KL: Diamond Stakes II Shocker!

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  15 April 2008, Tuesday

 Diamond Stakes II Shocker!

“Kung sino ang ituro ng Itaas.”

Ito ang sagot sa akin ng isang Batikang Tipster noong tinanong ko siya kung ano ang tingin niyang posibleng kalalabasan ng Philippine Racing Commission (Philracom) Diamond Stakes II na ginanap noong nakaraang Linggo sa Santa Ana Park.

Bagamat sa tingin ng karamihan ng analysts at mananaya na ang laban dito ay between Real Spicy (na siyang naging llamado sa bentahan) at Drama Belle (segundo llamado), ang ubod ng dehadong si Mercurio ang itinuro ng Itaas upang magwagi sa milyang karerang ito.

Nagkaroon pa ng drama ang laban ng ma-angatan ni Drama Belle si La Tienne sa rekta na naging abala sa paremate ng huli. Dikit silang dumating sa meta para sa segundo na dinesisyunan pa via photo-finish.

Panalo sa photo si Drama Belle, ngunit dahil sa kanyang ginawang pagbubuka, siya’y “disqualified” ayon sa Philippine Racing Club (PRC) Board of Stewards (BOS) at nilagay siya sa third place, at kay La Tienne ibinigay ang segundo. Isa pang dehado, si Sweet Xarah, ang kumuha ng cuarto puesto.

Mercurio_diamond2_awarding

PRC’s Atty. Mon Ereñeta, horseowner Bayani Coching, Philracom chairman Atty. Joy Rojas, and Philracom racing consultant Dr. Romy Buencamino at the Diamond II awarding ceremony

Sinuspindi ng PRC-BOS si Drama Belle “for being vicious during the course of the race (raced wide) which led to a disqualification”. Hindi sinuspindi ang hinete ni Drama Belle na si LI Santos dahil panay naman ang palo niya sa kanan ng kabayo upang ituwid ang takbo nito ngunit ayaw talagang sumunod si Drama Belle sa pagrerenda ng kanyang hinete.

Dismayado ang mga racing fans sa poor performance ng  llamadong Real Spicy, na huling dumating. Tinanong ng PRC-BOS ang hinete nito na si Jeffril T. Zarate ang tungkol sa kanyang pagdadala:

“The jockey explained that he was instructed to follow the fast pace and place his mount within striking distance. Approaching the 3/8 mile, he began putting pressure on his horse and tried to bring it closer to the frontrunners but he felt that it was not responding to his urging. At the hometurn he felt that it had nothing more to give. Vet examination found nothing wrong with the horse. Stewards accepted the jockey’s explanation.”

In other words, noong hiningan ni Jeff si Real Spicy sa tres-octavo, wala raw maibigay ang kabayo. Ano na kaya ang nangyayari kay Real Spicy, na nanalo ng tatlong stakes races (Amethyst I, Garnet II, at Commissioner’s Cup) nitong Enero at Pebrero lamang?

Ang masamang takbo ba niya ay dahil sa galing siya sa mahabang bakasyon at hindi pa nakapag-adjust? Dahil sa init ng panahon? Dahil sa training? Palitan ng kuro-kuro ang mga racing fans at industry insiders, ngunit walang sagot ang lumilitaw.

Ganoon talaga. Karera kasi ito. Walang kasiguruhan. Bihira ang undefeated na kabayo, mabibilang sa daliri ng isang kamay. “You win some, you lose some”… isang kasabihan na paulit-ulit nating nakikita ang katotohanan sa larong ito.

Mapaiba naman: sa mga cyber-racing fans, check out the Philracom Forum – punta lamang sa http://www.philracom.gov.ph/. Magpa-register bilang miyembro at makipag-palitan ng kwentong karera sa mga kapwa karerista! Mayroon ding mga impormasyon dito na hindi makikita sa ibang websites dahil sa Philracom mismo galing ito, tulad ng “Official Recap”, “Official Track Records”, mga money-earned statistics at rankings, at iba pa. “Under construction” pa ang website, kaya kaunting pasensiya lang po habang unti-unting inaayos ito.

Karera lang – walang personalan!  ***

Related stories:

Comments are closed.