KL: PRC, Siguradong Lilipat!

 KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Tumbok,  6 March 2008, Thursday

PRC, Siguradong Lilipat!

Marami ang nagtatanong: kailan ba talaga lilipat ang Philippine Racing Club (PRC) sa bago nitong karerehan sa Cavite?

1930s pa noong itinayo ang 25-hectare Santa Ana Park racetrack ng PRC sa Makati, malapit sa boundary ng Manila. Dahil ito’y accessible sa mga taga-lungsod na siyang majority ng mananaya, dinadagsa ito ng racing fans lalo noong lumipat ang Manila Jockey Club (MJC) sa Carmona, Cavite.

IMG_2612

The grandstands and Stewards’ Stand at Santa Ana Park in Makati. (photo taken May 2007)

Kaso, higit 70 years na ang lumipas mula nang itinayo ang Santa Ana Park, at umakyat hanggang langit na ang presyo ng lupa sa Makati. Mas may “business sense” kung ito’y ide-develop ng isang real estate company para sa mga “mixed-use purposes” – combined shopping mall, residential, at office buildings.

Kaya higit limang taon na ring pinaghahandaan ng PRC ang paglipat ng racing facilities nito sa Saddle & Clubs Park sa Trece Martires. Ayon kay Ms. Jessica Villanueva, VP-Communications ng PRC, binigyan ng PRC management ang mga kontratistang gumagawa roon ng hanggang Hunyo ng taong ito upang mag-turnover.

100_1885

Entrance to Saddle and Clubs Leisure Park, home of the new Santa Ana Park. (photo taken 3Q 2007)

“Lahat ng supplies nandoon na,” ani Ms. Villanueva. Kasama ng mga supplies na ito ay ang railings o balya (na imported pa mula sa UK), mga ilaw, at iba pang kagamitan sa racetrack. Naka-layout na rin ang graba sa dalawang pista rito.

Hindi pa alam kung kailan talaga gaganapin ang unang karera doon, ngunit tiyak ito pagdating ng third quarter ng taon, kung hindi mas maaga pa.

Para naman doon sa mga horseowners na gusto nang ilipat ang kanilang mga kabayo doon, maari na itong umpisahan sa Abril o Mayo. Kaya kung may nais pa silang baguhin o pagandahin sa kanilang mga na-lease na stables, dapat siguro ay pag-isipan na nila ito sa lalong madaling panahon.

CAVITE DEMO STABLES 007

Stables at Saddle and Clubs.

Ang kritisismo ng ilan sa paglipat ng PRC sa isang napakaliblib na lugar ay ganito: tiyak raw na bababa ang gross sales ng PRC dahil malaki ang mawawala sa kanila sa track attendance. Ngunit tingin ko, hindi naman lilipat ang PRC nang hindi nila pinaghandaan ang ganitong posibilidad. Mga ten percent ng gross nila ang galing sa in-track, ngunit malakas naman ang kanilang OTB network.

Katunayan, mas marami silang OTB (337) kumpara sa MJC (289) na nagbabawas bilang isang “business decision”, tulad ng pag-i-implement nila ng “seven days of continuous racing”.

Speaking of which, ang sales ng MJC para sa Lunes ay P18.9 million. Usually kapag weekday, higit P20 million ang sales. Bagamat maganda ang sales noong Martes – P24.1 million – mababawi kaya ng MJC ang kanilang overhead para sa isang karagdagang araw ng racing? Ma-o-offset ba ang expenses sa additional revenue mula sa kanilang casino? Hindi pa ba pagod ang Bayang Karerista sa araw-araw na pagsusugal?     

Karera lang!  *** (Email: gogirl_media@yahoo.com)

Related stories:

3 Comments on KL: PRC, Siguradong Lilipat!

  1. Caballero
    6 March 2008 at 7:47 pm (4503 days ago)

    Viva Prime Channel sa PRC Cavite, sa Aksyon Patok.
    Ilang buwan na lang po. Abangan!!!!

  2. Atty/Engr Mario A. Costo
    8 March 2008 at 1:30 pm (4501 days ago)

    I dont think by transferring the PRC Racetrack from Makati City to Trece Martirez, Cavite would lower the sales, that’s the usual excuse one could say right now. If you are looking for a long term investment, i believe the PRC is right on track, just like the SLLP. What counts much at this point in time is the development of the countryside. In fact, the government should spearhead the development of far-flung places in the Luzon area as well as in the Visayas and Mindanao. These places need investments so badly because the paramount consideration now is how to give our labor workforce the necessary jobs their family need. The government must lay down the necessary infrastructure project in order to help our local investors such as the case of the PRC and the SLLP. What is the government waiting for ? Why not provide the necessary transport which will carry the people from the place of origin , say a designated area to the place or venue of destination, say SLLP or PRC and vice-versa. In this way, the horseracing industry as well as the country as a whole can leap forward in progress. Forget the public bettors because, after all, everybody is not obliged to patronize betting on horseracing. However, if the government is really keen on helping the local investors, why not extend a helping hand right now, and to make public bettors satisfied with the service in exchange for patronizing the horseracing industry.

  3. Carl
    9 January 2009 at 3:04 pm (4194 days ago)

    The Makati Sta Ana Race track Will be now the Future site of The Twin Towers of th SM World Trade Center