KL: Mga Imported, Malapit Nang Pumasok

e_dubai_small.jpg

KARERA LANG!

By Jenny Ortuoste for Tumbok

Monday, 18 June 2007

Suggested heading: Mga imported, malapit nang pumasok

Upang lalong gumanda ang ating mga karera at mag-improve ang kalidad ng “bloodstock” o populasyon ng kabayo dito sa Pilipinas, ay kailangan mag-angkat tayo ng kabayong may magagandang pedigree o lahi mula sa ibang bansa. Ito ang importation, isang epektibong paraan upang magkaroon ng magandang kabayo ng madalian.

Sa Australia, makakabili ng “runner” o tumatakbo na sa halagang P450,000 to P500,000. Ang shipping costs naman plus tax of P50,000 ay magdaragdag ng mga P100,000 hanggang 200,000 sa presyo. Ngunit kung ikukumpara ninyo iyon sa presyo ng novatong local-bred na nagsisimula sa P450,000 pataas – average cost pa nga ngayon ay P700,000, tapos pakakainin pa hanggang handang lumaban – ay baka mas mura pa ngang mag-import ng handa nang tumakbo.

Limitado lamang ang mga local-bred na available dahil kakaunti pa lamang ang produce ng mga local breeding ranches tulad ng Herma Farms and Stud, Royal Maverick Ranch, Paris Match Farm, at iba pa. Karamihan ng breeders ay horseowners din, kaya pagka-replenish nila ng kanilang racing stables, ang natira ay ang ibebenta at ang supply na ito ay hindi sapat sa demand dahil marami na ring gustong pumasok sa pag mamay-ari ng kabayo.

Ilang beses sa isang taon ay nagkakaroon ng thoroughbred sales sa Australia, Amerika, at New Zealand, at ito ay madalas dayuhin ng ating mga kababayan, Nung May 22-23, sa Fasig-Tipton 2-Year-Olds in Training Sale sa Kentucky, USA, namili ang ilang mga horseowner, kasama na rito sina Cesar Avila (3 novato), si Ferdie Dimaisip at Rene Villoria (tig-isa), at si Manny Santos (9, at iyong isa na lahing Proud Citizen-Jelly Roll Frolic ay may halagang US$26,000 o mahigit P1.2 million).

Napakamahal ng shipping mula sa Amerika – halos US$7,000 o P336,000 at hindi pa kasama dito ang local tax. Ngunit kahit papaano may bumibili dito dahil proven ang performance ng American lineage – tulad ni ‘’superhorse’’ Ibarra, isang island-born. Nung buntis sa kanya ang kanyang inahen, si Fire Down Under, binili siya ni horseowner Mar Tirona sa Kentucky at ibinenta kay Mayor Benhur Abalos.

Ngunit sa mahal nga ng presyo sa Amerika, mas gusto ng karamihan na mamili sa Australia, kaya’t nung nakaraang Linggo, higit 80 Pilipino ang lumipad patungong Gold Coast para sa Magic Millions sale.

Ayon kay horseowner Chino Pamintuan sa http://www.phf.com.ph (Pambansang Website ng Pinoy Horse Fanatics), 39 ang nabiling kabayo sa Magic Millions – si Manny Santos ay bumili ng 13, Bayani Coching 6, Roland Lim 3, Jun Almeda 2, David Lee 2, Pierre Niles 1, B. Ponce 1, Ding Pangilinan 1, Shellane Marie Pamor 1, at iba pang Filipino buyers, 9.

Ayon naman kay PHF member ’’filheights’’, ‘’Si Manny Santos ng Jade Bros. ay bumili ng kabayo na may kabuuang halagang Aus$140,000 o halos P6 million…ang pinakamahal niyang nabili ay isang Hussonet-Classic Consent filly sa halagang Aus$26,000 [P1 million]’’.

Interesado akong makita ang binili ni Mr. Santos na chestnut filly na Rock of Gibraltar, isang European stakes winner, mula sa inaheng Priscilla, na nabili ng Aus$15,000 [P585,000]. May isa pa siyang nakuhang brown filly, by E Dubai out of Regal Sea, Aus$17,000 [P663,000] ang presyo. Si E Dubai ay isa ring stakes winner at galing sa pamosong cuadra na Godolphin Stable ni Sheik Muhammad al-Maktoum ng Dubai. Sa palagay ko mura na dahil napakaganda ng lahing ito, at excited na akong mapanood ang performance nila.

Abangan po nating ang pagdating ng mga imported na ito, dahil tiyak ay magbibigay sila ng karagdaging saya at sigla sa ating karera.

Karera lang – walang personalan! ***

Photo: G2 stakes winner (now stallion) E Dubai wins the 116th Suburban Handicap in Belmont Park, NY, in 2002. (stonerside.com)

Related stories:

Comments are closed.