KL: Pista ng SLLP, Dapat Ayusin!

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  4 September 2008, Thursday

Pista ng SLLP, Dapat Ayusin!

Nagreklamo kamakailan ang New Philippine Jockeys’ Academy (NPJA) dahil sa umano’y masamang kundisyon ng pista ng Manila Jockey Club sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite.

Kumuha ang mga hinete ng mga litrato noong nakaraang linggo na nagpapatunay ng kanilang sinasabi. Ang ibabaw o surface ng parehong inner at outer tracks ay maputik, lalo nitong naguu-ulan, at uneven o hindi pantay. Dapat kasi, kahit umulan, ay patag pa rin ang pista na walang baku-bako. Maa-achieve ito kung maganda ang surface at ang drainage system.

Sllp_aug08

SLLP track, 28 Aug 2008, photo courtesy of NPJA

Diumano nga raw, noong Philracom Peridot I Stakes noong August 24 sa SLLP, malapit nang madapa si Traditional mga 100 meters mula sa meta dahil raw sa pangit na pista.

Matagal nang balita na hindi ma-resurface ng sea sand ang SLLP tracks dahil sa nahihirapan raw ang MJC na makahanap ng source ng buhangin. Ipinagbawal kasi raw ng Department of Energy and Natural Resources (DENR) ang pagka-quarry o paghuhukay ng sea sand na siyang pinakamagandang surface para sa dirt tracks.

Kaya kahit archipelago tayong binubuo ng 7,100 islands na may mga coastline na puno ng buhangin, eh no sand for racing. Iyan ang tinatawag na “irony”. Hay naku.

Ewan ko lang ha, pero ang Philippine Racing Club ay nakahanap ng mabibilhan ng sand sa Pampanga. Ito ang ginagamit ngayon na top layer ng kanilang ginagawang bagong karerahan sa Trece Martirez, Cavite.

Ang una pa nga nilang nakuhang sand, mula sa ibang lugar, ay ni-reject ng American consultant nila dahil masyado raw itong magaspang at malalaki ang butil. Buti naman at pumasa na sa kanya itong Pampanga sand.

Dapat rin kasi ay regular na binubungkal ang layers ng track hanggang sa kailaliman upang rehabilitate ang pista. Nakita kong ginagawa ito noong mga five years ago sa Santa Ana Park sa Makati. Pagkatapos ng isang ikot, simula na naman paikot sa isang regular maintenance cycle. Tapos sinasala pa ang buhangin upang tanggalin ang mga bato.

Hindi ko nakitang ginagawa ito sa SLLP kundi araro lang o pagpapatag. In other words, wala pang full-scale track rehabilitation na pinatupad doon, sa aking pagkakaalam. Correct me if I’m wrong nalang.

Dapat pagtuunan ito ng pansin ng MJC at bigyan ng priority. Matagal nang inirereklamo sa kanila ang kundisyon ng kanilang pista. Huwag nila sanang hintayin pa na may maaksidente o madisgrasya bago sila umaksyon. Kaligtasan ng kabayo at hinete ang ating punto rito at wala nang iba. Ang kanilang life and limb ang at-risk kada karera, at dapat safety concerns ang mangibabaw.

Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

4 Comments on KL: Pista ng SLLP, Dapat Ayusin!

  1. NiHAWmA
    5 September 2008 at 2:35 am (4112 days ago)

    Tanong ko lang po kung bakit may ganito? Hindi po ba world class na ang San Lazaro? From San Lazaro Hippodrome to San Lazaro Leisure Park.

    Salamat po.

  2. NiHAWmA
    6 September 2008 at 11:07 pm (4110 days ago)

    Ms. Jen

    Just want to ask if SLLP is using Poly Track.
    Poly Track is quite expensive. Very expensive. Huge investment is involved. This is what is being used by Keeneland Racecourse. Poly Track is a fast track irregardless of weather conditions (rain or shine). The Philippines is a tropical country so dapat nilang isipin yung deterioration. Yes, Poly Track is expensive but durable.

    Just imagine about the dirt racecourse, kung bako bako at lubak lubak mas mataas ang percentage na talagang magkakadiperensya ang mga kabayo. Si Iron Tower nalubak. Nasimento. Nabakasyon. Si RED STORM nalubak din at yun kinatay na.

    Sa tuwing bubuhos ang matinding ulan, nag sa shrug ang buhangin so they have to do some maintenance immediately. If you are watching the races, take note of the inner rail ALWAYS. Lahat kasi ng tubig ay napupunta duon so there is a tendency talaga na magkaron ng lubak. Hindi kaya BAKA pati ang drainage ay may problema po.

  3. gogirlracing
    8 September 2008 at 9:03 am (4109 days ago)

    None of our tracks here use Polytrack. That is why in my story above, I wrote that they are sourcing for sea sand.

    Polytrack is okay as a racing surface (see my previous post about this subject) but there are several drawbacks to it:

    1. Expensive – Mr. Raymund Puyat, who was supposed to set up the third racetrack in Silang, wanted to lay a Polytrack surface; he told me that it would have cost P150 million just for that as the material has to be imported (rubber chips and binding agent). And you would still need sand to mix with it

    2. Hard to maintain/drainage problems – Santa Anita Park in Cal. laid a Polytrack surface early this year as CA racing law mandates that all tracks there shift to synthetic. But they had drainage problems and had to tear up the entire thing and do it all over, causing cancelled racemeets, lost income, etc. For this reason, Japan has not installed Polytrack on its (competition) racetracks either, just in some training tracks.

  4. War Emblem
    12 September 2008 at 1:32 am (4105 days ago)

    bumabati….
    bakit walang karera na sa damo itinatakbo (turf) sa SLLP or PRC?
    Hindi ba magandang igaya natin ang ating karera sa USA para naman may umunlad ang ating industriya, lalo na kung may lalabas tayong “super horse” (like windblown) na maaring itapat sa magagaling na kabayo sa mundo.