KL: Interpretasyon ng Stewards sa Karera

KARERA LANG!,  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  28 March 2008, Friday 

Interpretasyon ng Stewards sa Karera

 Ang isa pang kontrobersyal na insidente sa karera kamakailan ay ang Race 8 noong Linggo, March 23, kina Reklamador at Pristine Water. Ang tanong tungkol dito ni “gaspar” ng Pinoy Horse Fanatics website (http://www.phf.com.ph/) ay “Si P. Abesamis aboard Pristine Water sa loob po nagparemate at lumagpas kay Reklamador. Ang naging problema nitong karera ay mayroon pa pala itong si Reklamador, at sabay tukod naman nitong si Pristine Water. Parating po uli sa labas itong si Reklamador pero pumigil po ng matindi si JA Guce na halos tabingi na nga ang leeg nito. Pero ang decision ng (Manila Jockey Club) stewards ay walang pagbabago. Ano ang dahilan ng pagpigil ni JA Guce kay Reklamador? Ang pagpipigil po ni Reklamador ay kitang-kita sa TV na may panalo naman po. Bakit no change ang naging decision dito?”

Ang nasa MJC Stewards’ Report ay “Stewards conducted an inquiry for first place between e#10 Pristine Water under EP Abesamis and e#4 Reklamador ridden by JA Guce when it was observed that Guce  suddenly pulled his mount to avoid collision with Abesamis’ mount as both horses approach the wire. When questioned Guce explained that passing the ½ mile mark his mount was already hanging in. He admitted that it was his mount which swerved in and have to restrain and correct it in order to avoid collision with Pristine Water.

“Abesamis…claimed that his mount shifted ground outwards when Reklamador brushed with his mount. After taking evidences from both riders and with Guce admitting fault, the Board ruled that there was no interference made and as a result retained the original order of arrival.” Official winner si Pristine Water at segundo si Reklamador. Sinuspinde si Reklamador “for being vicious during the course of the race (swerving in)”.

Ang insidenteng ito ang isang binanggit ni horseowner Tony de Ubago na may kinalaman sa kanyang reklamo na inaccurate ang ginagawang interpretasyon ng MJC stewards sa rules.

Matatandaan sa kolum ko kahapon na ang isang pang pinag-uusapang desisyon ng MJC stewards ay ang ginawa nila sa karera nila Socialeros ni Mr. de Ubago at Jacobo’s Dream, Race 5 noong Linggo. Kita sa frontal shot ng MJC na nag-”check” o preno si JM Manalo kay Socialeros dahil nag-swerve out sa daan niya si Jacobo’s Dream na sakay ni JV Palomar.

Ngunit sa desisyon ng MJC stewards, ni-retain ang original order of arrival, hindi dinisqualify si Jacobo’s Dream ngunit sinuspinde ang hinete nitong si Palomar ng two racing weeks for careless riding dahil wala na ang “chance of success” ni Socialeros na manalo.

Dito naman sa kaso nila Pristine Water at Reklamador, umamin naman raw si jockey JA Guce na gumewang ang kanyang kabayong si Reklamador, kaya naman sinuspindi ito. So iyan po ang official na report sa insidente.

Ang pag-diskarte po kasi ng kahit na sinong stewards ay based on “subjectivity” o sariling pananaw at interpretasyon. Hinihingi lang sana ng taga-industriya at mananaya na maging consistent at accurate ang pagtingin ng stewards at sa kanilang mga desisyon. Bagamat nabigyan ng explanation ang insidente nila Reklamador, nariyan pa rin ang mga katanungan sa kanilang desisyon sa karera nila Socialeros.

Ano ngayon ang susunod? Nasa Philracom na iyan upang i-review ang kaso at magbigay ng kaukulang rekomendasyon. Kasama na rin sa kanilang forward planning ang seminar para sa mga gustong mag-stewards. Dito sila magkakaroon ng pagkakataon na mag-train ng ayos ng mga stewards na siyang may kapangyarihan tuwing tatakbo ang karera.

Karera lang – walang personalan!  ***

Related stories:

Comments are closed.