KL: Happy Anniversary, Philracom!

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  25 March 2008, Tuesday

Happy Anniversary, Philracom!

Maligayang pagbati sa ika-34 anibersaryo ng Philippine Racing Commission (Philracom), na ngayong araw ipinagdiriwang sa tanggapan ng naturang ahensiya.  Itinayo noong 1974 ang Kumisyon na may may katungkulan na mamahala sa karera ng kabayo.

Kasama sa Philracom Board sina Chairman Atty. Jose Ferdinand “Joy” M. Rojas II, at Commissioners Atty. Vergel Cruz, Eduardo “Boboc” C. Domingo Jr., Victor Tantoco, Gerardo Espina, at Dr. Reynaldo Fernando. Ang Executive Director ay si Admiral Jorge G. Necesito na dating pinuno ng Philippine Navy.

Philracom_board

The Philracom Board: (front, L-R) Atty. Vey Cruz, Chairman Atty. Joy Rojas, Boboc Domingo; (back, L-R) Victor Tantoco, Dr. Eyo Fernando, Gerry Espina

 Ano ang kanilang mga binabalak na proyekto para sa mga darating na panahon?

 Ayon kay Chairman Rojas, bumubuo sila ng Master Plan for horseracing na malawak at pangkalahatan ang sakop. Pinag-aralan nilang mabuti ang mga kailangang tuparin sa larangan ng karera upang lalo pa itong lumago at mag-akyat ng buwis sa gobyerno, mapa-unlad ang racing at breeding, mag-bigay ng trabaho, at magdulot ng iba pang benepisyong pang-ekonomiya.

Bahagi ng Master Plan for racing ang pagbabalik ng drug testing ng kabayo; ang pag-computerize ng lahat ng records ng Philracom; ang pag-gawa ng online portals upang makapag-transact sa Internet ang mga nais magparehistro at kumuha  ng lisensiya; ang pag-ayos ng quarantine protocols ng bansa upang makapag-export ng kabayo; ang pag-ayos ng handicapping upang hindi pabago-bago ang patakaran nito; at marami pang iba.

Hindi lahat ito magagawa sa isang iglap, ngunit unti-unti marami nang naumpisahan ang team ni Chairman Rojas, sa tulong ng mga taga-Philracom at iba pang taga-industriya.

Sa ibang balita: ayon kay yeggmen ng Pinoy Horse Fanatics (http://www.phf.com.ph/), na naninirahan sa California, USA, ang Pilipinong si Ramon “Monching” B. Guce ang pangunahing hinete ng thoroughbred sa Los Alamitos racetrack sa California.  Sa nakaraang taon, sa loob ng 104 sakay, mayroon siyang 27 panalo, 21 segundo, at 20 tercero, at may kabuuang earnings ng $154,505. Matatandaan ng mga dati nang karerista na si Monching ay sumasakay noon sa Pilipinas sa pangalang “RB Guce” bago siya tumungo ng Amerika noong 1999 upang maghanap ng mas magandang buhay. Siya ay kapatid ng mga hineteng sina LB Guce at AB Guce.

Rbg_race_crop

Just one of RB Guce’s many wins, this one at Hollywood Park. His entire family (wife Socorro, kids Arbhiemon, Clarice, and Monique), here also at the winner’s circle, are proud witnesses to his victory.

Nadalaw ko sina Monching at ang kanyang maybahay na si Socorro, aking kumare, at ang kanilang mga anak noong 2001 sa California. Masasabing bago pa lang silang nakakarating doon, ngunit very happy sila at kuntento na sa buhay nila doon. Lalo pa ngayon na gumawa na ng pangalan doon si Monching.

Kaya maipagmamalaki natin sa larangan ng palaro hindi lang si Manny Pacquiao, kundi pati na rin ang mga Pilipinong hinete tulad ni Monching at iba pang mga hinete sa Middle East, Japan, at iba-iba pang lupalop ng mundo.

Bilang mga produkto ng Philippine Jockeys’ Academy sa ilalim ni Mr. George Stribling, sila ay may skills hindi lamang sa pananakay kundi sa iba pang aspeto ng horsemanship kaya naman in demand talaga sila sa ibang bansa.

Gys_brownnative

George Stribling (center), celebrates the win of horse Brown Native in a 6-1/2 furlong race, with Barry Alberts up. Stribling trained this horse for owner JR Chapman. (Charles Town, West Virginia, 9 Oct 1974)

Dapat bigyan ng credit at pasasalamat dito si Mr. Stribling na sa loob ng 30 taon ay walang sawang namatnubay at nagturo sa mga hinete natin, karamihan ay baka kung ano nalang ang naging buhay kundi sila nag-aral sa Academy at naging hinete. Marami na sa kanila ngayon ang nagkaroon ng direksiyon sa buhay at napaginhawa ang buhay ng kanilang pamilya dahil na rin sa kanilang pagiging hinete.

Malaki ang naging papel ng Philracom dito dahil isa ito sa mga pangunahing nagbibigay ng suporta sa Academy.

Karera lang – walang personalan!  ***

Related stories:

1 Comment on KL: Happy Anniversary, Philracom!

  1. Caballero
    26 March 2008 at 1:32 pm (4492 days ago)

    Wishing you the Best in Racing Industry.
    Mabuhay…Happy Anniversary….dito lang sa…

    AKSYON PATOK!!!!!