KL: Don Enrico, Matibay na “Eraser”!

KARERA LANG!  by Jenny Ortuoste for Tumbok,  11 March 2008, Tuesday

Don Enrico, matibay na “eraser”!

Aquamarine1_lineup_dazo

“Grudge match” daw ang Philracom Aquamarine Stakes I na ginanap noong Linggo, March 9, sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa pagitan nila Don Enrico at  Indelible Ink.

Don_enrico

At the parade: Don Enrico, John Alvin Guce up.

Si Indelible Ink ang pinakasikat na filly nung 2007 season, at parating runner-up sa kanya si Don Enrico. Hindi maka-porma kay “Tinta” ang ibang mga juveniles dahil sa tulin at galing na ipinakita nito noong nakaraang taon.

Ngunit nitong 2008, three-year-olds na sila, at nag-iba na ang scenario. Nagma-mature na ang skills ni Don Enrico. Tinalo nito si Indelible Ink sa Philracom Chairman’s Cup noong Feb 24 sa SLLP din. Ang pagitan ay “long nose” o “mahabang ilong” lang.

Indelible_ink

Indelible Ink, Jeffril Zarate in the irons.

Dito sa milyang Aquamarine I, llamado pa rin sa benta si Ink bagamat galing sa talo kay Don Enrico sa huli nilang pagkikita. Pag larga, ayon sa ilan, masama raw ang naging alis ni Indelible Ink na maaring nakaapekto sa kanyang performance.

Ngunit kung titingnang mabuti ang karera, okay naman ang alis ni Ink. Kaso, bumuka ang ka-coupled entry niya na si Anonymous na medyo nakaabala sa takbo nila Ink at Shining Fame, na nasa labas ni Anonymous. Iyon ang masakit doon – na ang ka-coupled entry pa ang maaring nakasira ng diskarte ni Indelible Ink.

Shining_fame

Shining Fame, ridden by Ronald Baldonido who replaced the overweight Patty Dilema.

Malinaw na talo talaga si Indelible Ink dahil hindi lang ilong ang panalo ni Don Enrico kundi three lengths pa at sumegundo pa nga si Imperial Ballet. Tersero lang ang nakuha ni Indelible Ink at cuartong dumating si Shining Fame. “Decisive” talaga ang victory ni Don Enrico. Ang total time ay 1:39.6 na may cuartos na 24-23′-24′-27′.

Imperial_ballet

Imperial Ballet, Jonathan Hernandez aboard.

Samantala, pinatawan ng two-racing-week suspensiyon si CB Tamano, hinete ni Anonymous, dahil sa paglabag niya ng “first fifty-meters rule”.  Sa rule na ito, sa unang fifty meters mula sa gate, kailangan tuwid o diretso ang pagpapatakbo ng kabayo at hindi pa puwedeng tumabi, umangat, o gumawa ng kung ano mang “placing”. One racing week talaga ang penalty ng paglabag nito, ginawang two racing weeks dahil ito ay stakes race.

Anonymous

Is that “V for Victory” or the “peace” sign? CB Tamano on top of Anonymous

Congratulations to the winning connections of Don Enrico – owner Lee Uy Wi, trainer Atoy Sordan, and jockey John Alvin Guce.

Bagamat impressive ang naging achievements ni Indelible Ink, siya’y isang “island-born”. Di tulad ni Don Enrico na Pinoy talaga, anak ng kampeong si Wind Blown (bred by the Royal Maverick Ranch of Sandy Javier) at ni stakes runner Kayumanggi ng Herma Farms. Ang Herma Farms ay pag-aari ni Herminio S. Esguerra, na may-ari nila Wind Blown at Indelible Ink, at breeder nila Indelible Ink at Don Enrico! Hindi kaya siya nanghihinayang at naibenta niya  sa iba si Don Enrico?

 Ayon kay “finalstraight” (Mr Fred Magno, racing columnist and horse trainer) sa Pinoy Horse Fanatics website (http://www.phf.com.ph./forums), “Pasok kay Don Enrico ang kasabihang ‘Don’t judge a book by its cover’. Ang pagkaka-alam ko kaya ibinenta iyan at ayaw naman ding bilhin nung iba, ay sa kadahilanang yung likurang paa niya simula sa balakang ay pa-salubong o pa-pike, then simula sa gitna o tuhod ay pabuka naman, kung kaya’t pangit humakbang kung titingnan sa kanyang paglakad. Kaya medyo marami ang nagsisisi at nanghihinayang dahil sa naibenta o sa iba napunta. Kaya naibenta, dahil pinagbasehan ang hakbang sa paglakad. Eh nakalimutan yata (nila) na ang karera ay TAKBUHAN at hindi LAKARAN…”

Karera at kabayo lang – walang personalan!  ***

NOTE: Other changes to the race: JB Guce replaced VR Dilema aboard Balabushka. Dilema was overweight. 

Photos of horses all taken by Roel Taripe at the parade for the Aquamarine I Stakes, 9 March 2008, SLLP. 

Related stories:

3 Comments on KL: Don Enrico, Matibay na “Eraser”!

  1. Caballero
    11 March 2008 at 9:18 am (4498 days ago)

    Don Enrico, ‘di lang matibay na eraser kundi matibay na snowpake.Kahit si Ibarra, palagay ko,kayang ilampaso ng todo.

    Ja Guce- star jockey of the day- Mabuhay ka !!

  2. gary see
    14 March 2008 at 5:16 pm (4495 days ago)

    magaling talaga c don enrico.pinakita nya yun malaki nyang fightin heart.parang father nya.super horse caliber din!!!

  3. mark
    9 November 2009 at 6:28 am (3890 days ago)

    idol ko talaga yang si don enrico, habang nag mamatured lalong gumagaling parang ama nya na si wind blown. mahihirapan na sila talunin to kahit mga imported pa makalaban. good luck sa mga darating pang mga karera.