KL: Sino’ng Love N’yo?

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  14 February 2008, Thursday

Sino’ng love n’yo?

Happy Valentine’s Day! Panahon na naman ng puso at rosas, pulang damit, chocolate at matatamis na bulungan sa liwanag ng buwan.

Ngayong araw naiisip ko ang mga “love” ko sa buhay. Sa karera, sino – at ano – ang mga nagpapatibok ng puso ko?

 (1) Fair and Square – multiple stakes winner, back-to-back PCSO Gold Cup victor, prolific stallion – siya’y di lang mahusay na mananakbo, nagsimula pa ng local racing dynasty sa galing at buti ng kanyang progeny. (2) Sun Dancer – because she was undefeated and because she was a female. Go, girl! (3) Conquistarose – lagi nating nakikita ang pangalan niya sa programa bilang “sire” ng santambak na mananakbong local. Bibilib ka rin sa kanya  bilang istalyon. Siya ang angkop na simbolo ng Valentine’s Day!

(4) Wind Blown – isa sa pinakamagaling na kabayo ng Philippine racing. Local-bred sa Royal Maverick Ranch ni Sandy Javier, si Wind Blown ang all-time biggest money earner with almost P20 million. Although hindi siya undefeated, napakatapang niyang lumaban. May kuha nga kaming dalawa sa kuwadra niya, bago siya mag-retiro. Ipo-post ko ung litrato sa website ko (www.gogirlracing.wordpress.com). Abangan nalang ninyong lumitaw doon.

(5) Big races and festivals – the MARHO Breeders’ Cup, Philtobo Mitra Cup, and Klub Don Juan de Manila Derby, PCSO Presidential Gold Cup and First Spouse Silver Cup. Dati kasama rin diyan sa mga prestihiyosong sagupaan ang Manila Jockey Club (MJC) Gran Copa de Manila, ngunit mula noong mawalan ito ng sponsors, hindi na ito ginastusan ng MJC at tuluyan nang nawala ang tradisyonal na karerang ito. Sana maibalik.

(6) Ocean Cookie – madalas nananalong dehado, at cute. (7) Ibarra – malapit na niyang na-sweep ang 2007 Triple Crown kung di lang siya nagka-diperensiya. At cute.

 (8) New foals – cute talaga! Nanganak na si Juggernaut noong Enero 31 sa farm ni Mayor Eddie Dimacuha sa Anilao. It’s a colt, by Fort Dignity. Ayon sa sota ni Juggernaut na si Christopher “Toto” Pagalan, dumalaw raw sila noong Lunes at “napakagandang kabayo” daw nung anak. Chestnut din ito, kahawigin ng kulay ng ina. “Malaking kabayo, perfect,” ang pagka-describe ni Toto doon sa foal.

Si Juggernaut naman daw, “Walang pagbabago, ganoon pa rin ang itsura. Talagang disiplinado ang kabayong iyon, di siya nagsasayang ng lakas, kahit noong tumatakbo pa siya. Fighter horse ‘yun.” Halata sa mga salita ni Toto na mahal niya hanggang ngayon ang kanyang dating alaga.

Kayo, sino ang inyong love? Ngayong Araw ng mga Puso, ipadama sa kanila ang inyong sincere, faithful, at everlasting na pagmamahal!

Mga anunsiyo: many thanks to Mr Eric Lising and Mr Nestor Coson of BIR-Makati (Atrium Bldg.), who were very gracious, accommodating, and helpful… Salamat din kina Ms. Terrie Pua, her sister Rose, and their mother Mrs. Cua of Luis Store at 375 Escolta St., Manila, for a terrific repair job on my vintage Parker 75 Milleraies. Established in 1943, they are still going strong selling and fixing fountain pens.

Karera lang – with love…  ***    Email me:  gogirl_media@yahoo.com

Image from: http://imagecache2.allposters.com

Related stories:

1 Comment on KL: Sino’ng Love N’yo?

  1. Caballero
    14 February 2008 at 8:29 am (4533 days ago)

    I have an urgent message
    to reveal
    about someone
    I love so well.
    I swear that my heart
    will ever be true
    to that someone I love–

    The joy I feel
    when you’re near,
    will only become stronger
    every year,
    because my love for you
    grows and grows,
    and sends a sizzle
    from my head
    to my toes.
    Please tell me
    that you’ll always be mine,
    and be my beloved
    Valentine.

    Happy Valentine’s Day!