KL: “Cry Foul”

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  24 April 2008, Thursday

 “Cry Foul”

KUNG ang mananaya ay may tanong o reklamo, kanino niya ito ilalapit? Sino ang makikinig sa kanya? Kanino siya magka-”cry foul”?

Ito ang hinaing ni Rick Lopez, isang karerista, noong natalo ang taya ng kanyang kaibigang si Rene sa llamadong Madame Josefina sa Race 5 noong nakaraang Biernes sa San Lazaro Leisure Park (SLLP).

Tanong ni Rick sa kanyang email, bakit hindi raw nai-scratch si Madame Josefina noong ayaw pumasok nito sa loob ng aparato “for more than three minutes”? Dumamba ang kabayo, nahulog, sinipa ang gate, at kung anu-ano pa, hanggang siya ay naging “stressed out and nervous”.

Dagdag pa ni Rick, bakit hindi raw nagawa ng hinete ni Madame Josefina, si jockey Jesse B. Guce, na tawagin ang pansin ng mga beterinaryo sa kundisyon ng kanyang kabayo? Sa pagkakaalam nila Rick at Rene, hindi raw tiningnan ng vet na naka-assign sa starting gate kung may diperensiya ang kabayo o wala.

Lumarga ang karera, at banderang tapos nanalo si Interceptor samantalang bugaw dumating ang llamado ngunit ngarag na si Madame Josefina. Sinuspinde ang huli dahil ayaw nga nitong pumasok sa aparato ng ayos.

Mabuti nalang, ang taya ni Rick ay si Interceptor. Pero kawawa naman raw ang kaibigan niyang si Rene at ang iba pang mga karerista na tumaya kay Madame Josefina. Tanggap ni Rick na “there’s nothing much we can do… tapos na ‘yun,”  ngunit ang punto niya naman ay “kawawa naman ang mananaya, walang boses ang bayang karerista. Ano ang protection? Can the betting public cry foul? How can we file protest?”

Unang-una, maari namang tumawag o sumulat sa mga racing clubs upang ilapit ang mga hinaing. Ngunit kasi sa karera, agad-agad ang mga desisyon diyan at “final” na ang mga ito lalo sa tayaan. Binabantayan rin naman ito ng racing clubs dahil ayaw nilang mawalan ng tiwala sa kanila ang racing fans; ng Philracom dahil ito ay sakop ng monitoring nila; at ng Games and Amusements Board (GAB), na siya talagang may responsibilidad sa aspeto ng betting.

Sa kasong ito, tiningnan ko ang official Stewards’ Report ng Manila Jockey Club (MJC) Board of Stewards: “Madame Josefina (JB Guce) refused to be loaded within three (3) minutes (able to enter only after 4-1/2 minutes)…”

Ayon sa isang MJC steward na aking nakapanayam, inispeksiyon ng MJC at Philracom vets ang kabayo, at fit to run daw ito. Hindi raw totoo na hindi tiningnan ng vet ang kabayo dahil mahigpit na ipinapatupad ang rule na ito.

Dagdag ng steward, “Nasa Philracom rules pa na ‘three minutes to suspend, five minutes to scratch’. Dahil nai-load ang kabayo sa loob ng limang minuto, hindi siya kailangang i-scratch. At hindi naman nag-reklamo ang mismong may-ari ng kabayo.”

Schedule change: ang schedule ng Manila Jockey Club (MJC) races sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) para sa susunod nilang raceweek ay: Huwebes, May 1 (Labor Day, non-working holiday), 8 races umpisa 6 pm; Sabado, May 3, 12 races umpisa 2:30pm; at Linggo, May 4, 13 races umpisa 2:30 pm. All other racing days as usual.

Oyet_kids

Oyet, Ik, and Alex at Manila Ocean Park. (15 March 2008)

‘Nga pala – happy 44th birthday today to jockey Oyet Alcasid – mula sa akin at sa aming mga anak, Alexandra at Erika. ***

Related stories:

Comments are closed.