KL: Sales ng MJC at PRC

prc_grandstand.jpg 

KARERA LANG!
By Jenny Ortuoste
for Monday, 24 Sept 2007

Sales ng MJC at PRC

May mga tumalakay na sa media tungkol sa sales ng dalawang racing clubs, ang Manila Jockey Club (MJC) ng San Lazaro Leisure Park (SLLP) at Philippine Racing Club (PRC) ng Santa Ana Park.

Anila, mas mataas raw ang sales ng PRC dahil mas may kumpiyansa ang mga mananaya sa management ng karerahan na ito kesa sa MJC. Nireklamo ang kawalan ng slomo sa live race coverage at ang hindi magandang ritrato ng photofinish kapag ito’y nilalabas sa TV. Ito nga ba ang dahilan na mas mataas ang sales ng PRC?

Kadalasan, may mga nagbibigay isang panig lang at panay ang banat nila ng hindi nila man lang kunin ang kabilang panig. Nagiging “one-sided” at minsan pa ay “misleading” ang pag-presenta nila ng isang isyu. Ang itinuro sa akin ng mga Journalism professors ko sa UP-Diliman ay ang ipakita ang dalawang (o higit pa, kung kailangan man) panig ng isang isyu at hindi isa lamang dahil hindi ito makatarungan at maaring makapag-bigay ng maling direksiyon sa mambabasa.

Kaya tingnan natin ang iba’t-ibang aspeto ng isyung ito.

Tungkol sa sales. For the period ending August 2007, ang MJC ay may total gross sales na P2.986 billion sa 107 racing days, at tumaas ito ng 4.86% kumpara sa same period noong 2006.

Ang PRC naman ay may total sales na P2.975 billion sa 103 racing days, at may 3.57% increase kumpara sa 2006 sales sa ganoon din daming racing days. On the average based sa total sales, ahead ang PRC ng 3.51%.

Kahit lamang ang total sales ng PRC, mas malaki naman ang growth rate ng MJC. Isa pa, ang in-track sales ng MJC ay 4.19% kumpara sa 9.7% ng PRC. Kaya lamang ang PRC sa total sales ay maari dahil mas malakas ang in-track sales nila, gawa rin ng kanilang magandang location sa Makati. Ngunit lumalakas na rin ang in-track sales ng SLLP na dati ay nasa 2% lang.

Noong ang MJC ay nasa old San Lazaro Hippodrome sa Tayuman, mas malakas ang sales nila kesa sa PRC. Paglipat ng PRC sa Cavite sa 2008, siguradong bababa ang kanilang in-track sales dahil may kalayuan ang location ng bagong Saddle and Clubs park ng PRC. Makaka-apekto ito sa kanilang gross figures, at may posibilidad na baka lagpasan na sila ng MJC.

Kaya lack of slomo, poor photofinish, at kawalan ng kumpiyansa ng mananaya ba ang totoong dahilan na mas mababa ang sales ng MJC? Isa pang tanong – sino ang may sabi na mababa ang kumpiyansa ng mananaya sa MJC? Nagkaroon ba ng market study o survey ito – o puro paninira lamang?

You decide.

Karera lang – walang personalan! ***

Photo: The grandstands and Stewards’ Tower at Santa Ana Park. (May 2007)

Related stories:

Comments are closed.