KL: Herma Farms, Matagumpay ang Auction!

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  9 September 2008, Tuesday

Herma Farms, Matagumpay ang Auction!

Matagumpay ang thoroughbred horse auction o Mixed Sale kahapon ng Herma Farms and Stud sa Dagatan, Lipa City , Batangas. Itinayo at pag-aari ng pangunahing horseowner na si Herminio “Hermie” Esguerra, ang Herma Farms ay masasabing showcase ng breeding dito sa bansa.

Maraming panauhin ang sinalubong ni Mr. Esguerra sa kanyang malawak at magandang rancho. Mula sa Philippine Racing Commission, dumalo sina chairman Atty. Jose Ferdinand M. Rojas II at commissioners Atty. Vergel Cruz at Dr. Reynaldo “Eyo” Fernando. Naroon din sina Johnny Tionloc, Raymund Puyat, Tonyboy Floirendo, at iba pang horseowners; mga trainers na sina Dr. Tony Alcasid kasama si Mrs. Gloria Alcasid, Pablito “Kap Abong” Guce, presidente ng Trainers’ Association, Chito Santos, Ariel Dator, Estoy Jacob; jockey Lyndon Guce; at higit 70 pang attendees.

IMG_4571

At the entrance to Herma Farms

Yearlings_8sep08

Horses in a paddock

Idinaos ang event sa bagong tayo na “Mr. Sutter Hall”, breeding shed at multi-purpose covered court. Ipinangalan ang espasyo sa yumaong istalyon na pina-euthanize noong nakaraang buwan dahil sa nagka-diperensiya ito ng “wobbly hips”. Ang huling mga kasta niya ay may alalay na, at kaysa lalo pa itong mag-suffer, ipinasya ng mga vets at ni Mr. Esguerra na pahingahin na si Mr. Sutter.

IMG_4580

Mr. Sutter Hall. Mr. Sutter was sired by Forty-Niner out of Twitchet, by Roberto.

Si Mr. Sutter ay ama ng mga kampeong si Juggernaut, Lamborghini, Golden Sutter, Mr. Victory, Go Army, French Vanilla, Spanish Drums, Super Crezee, at marami pang iba.

Hse_suttertarp_8sep08

Beneath a commemorative tarp, Mr. Esguerra opens the program with welcome remarks. Beside him is his first racing trophy, for a Sweepstakes race won by Tumataginting, who is now a beloved broodmare at Herma Farms.

Pagkatapos ng masarap na luncheon (catered by Conti’s), sinimulan na ang auction o subasta. Ipinakita muna ang mga istalyon ng Herma Farms – sina Quaker Ridge, Wind Blown, Strong Material, at Deputy Bodman. Pagka-parada nila, isa-isa nang pinalabas ang mga yearlings for sale at inikot sa harap ng mga buyers at spectators.

Kasama sa mga “hips” for sale ang mga kabayong may lahing Mr. Sutter-Beautiful Mind, Rum Tum Tiger-Belle Epoque (inahen ni Don Exequiel at Afternoon Delight), Strong Material-Bulakena (ito ang unang anak ng racemare na ito), at 14 pang yearlings. Mayroon ding ibinentang ilang inahen, na may kasamang free stud service sa mga Herma stallions.

Mrsutter_beautifulmind_hip1_8sep08

Hip #1 was an impressive chestnut colt, Mr. Sutter-Beautiful Mind by Perfect Halo. Auctioneer and program emcee Manny Viray explains the colt’s pedigree.

Tatlo ang mga anak ni Wind Blown sa sale, sa mga inaheng J’approve, Tuck, at Heretofore. Ganoon din sa mga lahing Mr. Sutter, Rum Tum Tiger, at Account of Grace. Dalawa ang anak nila Enjoyment at Strong Material, at isa naman mula kay Self Feeder.

Inanyayahan ni Mr. Esguerra ang mga breeders na magsama-sama upang magkaroon ng isang “united” auction kung saan isasali ang lahat ng mga ibinebentang kabayo upang maging isang pangkalahatang effort ito.

Ani Mr. Esguerra, “I invite everyone in the industry to use this facility (Mr. Sutter Hall) for a horse auction; here at Herma Farms we have 80 stables available to accommodate horses for such an event.”

IMG_4651

As an auction venue, Mr. Sutter Hall is commodious yet allows buyers to see the horses closely, in a more intimate setting than is usual in horse auctions abroad. The back wall on the right side displays just some of the trophies won by Mr. Esguerra’s horses since he entered racing in 1996. The framed photographs are of his prize stallions.

According to Philracom chairman Atty. Joy Rojas, “The event was quite successful and it is a very good boost for the local breeding industry.”

Matagumpay ang 2008 Mixed Sale ng Herma Farms, and we look forward to the next event there. Congratulations to Mr. Esguerra and the whole staff of Herma Farms and Herma Racing, including head veterinarian Dr. Mercy Porsuelo, manager Rene Barretto, admin Mina Feliciano, and everyone involved in putting up this successful auction!

Karera lang – walang personalan!   ***

Related stories:

5 Comments on KL: Herma Farms, Matagumpay ang Auction!

  1. michael
    9 September 2008 at 10:10 am (4317 days ago)

    Hi Ms Jen, ask ko lang poh kung mag-kano yung avg price ng mga yearling sa sales?..highest/lowest bid/bidder?..thank you poh, and hope to hear from soon…

    Michael(3stars)**FHV.com Los Alamitos crew**

  2. jomz
    15 September 2008 at 12:51 pm (4311 days ago)

    hi miss jenny.. ganda ng post nyo tungkol sa auction sale ng herma farms.. sana po may mga added information pa kayo na pede nyong mashare during sa uction, sana malaman at makita namn sa pictures yung mga kabayong inauction at kung cnong mga horse owner ang nakabili nito. .sana nasama rin po yung pricing ng mga kabayo para namn my idea kami kung magkano ang presyo kasi maraming karerista afficionados ang makaacquire ng kabayo so sana you can give us a clear picture of it.. great job po of giving us news about the auction sana maipalabas sa makisig channel…

  3. jomz
    15 September 2008 at 12:52 pm (4311 days ago)

    sir hermie esguerra.. more power to your group ang gagaling ng mga horses nyo.. im your number one fan..

  4. Bertong Padulasan
    28 March 2009 at 12:51 pm (4117 days ago)

    hi miss jenny.. ganda ng post nyo tungkol sa auction sale, bakit miss Jenny kay Mr. Esguerra lang ang auction, wala bang ibang owners na alternative options para sa mga ibang breed na mapagpipilian.

    Salamat po,

    Bertong Padulasan

  5. mark angeles
    18 September 2009 at 3:56 am (3943 days ago)

    ms. jenny good day!
    thank you for posting this auction event of mr. esguerra. and im avid fun of wind blown. do you have any idea kung magkano ang isang racing horse n anak ni wind blown na binebenta ni mr. esguerra?

    thank you very much and more power!

    mark angeles