KL: Parangal Para sa mga Yumaong Kabayo?

horse_beach_small.jpg 

KARERA LANG!

By Jenny Ortuoste

for Monday, 5 November 2007

Suggested heading: Parangal sa mga yumaong kabayo?

Kailan lang ay dumalaw ang karamihan sa ating mga kababayan sa mga sementeryo upang alalahanin ang ating mga yumaong mahal sa buhay.

May nakakaalala kaya sa mga pumanaw na kabayo?

Ang iba ay namatay sa rancho. Ang iba, sa pista sa tindi ng laban. Ang ilan naman, sa kuwadra. Ito ang ilan sa mga kampeon at istalyon na wala na – Fair and Square, Cover Girl, Magic Showtime, Time Master, Sun Dancer, Lioubovnik, at marami pang iba.

Sa ibang bansa, ang mga sikat na racehorses, broodmares, at stallions ay nakalibing sa rancho o racetrack na mayroong pang puntod at dinadalaw ito ng kanilang mga fans. Dito sa atin, hindi uso ang ganoon,kaya ang magagawa lang natin ay ang maalala sila at ang kanilang mga achievements.

They ran swiftly, fought bravely, won honorably. Remember them, for then they will be immortal, and live on in our hearts.

Meanwhile, “back to Control”… Patuloy pa rin ang pag-rebisa ng Philippine Horse Racing Rules and Regulations (PR). Mayroon na namang meeting ang Rules committee sa Miyerkules, sana maayos na ito agad para sa Enero 2008 ay may bago na tayong Blue Book…

Congrats to new commissioner Gerry Espina. Quiet, modest, and unassuming, he is a welcome addition to the Philracom Board…

Abangan ang paglitaw ng isang Minsk progeny coming from the stable of a prominent horseowner. Itong “small but terrible” na kabayo ay manggugulat nalang sa pista…

A big pat on the back to Atty. Offie of the Games and Amusements Board (GAB) and Manila Jockey Club (MJC) Events Manager Cecille Villanueva. Dahil sa kanilang perseverance, matutuloy ang Mabuhay WBC! Cup Race sa San Lazaro Leisure Park(SLLP) sa Nob. 11, kasama ng iba pang Cup at Trophy races. Ito ay bahagi ng Nob. 6-11 “Mabuhay! WBC Speed Week @ SLLP”, part of MJC’s November Holiday Racetravaganza…

May nagtanong, sino raw ang nag-iisip ng mga pangalan ng events at gumagawa ng “themes” para sa SLLP tulad ng “Speed Week”, “Racetravaganza” at iba pa? Ang mga racing events, themes, pangalan ng karera, at iba pang tulad nito ay nagmumula sa Racing department ng MJC,na siyang gumagawa ng racing calendar. Hindi po ito maaring gawin ng ibang tao, dahil mga official events at nomenclature ito…

Walang personalan – karera lang! ***

Photo: If there’s a heaven for horses, I hope it’s something like this… a place where they can gallop freely…

Related stories:

Comments are closed.