KL: 34th Philracom Anniversary

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  20 March 2008, Thursday

34th Philracom Anniversary

Sa susunod na Martes na ang ika-34th pagdiriwang ng anibersaryo ng Philippine Racing Commission (Philracom). Ang government agency na ito ay itinatag noong 1974 sa tulong ni horseowner Ambassador Eduardo “Danding” M. Cojuangco Jr. na siya ring naging kauna-unahang chairman ng ahensiyang taga-supervise at regulate ng sport ng horseracing.

Sa higit tatlong dekada ng Philracom, malayo na ang narating ng karera ng kabayo. Noong araw, mga “nativo” ang mga kabayong tumatakbo sa pista. Bihira ang mola o thoroughbred, ngunit sa ilalim ng pamumuno ni Amb. Cojuangco, sumigla ang importation ng mga de-lahing kabayo hanggang sa puro mola na ang mga tumatakbo ngayon.

Picture 030

ECJ at the 11th MARHO Breeders’ Cup launch, Wack Wack, 2006.With him are MARHO directors Nestor Borromeo and Butch Mamon.

 Logical na kasunod ng importation ang pag-unlad ng breeding. Sa patuloy na pag-improve ng bloodstock sa bansa, nakakapag-produce na ang mga local na rancho ng mga kampeon. Isa na roon ang Royal Maverick Ranch (RMR) ni Sandy Javier, breeder nila Wind Blown, Empire King, Es Twenty Six, at napakarami pang matunog na pang- “Racing Hall of Fame”. Sa kasalukuyan marami na ring mga horseowners at breeders ang umuusbong dahil sa magandang klima para sa breeding na naitaguyod ng Philracom.

Through the years, maraming nagawang buti ang Philracom, at marami rin ang kapalpakan, depende sa liderato nito at sa mga attitude nila sa trabaho. Marami nang chairman at commissioners na dumating at umalis. Ngunit sa kabila ng mga kakulangan ng iba, masasabi pa rin na significant ang overall impact ng Philracom dahil hanggang ngayon, nariyan pa rin ang racing na buhay na buhay!

Image066

Philracom Commissioners Atty. Vey Cruz, Victor Tantoco, and Chairman Atty. Joy Rojas before the start of a Board meeting. On the wall behind them are photographs of past chairmen.

Sa totoo lang,  ang racing ay isa nang industriya na kumikita ng bilyong-bilyong piso, nag-aakyat ng malaking halaga sa kaban ng gobyero sa pamamagitan ng buwis, nagbibigay ng trabaho di lang sa mga racetrack kundi pati na rin sa mga rancho, at naging ugat na bagong industriya, ang thoroughbred breeding. Malaki ang papel na ginampanan ng Philracom upang makamit ang mga ito.

Ano kaya ang balak ng Philracom sa darating na panahon? Iyan ang tatalakayin ko sa Martes. Bukas po kasi ay Biernes Santo at wala po munang “Karera Lang!”.  Have a meaningful and peaceful Holy Week! Happy Easter in advance! ***

Related stories:

Comments are closed.