KL: 12th MARHO Breeders’ Cup, Patok!

marho_guys.jpg 

KARERA LANG!

By Jenny Ortuoste for Tuesday, 20 November 2007

Suggested heading: 12th MARHO Breeders’ Cup, patok!

Matagumpay ang kakatapos lang na 12th MARHO Breeders’ Cup (MBC) Racing Festival, na idinaos noong nakaraang karerang Philippine Racing Club (PRC) sa Santa Ana Park. Lahat ng main races ay inilagay noong Linggo, ngunit marami ring premium races noong Sabado.

Linggo, Nob. 18, may 12 trophy races (TR). Sa Philracom-MBC Juvenile Fillies, kampeon ang dehadong Arithmetic (owned by Nap Chua, trained by Tito Alvarez, ridden by Patty Dilema). Nakaulit ang tambalang Chua-Alvarez with Million Dollar (nirendahan ni Dhunoy Raquel) sa Santa Ana Park-MBC Sprint.

Naka-score uli si Patty sa Milestone Paper TR with the favorite, Blue Sheikh (owned by MPL Trading, trained by David Clor). Sa Andok’s Litson TR, nanaig ang Playmaker ni Maca Asistio na sinakyan ni Jesse Guce at kinundisyon ni Anthony Henson.

Ang llamadong Don Enrico ang lumitaw sa Philracom-MBC Juvenile Colts (trainer: Atoy Sordan, owner: W. Lee Uy). Nag-banderang tapos naman ang morong si Macedonian sa Paris Match TR; nanalo pa ito ng five lengths kaya tuwang-tuwa ang may-ari na si Dr. Norberto Quisumbing Jr. ng EFSGI. Sinakyan ni Jeff Zarate at hinanda ni Atoy Yamco, ang opinyon ng marami ay si Macedonian ang isa sa pinaka-talented na three-year-olds sa kasalukuyan.

Ang 2007 3rd leg Triple Crown winner na si Es Twenty Six ang bumulusok sa Smart-MBC Filly Mile, second win for rider Jesse Guce. Wala si trainer Dave de la Cruz, ngunit naroon ang winning owner si Nery Sunga, na proud na proud sa kanyang matulin na filly. Si Mr. Sunga pala ay ang bagong chairman ng Barangay Guadalupe sa Makati; congrats sa kanyang pagkapanalo sa eleksiyon.

Si Lady Cugat (owned by Luis Asistio and trained by Donny Sordan) naman ang bida sa Transprint Corp. TR; ito’y second win ni Jeff Zarate. Nanggulat naman si Macho Man sa Smart-MBC Colt Mile; siya’y pinakadehado sa lahat, at nanaig salamat sa mahusay na pagrerenda ni apprentice John Paul Guce. Ang may-ari ay si Ruben Dimacuha, trainer naman si PC Sanchez Jr..

Si Tiger Raffy ang kumuha ng Pryde’s Easy Feeds TR (owner: Ralph Javier, trainer: Ruchie Ladiana). Ito ang pangatlong panalo ni jockey Patty Dilema. Sa Ciara Marie Foundation TR, Zoe’s Lass won with apprentice EG Reyes; owner is Capt. Manuel Ponce, trainer is Dave de la Cruz (second win for the day).

Si Native Land ang nanalo sa main race, the 2050-meter San Miguel Beer-MBC Classic. Isa na namang panalo ito para kay jockey Jesse Guce. Galak na galak ang may-aring si Tony Tan, at trainer na si Anthony Henson. Congratulations sa mga nanalo!

Maraming bisita ang dumalo, at isa na si Mr. Ron Charles, President and CEO ng Santa Anita Park sa Arcadia, California. Inimbitahan siya ng Cua family of PRC na manood ng MBC. Narito rin siya bilang consultant upang magbigay ng payo at gabay para sa ikabubuti ng industriya. Sa next kolum ko na ikukuwento ang kanyang mga sinabi, na lahat ay very insightful and important.

Samantala… may isang Philracom observer daw na nag-confiscate ng cellphone ng isang PRC employee noong Miyerkoles. Mayroon kasing depository ng cellphone sa center gate sa Santa Ana Park, sa loob ng parang isang “cage” o hawla. Naroon naman itong si Employee at doon siya mismo sumagot ng text sa loob ng hawla. Hindi siya Philracom-licensed racing official, ordinary employee lamang. Ngunit kinuha pa rin ni Observer ang cellphone at – hindi pa niya isinasauli hanggang ngayon!

Kawawang si Employee. Maikakatuwiran naman na nasa hawla siya kung saan ang depository nung nag-text. Puede rin naman kasing bigyan nalang siya ng written warning o reprimand. O kung kinuha ang cellphone, sana isinauli naman ito agad.

Ngunit para kompiskahin ang cellphone ng non-licensed na tao, at ang malala e never heard na ung cellphone, e iba na iyan. Paki-usap niya doon kay Observer: paki-sauli naman nung telepono niya! Maawa naman kayo at wala siyang magamit na pang-communicate sa pamilya niya! Paano na kung may emergency? Tsk!

Karera lang – walang personalan! ***

Photo: At Santa Ana Park’s Presidential Box. From left, MARHO directors Butch Mamon, Tony de Ubago, friend, Tony Tan, Jing Javier, Elias Chua, and PRC’s EVP-COO Atty. Mon Ereneta (2nd from right) and Racing Manager Dan Valmonte (extreme right).

Related stories:

Comments are closed.