KL: 3rd Tumbok Cup, Matagumpay!

prieto_awarding.jpg 

KARERA LANG!

By Jenny Ortuoste

for Thursday, 1 November 2007

Suggested heading: 3rd Tumbok Cup, matagumpay!

Masaya at matagumpay ang 3rd Tumbok Cup na idinaos noong huling Linggo (Okt. 28) sa San Lazaro Leisure Park (SLLP). Naipanalo ni Traditional ang 1500 meters na karera sa 1:33.6 lulan ang beteranong si Fernando “Dhunoy” Raquel Jr. Ang na-llamadong 3-year old filly ay pagmamay-ari ni Don Antonio Floriendo at kinukundisyon ng dating hinete at ngayon batikang trainer na si Renato C. Hipolito.

Bukod sa 3rd Tumbok Cup na isang taunang charity race, nakapag-arrange din ang Manila Jockey Club (MJC) ng tatlong karagdagang karera bilang parangal sa Prieto Family, na may-ari ng mga pahayagang Inquirer, Tumbok, Bandera, at iba pa.

Ang mga karerang ito ay ang Philweb Special Race (won by Great Emma), Bandera SR (Stoops), at Philippine Daily Inquirer (PDI) SR (Copper Dew). Congratulations sa mga connections ng mga nagsipag-wagi!

Ang mga Prieto ang dating mga may-ari ng MJC, kaya parang homecoming ang kanilang pagdalaw sa SLLP, lalo na si Mrs. Sandy Prieto-Romualdez (PDI president) na ngayon lang nakabisita sa bagong karerahan. Aniya, napakaganda raw ng SLLP at tuwang-tuwa siyang nanood ng mga karera kasama ang kanyang mga magulang, Mr. Alex Prieto at Mrs. Marixi Prieto (PDI chairman).

Kasama rin sa mga dumalo sina Ms. Imee Alcantara (VP-Operations ng Inquirer Publications Inc.), Mr. Roni Briones(Tumbok Managing Editor), at Ms. Gigi Tejada (Tumbok Marketing Manager).Sa kanilang tulong, at sa sponsorship ng Philracom, nakapag-handa ang MJC ng isang memorable event.

Abangan po ang susunod na event sa SLLP – ang “Mabuhay WBC! Cup” sa Nob. 11, sponsored by Philracom as per request of Games and Amusements Board (GAB) chairman Eric Buhain. Depende sa makuhang premyo, baka magkaroon din ng “President Jose Suleiman Cup”. Mayroon ding “Atty. Rodrigo Salud Trophy Race” at “Atty. Roberto Reverente Trophy Race” na may tropeo para sa may-ari ng mananalong kabayo.

Abala si Chairman Buhain sa paghanda para sa 45th WBC (World Boxing Council) Convention sa Nob. 11-17. Higit 600 boksingero at opisyal ang dadalo sa Maynila para sa meeting na ito, at ang dalawang karera sa Nob. 11 ay bilang parangal sa kanilang lahat at para na rin may mapanood silang kakaibang libangan sa kanilang pagdalaw sa Pilipinas.

Si Jose Suleiman ay ang matagal nang presidente ng WBC; kasama ang mga taga-karerang Pilipino na sina Atty. Rudy Salud at Atty. Roberto Reverente (na pareho dating taga-MJC), sila ang tumulong na bumuo ang World Boxing Council. Ang Mabuhay! WBC Racing event ay matutuloy sa pagtutulungan ng GAB, MJC, at Philracom at inaasahang magiging maaksiyon ang event na ito.

Karera lang – walang personalan! ***

Photo: Awarding ceremony for the 3rd Tumbok Cup. Mrs. Sandy Prieto-Romualdez presents a trophy to Mr. Renato C. Hipolito. MJC, PDI, Philracom, Gifts and Graces, and Tumbok officials look on.

Related stories:

Comments are closed.