KL: Horseracing Rules, Nire-Rebisa

bluebook.jpg 

KARERA LANG!
By Jenny Ortuoste for Tumbok
Thursday, 23 August 2007
Horseracing rules, nire-rebisa

Halos tuwing Miyerkoles nitong nakaraang dalawang buwan, nagmi-meeting ang Philracom kasama ang mga stewards at racing managers ng Manila Jockey Club (MJC) at Philippine Racing Club (PRC) upang pagtulungan ang pagre-rebisa ng “bibliya” ng karera – ang “Rules and Regulations on Horse Racing”.

“Blue Book” kung minsan tawagin ito. Una itong sinulat noong dekada ’70 noong itinatag ang Philracom. Sa paglipas ng panahon, nakaraan na ito sa ilang pagaamienda, at ang pinakahuling pag-publish ng Blue Book bilang aklat ay noong Disyembre 2001.

Panahon pa iyon ng dating Philracom chairman Jaime A. Dilag at Executive Director Eddie Jose. They supervised the revision and incorporation of amendments up to that time. Nagpa-print sila ng maraming kopya (kulay blue ang cover, siyempre) at ipinamigay ito sa mga clubs, horseowners, trainers, jockeys – in short, sa lahat ng dapat nakakaalam ng racing rules.

May mas bagong version na ginagamit ang stewards ngayon na effective Enero 2004, incorporating amendments mula Disyembre 2001 hanggang sa kasalukuyan. Ngunit ito ay hindi na na-publish bilang aklat, kundi naka-“clear book” ang mga pahina at iilan lang ang may kopya.

Very comprehensive ang ginagawang revisions ngayon, under the supervision of present Executive Director Adm. Jorge Necesito and Licensing Chief Dr. Jojo Cambay. Ang isang innovation na ginawa nila ay ang pag-incorporate na ng Philippine Stud Book rules dahil ang Stud Book ay inilipat na ilang taon nang nakalipas mula sa National Stud Farm sa Philracom. Itong Stud Book rules ang bagong Chapter II.

Naisama na rin sa draft ang mga amendments na inilabas mula Disyembre 2001. Kasama rito ang mga bagong “offenses and penalties” tulad ng “prohibition on the use/possession of cellular phone at the Clubs’ restricted areas”. Ang mga restricted areas na sakop nito ay ang Stewards’ Stand, Jockeys’ Quarters, Paddock, and Computer Room.
May provision din ukol sa “prohibited appliances and devices – electrical, mechanical, or otherwise” na makakaapekto sa “speed or racing condition of horses”. Naikuwento sa akin ni jockey Ramon B. Guce, na sumasakay ng limang taon na sa California, na uso raw doon ang “buzzer” – parang maliit na device na naitatago ng hinete sa kanyang palad. Pag itinapik ito sa kabayo, makukuryente ang kabayo at bibilis ang takbo nito. Para bang “electric latigo”.

Wala namang gumagamit niyan dito sa Pilipinas, pero mabuti na may provision na sa Blue Book parang walang makapag-isip na magpa-uso ng ganyan dito.

Ilang buwan pa siguro ang lilipas bago ma-finalize ang gawaing ito. Sana sa Disyembre o sa bagong taon ay may bago na tayong Blue Book.

Karera lang – walang personalan! ***

Photo: The Blue Book as a softbound book (2001) and in “clear book” form (2004).

Related stories:

Comments are closed.