KL: MJC Stewards, Pinatawag!

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  14 August 2008, Thursday

MJC Stewards, Pinatawag!

Pinatawag kahapon ng Philippine Racing Commission ang Board of Stewards ng Manila Jockey Club upang tanungin sila tungkol sa mahabang delay na naganap bago mag-Race 1 ng Agosto 5, Martes, sa San Lazaro Leisure Park.

Iisa na raw kasi ang may-ari ng kabayong Alchy’s Treasure at Diamond Magic na parehong kasali na Race 1 noong araw na iyon. Ngunit magkaiba pa ang registered owners na nakaimprenta sa programa.

Nagkaroon ng delay dahil hindi malaman ng MJC-BOS ang gagawin – kung iiscratch o i-couple ang kabayo.

Ang ginawa nila, inilipat nila ang taya ni Diamond Magic sa llamado, at ginawang coupled entry sina Alchy’s Treasure at Diamond Magic.

Kung tiningnan sana nila ang Philippine Racing Rules and Regulations (PR), maliwanag sa PR 127 na pag may benta na ang kabayo na dapat i-couple, hayaan nalang itong tumakbo bilang separate entry ngunit dapat i-anunsiyo sa broadcast at in-track PA na pareho ang may-ari ng dalawang kabayo, para sa kaalaman ng publiko.

Kaya ang tanong ay, nabasa ba ng kasalukuyang MJC-BOS ang PR? Bakit hindi nila in-apply ang PR 127 sa naturang sitwasyon?

Aalamin natin kung ano ang naging pasya ng Philracom Board sa nangyaring ito.

***

 Samantala, kahapon rin inabot ni Philracom chairman Atty. Joy Rojas ang charity race proceeds ng 2007 Tumbok Cup sa beneficiary na Gifts and Graces Fair Trade Foundation, na ni-represent ni Executive Director Love Gregorie M. Perez.

Kasama rin sa turnover ceremony si Ms. Sandy Prieto-Romualdez, pinuno ng Philippine Daily Inquirer, Ms. Marivic Puyat-Limcaoco, board member ng Gifts and Graces, at si Ms. Gigi Tejada, marketing manager ng Tumbok.

IMG_4299

Ms. Gigi Tejada, Philracom chairman Atty. Joy Rojas, Ms. Greg Perez, Ms. Marivic Puyat-Limcaoco, and Ms. Sandy Prieto-Romualdez at Chairman Rojas’s office for the turnover ceremony

Ipinaliwanag ni Ms. Romualdez na ang naturang beneficiary “ay isang livelihood program ng crafters sa mga komunidad sa lungsod na gumagamit ng mga materyales na basura o patapon. Inire-recycle nila ang mga ito at ginagawang produkto.” Kasama sa mga produktong ito, aniya, “ay ang mga tote bag na gawa sa lumang tarp, at laruang jeepney na gawa sa lumang lata.”

Ayon kay Chairman Rojas, “Ang aming suporta sa Tumbok at Gifts and Graces ay bahagi ng aming social responsibility program, at ikinatutuwa namin na kami’y nakatulong sa livelihood program na ito.”

Ang 2008 Tumbok Cup, sponsored rin ng Philracom, ay gaganapin sa Oktubre sa Santa Ana Park.  Ang napiling beneficiary ay ang Bahay ni Maria, isang organisasyon na nag-aalaga at nagpapa-aral ng mga street children.

Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

3 Comments on KL: MJC Stewards, Pinatawag!

  1. red shoes
    14 August 2008 at 4:30 pm (4342 days ago)

    O ayan binisita ko na itong blog mo.
    Medyo malabo yata ito:

    “Nagkaroon ng delay dahil hindi malaman ng MJC-BOS ang gagawin – kung iiscratch o i-couple ang kabayo.

    Ang ginawa nila, inilipat nila ang taya ni Diamond Magic sa llamado, at ginawang coupled entry sina Alchy’s Treasure at Diamond Magic.”

    Did they categorically said na hindi nila alam gagawin nila? Mr. Cagigas will not say that. And why transfer the bets of Diamond Magic sa llamado eh hindi naman scratched entry iyon. Paano kung nanalo si Diamond Magic? Paano na ngayon iyong mga nakataya doon? Nanalong talunan? Hindi yata tama. Ewan ko baka may bagong ruling na. Mayroon ba? Kung wala, tama lang iyon PR 127. Pero… hindi ba “gross incompetence” tawag dito? :) ) Just asking.

  2. NiHAWmA
    16 August 2008 at 9:48 pm (4340 days ago)

    The cause of the delay is a bad reflection towards the stewards and the management of Manila Jockey Club but….if you will ask me who’s to be blamed…

    My own personal opinion

    WHY don’t they ask the trainer of the horses concerned? Trainer Ruben Tupas should be blamed for this. Ruben Tupas should be scolded regarding the fiasco for the late declaration of Alchy’s Treasure and Diamond Magic AS COUPLED ENTRY. Nakupasan tuloy ang kanyang pangalan. It’s a pity. I’m sorry ka Ruben. You are a very respectable trainer.

    PERO marangal pa rin naman ang ginawa mo DAHIL inamin mo na TALAGANG MAGKACOUPLED ENTRY silang dalawa. Hindi kasi katulad ng iba na bistadong bistado na NA DAPAT AY GAWING COUPLED ENTRY.

    Nang akin pong binabasa ang mga patakaran tungkol sa coupled entry. Pare parehas PO na may kakulangan. Ito po ang aking pagkakaintindi

    HORSE TRAINER??

    Kada idedeklara ang isang kabayo, ang nangangasiwa po nito ay ang trainer MISMO. DI PO BA? Responsibilidad po ng trainer (Ruben Tupas) na ilagay sa deklarasyon na coupled entry ang mga kabayo. Kung kinakailangan na patawan ng multa ang trainer ng kabayo ay dapat pong gawin ng dahil sa perwisyo na naidulot nito.

    MAY-ARI NG KABAYO??

    Hindi ho ba ay pinipirmahan ng mga may-ari ng kabayo ang deklarasyon. Antimano ay dapat na po inilagay na coupled entry. Please refer to PR 132.

    CLUB HANDICAPPER??

    ANO PO ANG GINAGAWA NG CLUB HANDICAPPER? Nagpabaya siya sa kanyang trabaho. Ang dapat po ay sa bolahan pa lamang ay alam na NIYA MISMO na coupled entry yung dalawang kabayo. Tama po ba ako? Nirerebisa ho ba nila ang kopya?

    Ayon sa Philracom ruling na nabanggit ninyo

    If upon a review of the racing program, it is discovered that two (2) entries that should be coupled were given separate numbers, then the following procedure shall be followed :

    a. If no bets have been placed yet, then the two (2) entries shall be coupled and this shall be announced to the racing public ;

    b. If bets have been placed, then the two (2) horses shall be allowed to run as separate entries;

    Paano po kung sa mga darating na panahon ay MAGSASAWALANG KIBO ANG TRAINER O STEWARD? Paano po kung hahayaan nila? Mali ho ito. Hindi mawawala sa karera ang mananamantala, nagtatanong lang po? Maari po itong gawing paraan upang gawan ng kalokohan o walanghiyain ang karera. Mahirap nito kapag nangyari ito sa mga paratingan ng WTA o kahit Pick 6.

    Kung sakaling napatunayan na coupled entry, BAKIT HINDI NA LANG PAGSAMAHIN ANG BENTA AT GAWIN ISANG NUMERO AT PAGKATAPOS AY BURAHIN (scratch) ANG ISANG NUMERO.

    COUPLED ENTRY??

    Isang uri ho ba ito ng panlilinlang sa mga karerista? Lagi na lamang isyu ito PERO iisa lang po ang aking masasabi rito.

    Halimbawa po, ako ay isang may-ari ng kabayo na NAKAPANGALAN SA AKIN mismo yung isang kabayo at ang isa naman ay NAKAPANGALAN SA AKING KUMPANYA. DAPAT po na gawin itong coupled entry.

    May kasabihan, KUNG ANO ANG KAY PEDRO AY KAY PEDRO, KUNG ANO ANG KAY JUAN AY KAY JUAN. Ipagpalagay natin na coupled entry ang dalawang kabayo ko. Nanalo ang nakapangalan sa akin at pumangalawa naman yung nakapangalan sa aking kumpanya. Ang tanong, ANO PO ANG KINALAMAN O PAKI ALAM NG NAKAPANGALAN SA AKIN NG NAKAPANGALAN NAMAN SA AKING KUMPANYA. Sa madalit salita, KUNG ANO ANG PREMYO NI PEDRO AY KAY PEDRO, AT KUNG ANO NAMAN ANG PREMYO NI JUAN AY KAY JUAN.

    Ito po ang palaisipan at bibigyan ko po kayo ng ideya.

    BAKIT PO ANG KABAYO NI G ARISTEO PUYAT (Imminent Star) AT ANG ISA PANG KABAYO NIYA NA KASOSYO SI G N.QUISUMBING (Heroics) AY MAGKA-COUPLED ENTRY? Samantalang yung iba na identified na sa kanya ay HINDI GINAGAWANG COUPLED ENTRY.

    PAANONG HINDI MAGKAKARON NG MALAKING PAGDUDUDA ANG PUBLIKO? MAIIWASAN PO BA ANG ISANG ALINGASNGAS.

    Lumalabas na ang isang patakaran ay hindi naiintindihan ng mga ito.

    Napakalinaw po ng patakaran. Kung kaming mga ordinaryong karerista ay nakakaintindi BAKIT PO SILA NA MAY MATAAS NA PINAG-ARALAN AY HINDI PO NAKAKAINTINDI? Siguro po at sa aking palagay ay sila naman ang karerista at kami naman ang siyang uupo para ipatupad ang mga patakaran. ANO PO SA TINGIN NINYO?

    PROGRAMA NG KARERA??

    Lumalabas sa mga ganitong pangyayari ay MISLEADING ang mga impormasyon na siyang pananagutan sa bayang karerista.

    STEWARDS??

    Hindi ko po alam kung ako po ay maawa sa kanila PERO alam ko po na mahirap ang trabaho nila. Nauunawaan ko po. KAYA LANG….BAKIT YUNG MGA KARAPAT DAPAT NA MASUSPINDI AY HINDI PO NASUSUSPINDI? Maririnig po natin ang suspensyon at iaanounce ng panel PERO sa mga susunod na araw ay muli pong makakasakay. Ang dali naman po ng apila at pakiusapan. LUMALABAS NA PAKITANG TAO LAMANG ANG DESISYON. Nasaan po ang proteksyon namin mga karerista. Interest of the betting public.
    Hanggang sa karera ay may palakasan. SINO PO BA YUNG MGA UNTOUCHABLES na aking naririnig? Meron po ba talaga nito? Alisin dapat yan ganyang NAPAKASAGWANG KAUGALIAN. Walang mangyayari sa ating industrya.

    Ano po ba ang pinagkaiba ng DELIBERATELY LOSING THE RACE, LACK OF INTEREST AT PULLING HIS MOUNT. Iisa lang po ang ibig sabihin niyan. Nasaan na po ang integridad ng ating industrya niyan. Ang dapat na suspensyon ay mula anim hanggang isang taon o kahit BAN NA ANG MGA MANLOLOKONG HINETE.

    Kung naawa sila sa mga hinete maging sa kanilang mga pamilya, PAANO NAMAN PO KAMI NA PILIT NA NAGPUPUMILIT NA SUPORTAHAN ANG ATING INDUSTRYA? Lagi na lang ba kaming luhaan.

    Bakit may naririnig kami sa loob ng karerahan na retalin at inderal. Ano po ba ang mga ito? Mas mainam po ang nagtatanong KAYSA maging mangmang.

  3. migs
    20 August 2008 at 8:20 am (4336 days ago)

    Ano po nangyari sa pagpapatawag sa mga stewards ng SLLP tungkol sa kaso ng coupled entry na may maling desisyon?
    Inamin naman ng mga stewards na hindi nila alam gagawin nila di ba? Kung ganoon paano sila nakapasa at naging stewards? Akala ko po ba mam jenny mahigpit diyan sa philracom.