Karera Lang! – maiden issue of my column in Tumbok

first_tumbok.jpg 

Karera Lang!

by Jenny Ortuoste for 14 May 2007, Monday, Tumbok

Tabako, bagong stakes winner

Nagpapasalamat ako ng lubusan sa Tumbok dahil ginawa nila akong Kapuso simula sa kolum na ito. Para sa hindi pa po nakakakilala sa akin, I’ve been in racing since 1990. I was the first female apprentice of the Philippine Jockeys’ Academy, hindi lang ako natuloy sa pagiging hinete dahil nag-asawa ako ng jockey na ngayon ay Class-A rider.

Mula 2002, I’ve been a racing sportscaster on the live cable TV coverage, first for Santa Ana Park at, simula August 2005, sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) naman, kung saan ako rin ang Assistant Racing Manager. Naging sportswriter and racing columnist din ako ng dalawang broadsheet, isang tabloid, at sari-saring magazines, at stable manager ng HS Esguerra Racing nung 2005. In short, batang karera!

Sa tulong ng Tumbok, maihahatid ko sa inyo ang ibang mga kaganapan sa karera, at ililitaw natin ang positibong aspeto ng larong ito na napamahal na ng husto sa ating lahat.

***
Impresibo ang panalo kahapon ng segundo llamadong Tabako sa unang yugto ng Philracom 2-Year-Old Stakes sa SLLP. Nagtala siya ng 53.5 seconds sa 900 meters, di na malayo sa national record na 51.8 ni Ariba King. Pinahanga ako ng husto ni Tabako dahil sa malaking pag-umento niya – ang tinala niya sa 900-meter
novato race niya ay 1:03.

Congratulations sa may-ari na si Mr Hermie Esguerra (number one horseowner in terms of money earned for the past four years) at ganoon din sa winning trainer, Ruben Clor, at Jockey Louie Balboa. Very proud si Mr Esguerra dahil sariling palahi niya si Tabako sa kanyang Herma Farms & Stud sa Lipa, Batangas, sa “sire” o ama na si Mr Sutter mula sa inaheng si Liberty At Last.

 

Sabi naman ni Mang Ruben, malamang na ang susunod na laban ni Tabako ay ang second leg ng 2-year-Old Stakes sa Hunyo.

Nakopo rin nila ang second place finish with Capretiosa, stablemate ni Tabako, for a total of P990,000 in prizes.

***

Tungkol naman sa photo-finish issue nila Dona Gelay at Interceptor kung saan nanalo ang huli sa SLLP mga ilang buwan nang nakalipas, karamihan ng karerista na nakasaksi at pati na rin iyong mga nakakita ng photo ay magpapatotoo na si Interceptor ang tunay na nanalo. Ang pagtanggap ng Philracom sa naging desisyon ng Manila Jockey Club Board of Stewards ay nangangahulugan na malinis ang kinukuwestiyon na karera.

Para sa inyong kaalaman, sa lahat ng karerang nanalo ng photo-finish, ang mga litrato po nito ay isisusumite sa Philracom para sa kanilang kumpirmasyon.

Ang “kontrobersiyal” na photo-finish equipment naman ng SLLP ang tatalakayin natin sa mga darating na kolum ko.

 

Karera lang- walang personalan!

Related stories:

Comments are closed.