KL: Equine Vets, Magtitipon!

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  28 August 2008, Thursday

Equine Vets, Magtitipon!

Lingid sa kaalaman ng karamihan ang samahan ng mga beterinaryong espesiyalista sa kalusugan ng kabayo. Iilan lamang silang nag-concentrate sa larangan na ito, ngunit ang inaalagaan nila ay libong mga kabayo – ang mga mananakbo sa racing, ang mga kabayo sa Manila Polo Club, at ang mga stallions,broodmares, and foals sa breeding ranches sa bansa.

 Ang samahang ito ay ang Philippine College of Equine Practitioners (PCEP) na itinayo noong 2001, bagamat nagsimula ito bilang Philippine Association of Equine Practitioners noong 1999 pa.  Ang PCEP ay binubuo ng professional equine vets, at ito ay tinaguriang “collegial body” na officially affiliated sa Philippine Veterinary Medical Association, ang pambansang organisasyon ng mga beterinaryo.

PCEP Charter Members

Conferment of PCEP Charter Members at the 69th PVMA Annual Convention in Feb 2002. (Photo courtesy of Dr. Jojo Cambay)

Ayon kay Dr. Alejandro “Jojo” C. Cambay Jr., PCEP vice-president at pinuno ng Licensing Division ng Philippine Racing Commission, ang karamihan ng kanilang miyembro ay mga vet na nagta-trabaho sa racing industry.

Dr_jojo_cambay

Dr. Alejandro “Jojo” Cambay, DVM – PCEP Vice-President and head of Licensing Dept., Philracom

Aniya, ang layunin ng PCEP ay “for the advancement of the science and art of equine health care.” Dumarami na rin ang kanilang mga miyembro. “Ang PCEP ay may 44 members na binubuo ng 26 Fellows na may 10 taon o higit na experience sa equine health care; 10 Diplomates na mayroong at least five years but less than 10 years’ experience; at 8 Associate members na may less than five years’ experience.”

Sa ngayon, maari raw magsumite ng applications ang mga vets para sa Diplomate membership. May examination na ibinibigay ang PCEP sa mga candidates.

Ang isang mahalagang layunin ng PCEP ay ang pagpapalago ng kaalaman tungkol sa makabagong pamamaraan sa equine health care. Ang isang paraan nito ay ang pagsusulat ng mga miyembro ng mga academic papers ukol sa mga naoobserbahang sitwasyon sa Philippine setting.

 Ang mga academic papers at research ng mga PCEP members ay kanilang ibinabahagi sa fellow members at general public sa kanilang pinakamalaking taunang event, ang PCEP Scientific Conference. Ang ika-pitong yugto nito ay gaganapin sa Lunes, Set. 1, sa Manila Polo Club, umpisa 8:00 am.

Kasama sa mga babasahing papers ay ang “Equine Health: Local and International Disease Monitoring” nina Dr. Cambay at Dr. Reynaldo G. Fernando (Philracom commissioner), at ang “Fibroscopic Examination of the Upper Respiratory Tract of Thoroughbred Horses in the Racetrack”, by Dr. Romy Modomo.

Kasama rin sa tatalakaying paksa ay ang “Field Approach to Whole Blood Transfusion” ni Dr. Louie S. Gray, PCEP president; “Ultrasonography of the Equine Ovaries and Uterus” ni Dr. Eduardo B. Torres; at ang “Equine Update in Asia-Pacific” ni Dr. Ronaldo E. Ombrete. May open forum pagkatapos ng presentations, to be moderated by Dr. Raymond de Villa (PCEP Continuing Education Committee chair).

 Ang ibang opisyales ng PCEP ay sina Dr. Ludy Ocampo, secretary and Membership Committee chair (Philracom field vet), Dr. Peter Rojas, treasurer (head, Philracom Field Inspection Division), Dr. Ruby Silva, auditor, at Dr. Fritz Ocampo, PRO.

Inaanyayahan ng PCEP ang mga vets at vet students na interesado sa equine health na dumalo sa event. Ang conference fees ay P500 for members and non-members, at P300 for students. Magsisimula ang registration ng 8:00am sa naturang venue. Pinapasalamatan ng PCEP ang kanilang sponsor, Fanfreleuche equine products trading, na magbibigay rin ng presentation sa conference.

Ito’y magandang kaganapan para sa racing at breeding industry, na ang mga vets na nag-aalaga sa mga kabayo ay gumagawa na ng kanilang sariling paraan upang makapag-share ng research at observations na makakatulong sa kanilang propesyon. Good luck sa officers at members ng PCEP!

Kabayo lang – walang personalan! ***

Related stories:

1 Comment on KL: Equine Vets, Magtitipon!

  1. adore reyes
    4 March 2009 at 10:49 am (4142 days ago)

    Recruiting licensed Equine Vets with 10 years experience, to work in Qatar (Equestrian Club). Attractive salary package plus allowances, Family Visa, Free Housing & Transportation. Interested party may send detailed RESUME to email: adreyes@unistaff.us