KL: Bagong Bituin ng Pista?

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  18 April 2008, Friday

 Bagong Bituin ng Pista?

“One to watch” ang bagong  3YO filly ng Espina Stable na si Super Crezee (pronounced “kree-ZAY”, ayon ka Comm. Gerry Espina). Anak ni Mr. Sutter out of Sparkle and Flash, banderang tapos si Super Crezee noong huling takbo niya sa isang 1450-meter race noong April 17, Race 6 sa San Lazaro Leisure Park (SLLP).

Naka-pirmis lang ang hinete niyang si Ace Aguila sa lakas ng hatak ng kanyang kabayo, at pumalo nalang siya ng isa o dalawang beses noong malapit na sa meta. Nanalo pa si Super Crezee ng four lengths. Itatakbo siya uli itong weekend sa SLLP, dahil hinahanda siya para sa Philracom Hopeful Stakes sa May 18, kung kailan ay tatakbo rin ang kanyang stablemate, si Don Enrico, pero sa 1st leg Triple Crown Stakes naman.

Gerry_espina_16apr08

Gerry Espina watches Super Crezee’s fantastic performance on tape. (16 Apr 2008)

“Kaya ko nagustuhan si Super Crezee,” sabi ni Comm. Espina, “ay dahil kapatid siya sa nanay ni Miguelito na isang stakes winner. Naisip ko na kung magaling si Miguelito, maari maging mas maganda pa ang performance ni Super Crezee dahil de-kalidad ang lahi ng kanyang ama, si Mr. Sutter.”

MIGUELITO 2

Miguelito (2006)

Si Mr. Sutter (Forty Niner-Twitchet) ay may lahing Mr. Prospector (isang “sire of sires”), na ama ni Forty Niner, at mayroon din siyang dugong Bold Ruler (ama ng tanyag na si Secretariat) sa dam side.

Naipakita na ni Super Crezee ang kanyang tulin. Sana mai-develop rin ang kanyang staying power na kakailanganin niya sa mas mahahabang distansiya tulad ng sa Hopeful Stakes, na 1600 meters o milya.

Mga bali-balita: inihahanda ng New Philippine Jockeys’ Association (NPJA) ang kanilang 3rd Annual Jockeys’ Day charity races na gaganapin ng May 11 sa Santa Ana Park. Ang proceeds ng mga karerang ito ay ilalaan para sa “benefit of disabled and/or seriously ill jockeys”.

Patuloy pa rin ang pag-ban ng importation ng mga racehorses mula sa Japan dahil sa pinakabagong outbreak ng sakit na ini-report noong February 28, ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI) ng Philippine Department of Agriculture. Hindi pa tuloy maipasok sa bansa ni horseowner and breeder Mr. Ochie Santos (former Philracom chairman) ang kanyang stallion na naroon mula pa last year, noong unang outbreak ng EI (equine influenze) na nagmula pa sa Australia. Sayang kasi breeding season na at maaring makatulong sana sa pag-improve ng local bloodstock ang Japanese stallion na ito.

Pinayagan ng Philracom ang Manila Jockey Club na magdagdag ng isang karera sa dalawang SLLP raceweeks ng April 14 to 20 at April 29 to May 4. Mula 59 races, 60 races per raceweek na, na ikakalat ng ganito: Monday to Friday, 8 races; Saturday and Sunday, 10 races. Ang Race 1 sa weekend ay magsisimula ng 2:30 pm. Racing fans, please take note of the schedule change.

Karera lang – walang personalan!  ***

Related stories:

1 Comment on KL: Bagong Bituin ng Pista?

  1. horsefan
    23 March 2009 at 8:59 pm (4121 days ago)

    Maa’m jenny pa request ng TC 1st,2nd at 3rd leg race ni Silver Story as a collection