated sa kanyang tumataginting na career. Presidential Gold Cup winner, nanalo ng santambak na stakes races, isa si Sun Dancer sa mga nakaluklok sa kataas-taasang langit ng racing greats.

Madu-duplicate kaya ni Indelible Ink ang mga accomplishments ni Sun Dancer? Maraming nagdarasal na sana nga, siya na ang susunod na pinaka-magaling na babaeng mananakbo.

However, noong panahon ni Sun Dancer, halos wala naman siyang karibal na kasing talented niya. Sa sitwasyon naman ni Indelible Ink, nariyan si Don Enrico na magbibigay ng mabagsik na laban.

Lamang pa si Don Enrico dahil “colt” (lalaki) siya. Tingin ko rin, malaki ang nai-mature recently ni Don Enrico in terms of skills and diskarte. Ayon sa kanyang may-ari na nakausap ko kahapon, may mga magandang trangko ang kanyang pambato. Sa kanya ako kakampi sa Linggo!

DON ENRICO 131

With John Alvin Guce in the irons, Don Enrico wins the Philracom Year-End Invitational at Santa Ana Park, 31 Dec 2007.

Ayon naman sa isang informal survey sa PHF (www.phf.pinoywebsights.com/forum), as of presstime, 42.1% ang kay “Tinta”, 36.8% kay Don Enrico, at tig-1% kina Diamond Duchess and Unopposed. Ang iba pang kalahok dito na hindi dapat balewalain ay sina Anonymous, Bohemian Dave, Imperial Ballet, Security Queen, at Shining Fame.

Pinaglalabanan nila ang total prizes na P2 million. Sa mananalo, P1.2 million ang nakalaan; P450,000 sa segundo, P250,000 sa tercero, at P100,000 sa cuarto. May premyong P70,000 sa breeder ng winning horse.

Karera lang – walang personalan!  *** 

Related stories:

4 Comments on KL: Indelible Ink, Mabubura na Kaya?

  1. gary see
    1 March 2008 at 5:42 pm (4508 days ago)

    mam jeny my request po sana ako sna po mpdalan nyo po ako picture ni don enrico.alam nyo po nkpgcollect po ako ng mga picture ni wind blown nun nung tumatakbo pa sya.nkagawa na nga po ako ng album.hehe.maraming salamat po ulit!!!more power to your column sa tumbok!!!

  2. Caballero
    10 March 2008 at 3:55 pm (4499 days ago)

    Di ko akalain na talunin pa ulit ni Don Enrico is Indible Ink.Kapuna puna sa lahat karerista na lahat ng parann ay ginawa ni Jt zarate pero nabigo pa rin hanggang pagdating sa meta.Talagang burado na sa madlang karerista ang simpatya ka Ind. Ink.

    Abanagan natin sa susunod na rematch 2050 mtrs.
    Magkasubukan na.Pero kwidaw kay Imperial Ballet, na mahusay sa mahabang distansiya.

  3. daunz
    16 March 2008 at 2:16 pm (4493 days ago)

    indelible ink panis na kabayo ..
    kala ko ba tsamba eh bakit talunan ka pa din huh . . .

    tanggapin nyo ang katotohanan . .

  4. daunz
    16 March 2008 at 2:17 pm (4493 days ago)

    1 on 1 na lang para magkaalaman na agad .. ang matalo mag retire na para wala nang matanggap na kahihiyan