KL: Horseowners Nagtagumpay sa Pinaglaban!

KARERA LANG!By Jenny Ortuoste for Tumbok

11 January 2008, Friday 

Suggested heading: Horseowners Nagtagumpay sa Pinaglaban! 

Pagkaraan ng ilang araw ng “racing holiday”; pagkaraan ng umaatikabong bakbakan sa press; pagkaraan ng dialogo at pakikipag-usap; sa wakas ay may kalinawan na sa patutunguhan ng horseracing industry pagkaraang hirangin ng opisina ni Secretary Ermita si Atty. Jose Ferdinand “Joy” M. Rojas II bilang OIC (officer-in-charge) ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Ito ay tugon sa kahilingan ng mga majority horseowners na pababain sa puwesto si Gen. Florencio Fianza, chairman ng Philracom, pagkatapos nitong maglabas ng mga kontrobersyal na policies lalo na sa handicapping, na ikinuwestiyon ng mga horseowners.

Hindi nagdeklara ang mga may-ari ng kanilang mga kabayo, kaya natigil ang pagdaraos ng karera ng apat na araw – Sabado at Linggo sa Santa Ana Park at Martes at Miyerkoles sa San Lazaro Leisure Park (SLLP). Nawalan ng mga apat na milyong piso sa taxes ang gobyerno bawat araw na walang karera. 

Ang pagpapababa kay Fianza ay sinalubong na “moral victory” ng mga nagkaisang majority horseowners, na galing sa Metropolitan Association of Race Horse Owners (MARHO), Philippine Thoroughbred Owners’ and Breeders’ Organization (Philtobo), at Klub Don Juan de Manila (KDJM).

Sumali rin ng mga huling araw ng standoff ang Samahang Horseowners ng Pilipinas (SHOP) upang sama-samang iparamdam sa Malakanyang ang mga sentimiyento ng mga may-ari ng kabayo.

Nagpasalamat ng lubusan si MARHO president Mandaluyong mayor Benhur Abalos kay Presidente Gloria Macapagal-Arroyo at sa lahat ng mga sumuporta ng racing holiday, lalo na kay Mr. Nonoy Niles (president of Philtobo), Mr. Rudy Pamintuan (president of KDJM), at Mr. Rellie de Leon (pinuno ng SHOP). 

Dagdag rin ni MARHO vice-president Eric Tagle na hihingi ang mga horseowners ng miting kay Atty. Rojas upang pag-usapan ang mga kontrobersyal na handicapping policies para sa two- and three-year old horses na naging sanhi ng kanilang pagdeklara ng “racing holiday”.

Natuloy na ang karera ngayon sa SLLP, ngunit wala munang karera para sa mga two- and three-year-old horses.

“Pinakita ng resulta ng racing holiday na kung magkaisa ang lahat ng sektor ng industriya tuwing panahon ng krisis, makakamtan natin ang tagumpay,” ani Mayor Abalos.

Si Atty. Joy Rojas, 42, ay nagtapos ng kanyang Bachelor of Arts sa University of Massachusetts sa Amerika at ng Law sa Ateneo de Manila University. Horseowner at breeder rin siya, ngunit lately ay wala siyang pangarerang kabayo at matagal nang hindi nakikita ang pangalan niya sa programa o ang pangalan ng kanyang farm, ang Dos Ranchos Jofero. Siya ay Philracom commissioner bago ginawang OIC ng naturang ahensiya.

Good luck kay Atty. Joy Rojas sa kanyang bagong katungkulan! Siya ang  simbolo ng bagong pag-asa sa industriya ng karera.

Karera lang talaga – walang personalan!  ***

Related stories:

2 Comments on KL: Horseowners Nagtagumpay sa Pinaglaban!

  1. ATTY. MARIO A. COSTO
    11 January 2008 at 7:02 am (4559 days ago)

    I dont agree with the appointment of Atty Atty. Joy Rojas as head of the PHILRACOM. I dont believe a son-in-law of Secretary Bunye should be appointed to such position without wanton violations of the LAW ON NEPOTISM, i.e., prohibition against the appointment of the appointee to a government office, bureau, department or agency of the government if he/she is related within the 3rd degree by AFFINITY or consaguinity to the recommending or appointing authority. In this case, the appointing authority is President Gloria Macapagal Arroyo while Atty Joy Roxas is the appointee. The question is who is Secretary Bunye to President Gloria Arroyo, and what is the degree of relationship existing between Secretary Bunye and Atty. Joy Rojas. What kind of relationship is this ? by AFFINITY or consaguinity? Besides, he is, este, was a former horseowner as well as a horsebreeder, and to quote, i. e., “Horseowner at breeder rin siya, ngunit lately ay wala siyang pangarerang kabayo at matagal nang hindi nakikita ang pangalan niya sa programa o ang pangalan ng kanyang farm, ang Dos Ranchos Jofero”. What is best for the horseracing industry is a person who is not a horse breeder or a horseowner. This in order to avoid favoritism as well as conflict of interests to a select and blessed few. Just like the Armed Forces of the Philippines (AFP), what the law requires is a civilian apointee rather than a military. That’s even the clamor of the citizenry. In the horse racing industry, in order to level the field of playing, you need a person who is not related to everybody to achieve fair play. What is important is that you know how to deal with the horseowners, jockeys, trainers, betting public, etc. He must also know how to draft, discuss, prepare and implement the laws, rules and regulations on horse racing industry. In this way, conflict of interest could be avoided, especially the much dreaded and feared, to conduct the horseracing under the whim and caprices of the syndicates just the MAFIA of Italy or the YAKUZA of Japan. We dont want this scenario to happen in the Philippine Horse Racing. In gambling, money is the root of all evils, example of this is betting on bookies. Much more, if you manipulate the outcome of the horserace just to favor a select few. Who wants to avoid this kind of situation to happen in horse racing in the philippines ? We have to start from the top, and that top is the head of the PHILRACOM itself. We have to avoid legal issues whether it is IMPLIED or GLARING legal issues. Just appoint one who is not a Horseowner or a Horse breeder or a former Horseowner or a former HorseBreeder in order to avoid the suspicion of rigging the hORSE Race/S because of FAVORITISM or CONFLICT OF INTEREST.

  2. Caballero
    11 January 2008 at 9:03 am (4559 days ago)

    I go with you Atty. Mario Costo.Lets keep our eye on him.