KL: 3rd Tumbok Cup, sa Linggo Na!

KARERA LANG!

By Jenny Ortuoste for Tumbok

for Thursday, 25 October 2007

Suggested heading: 3rd Tumbok Cup, sa Linggo na!

Sa Linggo na (Okt. 28) ang 3rd Tumbok Cup! Ito ay taunang pakarera ng inyong paboritong pahayagan para sa ikabubuti ng iba’t-ibang charitable organizations. Itong taon, ang Gifts and Graces Fair Trade Foundation ang beneficiary ng charity race na ito na sponsored ng Philippine Racing Commission (Philracom). Ang venue ng event ay sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) ng Manila Jockey Club sa Carmona, Cavite.

Ang unang Tumbok Cup na idinaos noong Okt. 9, 2005, ay ipinanalo ni Manila Magic sa pagrerenda ni Jockey Edwin Simbulan, samantalang ang ikalawang yugto naman (noong May 21, 2006) ay napunta kay Badge of Honor na ginabayan ni Dominador H. Borbe Jr. Santa Ana Park ang naging venue ng dalawang karerang ito.

Ngayong Linggo, inaasahang dadalo sa okasyon ang mga pinuno at editorial staff ng Tumbok at Philippine Daily Inquirer (PDI – sister publication ng Tumbok). Kasama sa mga opisyales na dadalo ay ang presidente ng PDI, si Mrs. Sandy Prieto-Romualdez, kasama ang kanyang asawa, Mr. Philip Romualdez (presidente ng Philippine Chamber of Mines).

Pupunta rin daw sina PDI chairperson Mrs. Marixi Prieto, Mr. & Mrs. Alex Prieto, at iba pang miyembro ng kanilang pamilya. Matatandaan ng mga oldtimers sa karera na ang pamilya Prieto ang dating may-ari ng Manila Jockey Club.

Aapaw na naman ang maaksiyong karera sa SLLP sa 3rd Tumbok Cup dahil maganda ang lineup, although hindi pa ito finalized as of presstime.

Maraming pakulo ang Tumbok marketing staff at MJC para sa event na ito. Free admission sa Gallery (ground floor) ng SLLP Turf Club para sa mga Tumbok readers, dalhin lamang ninyo ang free admission coupon na nakalathala sa front page ng diyaryong ito.

Mamimigay rin ang Tumbok ng libreng sombrero sa unang 200 readers na dadalo! Kaya kita-kits po tayo sa SLLP para sa 3rd Tumbok Cup!

Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

Comments are closed.