KL: La Tienne, Makakaulit Ba?

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  29 August 2008, Friday

La Tienne, Makakaulit Ba?

Siya ang nanalo ng Philippine Racing Commission 1750-meter Peridot I stakes noong August 24 sa San Lazaro Leisure Park. Makakaulit kaya siya sa 1600-meter Peridot II stakes sa August 31 sa Santa Ana Park?

Iyan ang tanong ng mga karerista tungkol sa kabayong La Tienne, na rumemate mula sa pinaka-huling puesto upang agawin ang korona sa tinaguriang 4th leg ng Imported-Local Challenge. Ang Peridot II ay ang ika-limang yugto ng series na iyon, at dito makikita natin kung chamba lang ang panalo ni La Tienne, tulad ng sinasabi ng iba – o kung talagang balik na ang buti niya.

Ang mga kasali – sa stall 1, Sweet Xarah, sasakyan ni Jesse B. Guce, magdadala ng 54 kg; stall 2, Dolbella, jockey Joe Noel D. Camu, 54 kg; stall 3, Art and Soul, jockey Antonio B. Alcasid Jr., 53.5 kg; stall 4, La Tienne, jockey Ernesto G. Reyes, 56 kg; stall 5, Aly Dancer, jockey Jeffril T. Zarate, 56 kg; at sa stall 6, Fierce Fighter, jockey Patricio R. Dilema, 53.5 kg.

Nag-survey ako ng mga pananaw ng mga karerista sa filipinohorsevelocity.com at ito ang mga analysis nila. Ayon kay Drazen, “Kay Aly Dancer po ako dyan. Balita ko ‘yan ang pinili ni Jeff Zarate sakyan. Saka tingin ko ung dalawang talo ni Aly Dancer kay Traditional e sa hinete nagkatalo. Sosolohin ko na sa Sunday.”

Para naman kay Nihawma, “Pati prefers Fierce Fighter to La Tienne. The victory of La Tienne was impressive (Peridot I) but the distance was 1,750 meters and she will be handled this time by an apprentice with 56kg. Art and Soul was hard pressed but runs better in SAP (doble siya sa Santa Ana) which is going to be a factor. Dolbella is a newcomer and is now going up against veteran stakes campaigners so timbangan lang ito. Sweet Xarah’s performance has been inconsistent. With Jeff Zarate guiding Aly Dancer, it’s going to be a toss up between Aly Dancer and Art and Soul. Parehas magaling ang hinete. Your guess is as good as mine.”

Si Jazelle_rae naman, “Kay Art and Soul ako, doble siya sa Santa Ana manakbo.”

Sa poll, lumabas na 58.3% ang bumoto para kay Aly Dancer, winner of the Philracom Garnet Stakes nitong nakaraang Enero, at 25% ang kumampi sa sprinter na Art and Soul. Kay La Tienne, 16.7% ang pumanig.

Sa madaling salita, isang magandang laban ang Philracom Peridot II stakes. Huwag kaligtaang panoorin!

Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

Comments are closed.