KL: Karerang SLLP, Hindi Na-Boycott!

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  16 September 2008, Tuesday

Karerang SLLP, Hindi Na-Boycott!      

Maraming taga-industriya ang nakatanggap ng text galing sa isang di-kilalang number noong alas-nuebe ng gabi ng Linggo.  

Ang text kay naka-address sa “mga nagmagmamalasakit sa ating industriya, horseowners, and trainers” at inilista nito ang mga pagkukulang sa industriya diumano ng Manila Jockey Club, na siyang may-ari ng San Lazaro Leisure Park.

Ayon sa mensahe, ang mga ito ay: mahal na pagbenta ng tubig at kuryente; ang hindi pagtupad sa mga “pangako ng libre o minimal rental lang sa kuadra nuong bago buksan ang SLLP (at sa) libre trailer o transport of Sta. Ana-based horses”; “walang maintenance ng pista kaya maraming kabayo ang nasisira at nadidisgracia”; at, ayon pa sa text, “marami pang iba.”

Matagal nang isyu ang mga ito. Tungkol sa una, ito’y nag-uugat sa diumano’y masyadong mataas na singil ng MJC sa tubig at kuryente sa mga stable tenants.  Ang tubig ay nasa P600 kada kabayo – higit pa sa binabayaran para sa isang pangkaraniwang bahay, sa average P500 per month.

Ayon sa computation ng ilang horseowners sa average usage ng tubig ng isang kabayo, dapat nasa P200 kada buwan lang. Bakit daw triple ang singil sa kanila? Ayon pa sa isang horseowner, “Wala namang permit para magbenta ng tubig ang MJC.”

Doon naman sa isyu ng libre o minimal stable rental at libreng trailer, ito ay ipinatupad noong hinihikayat ng MJC ang mga horseowners na lumipat sa SLLP noong bagong tayo ito noong 2003. Ngunit tinigil rin ito dahil “opening promo” lang daw ito at wala namang sinabi ang MJC na habambuhay ang freebies na ito. At kamakailan, itinaas nila ang stable rental rate to P2,200 per stall mula sa P2,000 at wala na raw ang early payment discount na 10% tulad ng dati.

Ang maintenance ng pista at ibang facilities sa SLLP ay matagal na ring isyu.

“Dapat BOYCOTIN natin ang karera sa Martes at Miyerkules,” ang bilin sa text message.

Naging epektibo ba ang panawagan na ito?

“Wala namang boykot,” ani ng mga handicappers sa SLLP noong bolahan kahapon. “Maraming nagpadeklara para sa Martes and Miyerkoles at nakabuo naman ng tig-walong karera. Anim na kabayo pa nga ang pinakamababa na lineup.”

Today’s program shows a full card of races, with six the least number of runners in a race. This is an improvement over two SLLP raceweeks back, when there were many races with only four entries.

Sa ngayon, naiwasan ang boycott. Ngunit sa susunod kaya? Sintoma na ito ng isang sakit na dapat gamutin. Sana’y aksiyunan na ng MJC ito at makipag-dialogo na sa mga horseowners na apektado upang hindi na lumala ang sitwasyon. Maraming challenges na nga ang hinaharap ng racing bunga na rin ng pandaigdigang problemang pang-ekonomiya; dadagdagan pa ba ito ng internal na gulo, na maari namang idaan sa mahinahong pakikipag-usap?

Make racing, not war!  ***

Related stories:

3 Comments on KL: Karerang SLLP, Hindi Na-Boycott!

  1. NiHAWmA
    16 September 2008 at 11:33 am (4322 days ago)

    Too bad for SLLP nowadays. They are facing lots of challenges. Lack of entries, coverage of the races (Makisig) leaving for good, no enough betting machines in the OTB and now the facilities.

    C’est la vie!

  2. Lemuel Unisan
    17 September 2008 at 4:57 am (4321 days ago)

    Ms. Jenny,

    Thanks for including DIVIDENDAZO on your website hope to continue giving us a copy because some of our website here is block by our company, I’m working in an off-shore, I just wanted to follow what’s really happening in our racing industry, and also update for the races and it’s result’s, thank you.

    More Power to you and to your family,
    God Bless! gogirl

  3. NiHAWmA
    18 September 2008 at 10:30 am (4320 days ago)

    Ms. Jen…

    I’ve noticed during these past racing days (Tues/Wed) that there was a slight change in the sales. Maybe it is because some racing fans are tired already of

    1. Everyday racing which could be one of them.

    2. Race fixing which is unresolved.

    3. Clarification of some rules.

    4. Let us also add the coverage of the races, the public is being deprived of seeing some of the important views in the races. The one covering should not only pay attention to the top favorite BUT also to the other participating entries. Just my observation and I can’t believe some of the acts of some jockeys. Marami pong artista. Bagay po sa kanila ay isang dramatic actor. Bakit ko po nasabi ito. Akalain ninyo na ang isang hinete ay palo ng palo sa isang kabayo na hindi naman po tumatama. AS IF they are whipping the horse but in reality it is not. Hindi po ba nakikita ng mga stewards yan samantalang may largabista po sila.

    5. Is there such a thing as “give me this race” “I want this race”. Meaning to say, races are made to favor some of the horseowners. If this is happening, where is now the interest of the betting public. Talagang walang mangyayari kung ganito KAHIT NA ANO PANG HUSAY O GALING NG ISANG HANDICAPPER.

    6. Less betting machines. If I were the betting operations manager, they have to assign a personnel whose task is to oversee the OTB. Taking into consideration the long ques. As a racing fan, what will I expect? Small dividends AT MAGKAKALOKOHAN PA. Garapalan. Walang hiyaan. Sorry for my word but it is happening.

    You’ve attached in your article a racing program for Tuesday and Wednesday. Please have a look.

    HOW MANY FAVORITES LOST DURING THE TUESDAY AND WEDNESDAY racing? Not just favorites but heavy favorites. LUHAAN ANG BAYANG KARERISTA.

    What action did they take? Any investigation. Any protest. Any inquiry. Any summon.

    7. Personal interest should be set aside, meron po ba? Baka naman kaya hindi nagtatakbo ang ibang mga may-ari ng kabayo dahil may pinapaboran. We cannot discount the fact na BAKA naman ultimo, isa sa mga namumuno ng MJC ay may kabayo na rin po. Sus naku po paano aasenso ang ating industrya kapag ganyan. This is just a wild guess.

    8. Shall we also say that it’s becaise of high cost of living. Ang mga tao ay hindi na makahinga at panay buntong hininga dahil sa taas ng mga presyo ng iba’t ibang bilihin. PERO depende naman po yan sa isang karerista. May nakalaan siempre na budget. Katulad ko, kapag may budget, mangangarera. Kapag wala, di magtiis.

    The most important thing is to think of other means on how they will bring back the trust and the confidence of the racing public.

    Have a nice day!