Why Only 24 Races at SLLP for Jan 12 and 13?

Racing fans at http://www.phf.com.ph and elsewhere are wondering why there are only 24 races set for this weekend (12-13 Jan 2008) or 12 races per day at San Lazaro Leisure Park (SLLP), instead of the usual 26 per weekend or 13 per day?

Many kareristas pointed out that the “racing holiday” was over. Was the reduced number of races caused by the fact that three-year-old racing is still not being implemented while the controversial handicapping scheme for that age group is still being discussed?

 Not so, according to a Manila Jockey Club steward. He says that the Philracom granted the Philippine Racing Club three Mondays of racing to make up for the weekend races at Santa Ana Park that did not materialize because of the racing holiday.

At eight races per Monday, that’s a total of 24 races. In order to be fair and maintain a schedule with the same number of races for the two racing clubs, only 24 races were allowed for this weekend at SLLP.

Related stories:

6 Comments on Why Only 24 Races at SLLP for Jan 12 and 13?

  1. MeOMeOMy
    13 January 2008 at 9:08 am (4331 days ago)

    Kung ang hanap mo ay isang salamangka, hindi mo na kailangan pang maghanap at magpunta sa isang peryahan. Tutoo bang may iniinda si Million Dollar? Madali lang gawan ng paraan, suspendido ka muna tapos sa susunod takbo ka sa barrier.

    Mga bayang karerista dismayadong dismayado sa late scratching ni Million Dollar. Habang ipinapasok daw sa pasyalan ng kabayo ay may umuugong na BAKA ma-iscratch ito. BAKIT MAY UMUUGONG NG GANITO? Isang istilo upang magpadehado. Kung ganuon pala ang obserbasyon, ano ang ginagawa ng mga beterinaryo. Responsibilidad nila na ang lahat ng mga kalahok ay nasa tamang pangongondisyon. Alam po natin na ipinapasok ang mga kabayo ng maaga (isang karera bago magsipagtakbuhan). Kaawa awa ang mga nagsipagtaya dito sa Pick 6 at WTA. Another type of lokohan. Black magic ika nga. Kaya biglang bumaba ang live units ng manalo si Snowdipped dahil napalipat ang lahat ng tumaya kay Million Dollar kay Tiger Song na walang interes na manalo. Ang obserbasyon ng mga karerista kay Unoh ay kakaiba. Bakit daw ganuon ang kanyang reaksyon? Tutoo bang pilay si Million Dollar? Samantalang ang ibang karerista ay imbis na ilipat ang kanilang taya kay Tiger Song ay inilipat nila kay Bilingaling. Siguro tama rin sila dahil may kalutsahan si Tiger Song na hindi basta basta ibibigay ang unahan. Galing galing naman ng kanilang hingala at obserbasyon kaya lang talo rin. Nasaan ang tinatawag nilang “interest of the betting public”? Nasaan ang ating proteksyon para sa ating kapakanan. Isang moral victory para sa mga manloloko. Paano pala kung nangyari ito sa paratingan at nagkataon ay pawang mga dehado ang mga nananalo? Hindi imposible ang may maka solo winner. Ang nakakadismaya pa ay nakakasira ng dibidendo para sa Daily Double at Extra Double dahil may konsolasyon ang napaburang kalahok.

    Hindi na bago sa ibang karerista ang ganitong istilo dahil nangyayari ang ganitong istilo sa natitirang tatlo o dalawang karera. Beterinaryo at hindi mga stewards ang humuhusga sa ganitong kaso.

    Ang karaniwan na sinasabi ng isang kumukunsulta sa isang manggagamot ay “Salamat Doc”. Ganito rin kaya ang sinasabi ng mga hinete? Isa pang malaking lokohan ay malamang mag boycott na rin ang mga bayang karerista.

    Magkaron sana ng liksyon ang ibang mga karerista. Kung kinakailangan na maglagay ng proteksyon lalong lalo na sa paratingan ay gawin ito. Depende kung isang namumuhunan o sadyang may nakalaan na halaga sa pangtaya.

    May pag-asa pa ba ang ating industrya kung ganito?

  2. ATTY. MARIO A. COSTO
    13 January 2008 at 11:34 am (4331 days ago)

    Why Only 24 Races at SLLP for Jan 12 & 13?. In my opinion, I believe, it’s not the quantity that counts, it is the quality. If there are few entry of horses in a race, the probability is that there might be a hidden agenda for that. Meaning to say, there is a purpose why it should remain only up to that certain number of entry in a race. In that way, rgging the outcome of the race is very difficult to undertake on the part of the horseowners with a very few exceptions. For example, a horse coming from an injury is being entered to run in a race. Naturally, you do not expect it to win despite garnering all the sales. You cannot also blame the horseowners for letting his horse run backwards (Paatras na takbo) instead of running forward. There is nothing to blame HERE except the veterinary of the PHILRACOM for allowing the horse to run despite coming from an injury. These people are bullshit for allowing the public bettors to be robbed in broad daylight in such a race.
    Of course, if there are only few entries in a race, expect to find race manipulations in the latter part of the race. I just hope that the manipulation of the horse race should depend on the speed of the horse based on the clock record recorded by the clockers, and not on the speed of the mouth (under instructions) of the horseowners. In this way, the horse racing will be an exciting event to watch out because the horses can run up to their last breathe based on their speed as per clock records without the intervention of few crooked and despicable horseowners and/or trainers at the expense of their Jockey/s. Where can you find in a horse race, a horseowner is being penalized for letting his horse, a galloper and easy winner, to run backwards instead of running forward, miles ahead of his opponent. It is the trainer as well as the jockey who are penalized. The rules must be fair. If you penalized a trainer or jockey, much more that you penalize the horseowner because, after all, it is the horseowner who gives instructions to his trainer and/or jockey.
    Whether there are few entries in a race or not, it doen’t make any difference. What matters most is the quality not the quantity. After all, the biggest loser here is the betting public. Forget the horseowners. They can always bounce from their loses. Othewrwise, they would gamble into entering the horseracing world if they cannot bounce back from their loses. That’s stupidity!!!
    Kung Hei Fat Choi!!!

  3. Caballero
    13 January 2008 at 5:35 pm (4331 days ago)

    FREE HANDICAPPING

    May rekomendasyon tayo sa bagong OIC ng Philracom na si Atty. Joy Rojas. Habang hinihintay niyang mabuo ang bago niyang line-up ng mga komisyoner eh bakit kaya hindi muna niya bigyan ng “free hand” ang mga clubs na gumawa ng sariling handicaaping. Ibig sabihin ay “freeze” muna yung old system sa 2yo, 3yo at pati na rin yung bagong classifications ng imported horses.

    Sa ganitong paraan eh magkakaron ng chance yung mga mahinang kabayo na makalaban ang kapwa-mahina. At yun namang medyo may kalakasan ay mahaharap sa kapwa-matulin at well conditioned runners. Hindi naman siguro pababayaan ng clubs na maging one-sided ang mga karera kasi maapektuhan ang kanilang benta. Pipilitin nila, as much as possible , na maging anybody’s race lahat ng ilalatag na karera halintulad ng ginagawa noon ng MJCI tuwing June 24-Araw Ng Maynila. Pwede rin pairalin temporarily ang No Bearing-No Effect rule para ma-engganyo ang mga koneksiyon na ideklara lahat ng kanilang mga kabayo. Palagay ko win-win ang solusyon na ito.

    Again, ito po ay temporary solution lang habang naghihintay tayong magka-areglo ang mga horse owners at komisyon regarding the new handicapping rules.

    ANEMIC NA LINE UP: Ano naman kaya ang nangyari sa line-up ng Sabado at Linggo sa SLLP? Akala ko ba nagkaayos na ang mga horse owners? Eh bakit naging “anemic” na naman ang line-up para sa weekend races?

    Labing dalawa lang ang nabuo for Saturday & Sunday na menos isang karera sa ordinary 13 races tuwing weekend. Pinagbiyak-biyak din ang mga C4-D7B sa race-2 (6 horses), Race 4 (5 horses), race 7 (6 horses) at race-9 (7 horses). A total of 24 horses sa isang dibisyon lang na hinati sa apat na karera! Ganun din sa 6A at 6B na hinati din sa mga races 3, 6, 8 at 11 sa araw ng Linggo. Ano ang nangyari? Bakit kokonti pa rin ang mga nagdeklara?

    Ibang style naman ang ginawa ng MJCI handicapper para sa imported runners na pinagsama-sama lahat sa araw ng Sabado! Seven races all imported! Ganun din ang ginawa sa races 3 (6 horses), race-6 (7 horses) at race-10 (6-horses) na lahat ay categorized sa Group #5 for imported runners! May mga owners kaya na ayaw pa rin magtakbo? Nakapagtataka lang? O baka naman kawalan lang ng Major/Stakes Race kaya manipis ang line-up? Your guess is as good as mine.

    BAGONG MGA KOMISYONER: Sino naman kaya ang mga bagong uupo na komisyoner ng Philracom? Balita natin na mayroong selection process na nagaganap ngayon para piliin ang anim (6) na uupong komisyoner na aalalay kay OIC Atty Joy Rojas. Ayon sa mandate ng Philracom, dapat ay may tig-iisang representasyon ang horse owners, trainers at jockeys. Sana naman ay huwag puro horseowners ang umupo. Magkaron din sana ng kakatawan sa mga grooms, clubs, OTB operators, trailers association, veterinarians, breeders, racing media, helpers, exercise riders, retired jockeys, racing fans organizations at higit sa lahat ANG MALILIIT NA MANANAYA na siyang pinakamahalagang sector ng industriya!

  4. wildspacing
    14 January 2008 at 5:20 pm (4330 days ago)

    Por diyes porsyento naman! Susmalosep!

    Ano na nga ba ang nangyayari sa mundo?

    Sa tatlong nagkomento sa blog na ito ni gogirl tungkol sa tig-12 karera noong nakaraang Sabado at Linggo, isa lang ang talagang may kinalaman sa naturang subject ng blog.

    Yung isa, mukhang tama nung umpisa pero medyo lumiko at hindi na uli nakabalik.

    Yung isa naman ay komento marahil sa ibang blog, ha ha ha, hu hu hu.

    Anyways, hindi yata ako palo sa opinyon ni racing steward sa naging dahilan ng tig-12 karera nung Sabado at Linggo.

    Ang 13 karera tuwing weekend racedays ay nakagawian na, samantalang ang pagbabayad ng Monday racing para sa nakanselang karera noong Sabado at Linggo sa SAP (January 5 & 6) ay isang exception.

    Hindi naman siguro natin babaguhin ang isang standard ng practice (13 races for weekend racedays) upang sumunod sa isang exception (Monday racing).

    Pwede naman kasing gawing isang 8-race Monday ay dalawang 9-race Mondays ang ipambayad sa SAP eh.

    Sa aking palagay, talagang me kakulangan ang bilang ng mga nadeklarang mga kabayo para sa karera noong Sabado at Linggo kaya naging tig-12 karera lamang.

    Mapapansin nating na medyo kakaunti din ang bilang ng mga kalahok kada karera, tulad ng nabanggit ni Caballero.

    Kung ano ang dahilan at medyo tinamad ang mga horseowners na magdeklara ng kanilang mga kabayo, your guess is as good as mine, ika nga ni Caballero!

    Karera lang, walang personalan, ika nga ni gogirl!

  5. miguel larazabal
    14 January 2008 at 11:56 pm (4330 days ago)

    “Hindi naman siguro natin babaguhin ang isang standard ng practice (13 races for weekend racedays) upang sumunod sa isang exception (Monday racing).

    Pwede naman kasing gawing isang 8-race Monday ay dalawang 9-race Mondays ang ipambayad sa SAP eh.

    Sa aking palagay, talagang me kakulangan ang bilang ng mga nadeklarang mga kabayo para sa karera noong Sabado at Linggo kaya naging tig-12 karera lamang.”

    Una: Hanggang 8 races lang ang Monday. Hindi puwedeng 9 races. 13 races is only allowed during Mondays kung whole day racing dahil holiday.

    Pangalawa: Kaysa manghula ay magtanong muna. Kaya parang taliwalas ang tag line ni Caballero.

    Pangatlo: Dapat hindi maging bias. Tama si GoGirl racing lang walang personalan.

  6. ferdie
    8 February 2008 at 4:11 pm (4305 days ago)

    Para sa mga bayang karerista alam ko na alam nyo ang malawakang pandaraya sa industriya ng karera akoy nasa Ibang bansa ngunit patuloy parin na tumatangkilik sa horse racing Industry ngunit bakit hanggang ngayon ay wala paring pagbabago sa industriyang ito kawawa naman ang bayang karerista walang muwang sa kalokohan ng bumubuo sa industriyang ito pati ang Gobyerno natin ay kasali sa mga panlolokong ito kaya no doubt na hindi mabigyang ng lunas ang matagal ng sakit ng bayang karerista dahil ito ay isang aids na walang kagalingan at patuloy na lumalala dahil wala ng gamot para sa kalokohang ito mapa sota, hinete,owner,stewart,gobyerno,at pangulo eh sang ayon sa sistemang ito pati kabayo ayaw ng tumakbo dahil sa bulok na sistema nyo magising kayo sa katotohanan bigyang pansin ang hinaing ng mamamayan tamaan ng kidlat ang mandaya sa laban.
    Isang kwento ang iiwan ko sa inyo mga viewers ko.

    dito sa England isang sikat na hinete ang napatunayang nandaya sa laban ika nga outstanding eh biyahe hindi alam ng me ari kawawa naman sya kabayo na nya eh naloko pa sya magaling ang Gobyerno dahil sa pagkakasala itong mahusay na hinete ay nakakulong ngayon dahil sa husay nyang taglay sa pagbiyahe ng kabayo sana ganito ang gawin natin sa mga damuhong manlilinlang na mga myembro ng industriyang ito kahit pangulo ikulong pag napatunayang nandaya sa laban o kasangkot sa pandaraya let them pay the price