KL: Pioneer Insurance, Handang Magbayad ng Premyo ni Don Enrico!

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  3 April 2008, Thursday

Pioneer Insurance, Handang Magbayad ng Premyo ni Don Enrico!

Hinahabol pa rin ng connections ni Don Enrico ang kanilang P900,000 prize money mula sa Pioneer Insurance para sa mga juvenile wins ni Don Enrico noong 2007 sa ilalim ng Wind Blown-Pioneer Insurance incentive program.

Ang incentive program na ito ay konsepto ni horseowner-breeder Hermie Esguerra, may-ari ni Wind Blown, upang i-promote noong 2004 si Wind Blown na magsisimula pa lang noon ng kanyang career bilang stallion sa Herma Farms & Stud ni Mr. Esguerra rin.

2WIND BLOWN

Wind Blown

Sa ilalim ng incentive program na ito, tatapatan ng Pioneer ang premyo ng mga major juvenile stakes races kung ito ay mapanalunan ng anak ni Wind Blown. Si Don Enrico ay anak ni Wind Blown sa inaheng Kayumanggi.

Ani Mr. Esguerra sa isang sulat sa lahat ng mga racing industry organizations, dahil hindi raw ginampanan ng Philippine Racing Commission (Philracom), Manila Jockey Club (MJC), Philippine Racing Club (PRC), at iba pang racing organisasyon ang kanilang parte sa pag-promote kay Wind Blown, hindi na dapat i-honor ang Memorandum of Agreement (MOA) na pinirmahan niya, ni Jaime Dilag (Philracom chairman noong panahong iyon), at Pioneer Insurance and Surety Corporation top honcho David Coyukiat sa harap ng top racing industry personalities sa Manila Polo Club noong 2004.

Ayon kay Comm. Gerry Espina, wala naman daw “clear indications” sa MOA na kailangan ng promotions para kay Wind Blown, at wala rin daw doong malinaw na nakasaad na may financial obligations ang ibang organisasyon kundi ang Pioneer Insurance lamang.

Kinausap ni Comm. Espina ang Pioneer Insurance, at handa naman daw magbayad ang Pioneer, magbigay lang daw ang Team Don Enrico ng mga katibayan na naipanalo nito ang mga qualifying stakes races – ang 12th MARHO Breeders’ Cup at 8th Philtobo-Mitra Cup juvenile colts championships.

Ngunit noong nag-usap sina Comm. Espina at Mr. Esguerra, sabi raw ni Mr. Esguerra na hindi siya papayag na magbayad ng Pioneer, despite the fact na willing naman ang Pioneer na i-honor ang napagkasunduan! Tanong ni Comm. Espina: “Bakit hinaharang ni Mr. Esguerra ang release ng incentive prize ni Don Enrico?”

DON ENRICO # (9)

Don Enrico (with JA Guce) edges out Indelible Ink (with JT Zarate) in the Philracom Chairman’s Cup (24 Feb 2008, SLLP)

Mayroon ding similar incentive program para sa 3YO na anak ni Wind Blown. Paano na kung si Don Enrico uli – o ibang anak ni Wind Blown – ang manalo ng mga qualifying stakes races this year? Wala uling incentive? E di para sa alin pa ang pinirmahang MOA?  

 Sa ibang balita: Ang mga declared entries sa milyang Diamond Stakes I sa April 6, San Lazaro Leisure Park: Don Enrico, Euromax, Love Story, Prime Zone, Prying Eyes, at Shining Fame.

Lumabas na po ang latest issue ng Horseman’s Digest magazine, the only glossy magazine on horseracing in the country – available at both racetracks and other outlets. Basahin ang ilang artikulo sa http://gogirlracing.wordpress.com.

Karera lang – walang personalan!  ***

Related stories:

Comments are closed.