KL: Indelible Ink, Hindi Nila Mabura!

indelible_ink.jpg 

KARERA LANG!

By Jenny Ortuoste for Tumbok

Tuesday, 18 Dec. 2007

Suggested Heading: Indelible Ink, hindi nila mabura!

Tumala na naman ng panalo ang superfilly na si Indelible Ink, this time sa Philracom Juvenile Championship sa Santa Ana Park noong Dec. 16. Silang dalawa lang ng kanyang stablemate na si Anonymous ang babaeng kabayo sa karerang iyon.

Nilampaso ng dalawang matutulin na chicks ang mga boys. Si Indelible Ink ay umoras ng 1:31 para sa 1500 meters, na bahagya lamang ang diperensiya sa record na 1:30.8 ni Wild Orchid noong 2005 pa.

Tercero naman ang dating ni Anonymous, sa likuran ng magaling na si Don Enrico, ang nanalo sa 12th MARHO Breeders’ Cup at 8th Philtobo Mitra Cup Colts championships.

Inaabangan ng bayang karerista ang 2008 campaign ni Indelible Ink, kung saan siya ang llamado malamang sa Triple Crown championship races, kung hindi magbago ang kanyang kundisyon. Sa galing na pinapakita niya ngayon, may potential siya na lalo pang mag-improve at mag-mature sa mga darating na buwan.

Congratulations to owner/breeder Hermie Esguerra, his racing team, and of course the breeding team sa kanyang Herma Stud and Farms, headed by veterinarian Dr. Mercy Porsuelo.

Speaking of Don Enrico, bilang kampeon ng 2007 MARHO at Philtobo juvenile championships ay makakatanggap dapat ang kanyang may-ari ng kabuuang additional prize money na P900,000.

Ito ay sa ilalim ng Pioneer Insurance and Surety Corp. sponsorship na nilagdaan nila Pioneer Insurance CEO David Coyukiat at dating Philracom chairman Jaime A. Dilag sa Manila Polo Club noong 2004, sa isang magarang party kung saan kumbidado ang mga movers and shakers ng racing at breeding industry.

Ang sponsorship ay bilang incentive noong panahong iyon sa mga breeders na magpapakasta ng kanilang broodmares sa kampeong si Wind Blown, na magsisimula noong 2005 ng kanyang stud career sa Herma Stud.

Ayon sa terms ng sponsorship, ang mananalo na anak ni Wind Blown sa 2007 MARHO juvenile race ay tatanggap ng karagdagang bonus prize na P600,000, at para sa Philtobo juvenile race naman, P300,000. Kaya total of P900,000 ang dapat na mapupunta sa winning connections ni Don Enrico, na anak ni Wind Blown kay Kayumanggi.

Kasama rin sa Pioneer sponsorship ang 2008 campaign ng mga anak ni Wind Blown sa Triple Crown races, kung saan may mga additional/bonus prizes rin per win sa mga prestihiyosong karerang ito.

Si Wind Blown ay ang “winningest” in local racing history with almost P20 million in earnings. Bred by Sandy Javier sa kanyang Royal Maverick Ranch, binili siya later on in his career ni Mr. Esguerra. Ang pag-retiro ni wind Blown mula sa racing noong 2004 ay naging special event sa Santa Ana Park kung saan umikot ng “victory lap” sa pista ang nagpapaalam na kampeon.

Racing at breeding lang – walang personalan! ***

Photo: Indelible Ink, with JT Zarate aboard, winning the Nov. 25 Philracom 2YO Invitational at SLLP.

Related stories:

Comments are closed.