KL: 2007 US Breeders’ Cup

breeders_cup_logo071.jpg 

KARERA LANG!

By Jenny Ortuoste

for Monday, 22 Oct 2007

2007 US Breeders’ Cup

Ang karera sa Amerika, Europa, Japan, Australia, New Zealand, UAE, at ilan pang ibang bansang may horse racing ay malaki at respetadong industriya kung saan ubod ng taas ang mga premyo at ang mga importanteng stakes races ay inaabangan talaga ng mga karerista. Isang tumataginting na halimbawa ay ang US Breeders’ Cup World Championships.

Taun-taon, palaki ng palaki ang premyo nito at napakagagaling tuloy ng mga sumasali na kabayo. Tuwing Oktubre o Nobiyembre ito idinadaos, at palipat-lipat ang venue.

Okt 26-27 sa Monmouth Park , New Jersey gaganapin itong tanyag na racing festival na may 11 karera. Sa Okt. 26: Filly and Mare Sprint, Dirt Mile, Juvenile Turf. Sa Okt. 27: Classic, Distaff, Filly and Mare Turf, Juvenile, Juvenile Fillies, Mile, Sprint, at Turf. (“Turf” – grass course o pista na damo).

Ito ang kauna-unahang beses na magdadalawang-araw ang Breeders’ Cup (BC), na dati ay idinadaos sa loob ng isang araw lamang. Noong 2006, nag-grose ng record na $140 million ang event na ito.

Ilang mga kaalaman para sa 2007 BC:

Classic (G1), powered by Dodge: Prize: $5 million, Distance: 1-1/4 mile (2000 meters). Age: 3YO pataas. Ito ang pinakamatunog na laban at ang ilang kasali dito ay lumaban sa US Triple Crown, tulad ni Hard Spun (sumali sa tatlong yugto ng Triple Crown) at Curlin (2007 Preakness winner). Narito rin si Street Sense (2007 Kentucky Derby winner), na siyang malamang na ma-llamado dito.

Dirt Mile: Prize: $ 1 million. Kasali dito si Discreet Cat, na tinalo ni Invasor noong Dubai World Cup.

Emirates Airline Distaff (G1): Prize: $2 million. Distance: 1-1/8 miles (1800 meters). Ito ang laban para sa mga babaeng kabayo (fillies and mares) na 3 taon at higit ang edad.

Bessemer Trust Juvenile (G1): Prize: $2 million. Distance: 1-1/16 miles (1700 meters). Para sa 2YO colts and geldings. TVG Sprint (G1): Prize: $2 million. Distance: 6 furlongs (1200 meters) (“furlong” – more or less 200 meters). John Deere Turf (G1): Prize: $3 million. Distance: 1-1/2 miles (2400 meters).

Mapapansin natin na sari-sari ang distansiya ng mga karera. Sana magkaroon din ng “long-distance” events sa atin tulad ng 2400 meters – matira matibay!

Ang 12th MARHO Breeders’ Cup na gaganapin sa susunod na buwan ay ang local version ng US BC international championships. Ito rin ay isang inaabangan na event ng mga Pinoy na karerista.

Speaking of “inaabangan”, huwag pong kakalimutan ang 3rd Tumbok Cup, sa Linggo, Okt. 28, San Lazaro Leisure Park.

Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

Comments are closed.