KL: Kalahating Milyon sa Makaka-Sweep!

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  29 April 2008, Tuesday

 Kalahating Milyon sa Makaka-Sweep!

 Tulad ng panahon, pa-init ng pa-init ang paghahanda para sa Triple Crown Championship series ng Philippine Racing Commission  (Philracom). Panay na ang mga workouts ng mga top-class three-year-olds; ang iba ay sumasali sa mga minor stakes at class-division races upang makapag-batak.

Bilang pagkilala sa hirap, tiyaga, at  pondo na iginugol ng mga horseowners at kasapi sa kanilang preparasyon, magbibigay ang Philracom ng pabuyang P500,000 at magarang trophy para sa may-ari ng kabayong makakapag-sweep ng tatlong legs ng Triple Crown (TC).

Wow! Ngayon lang yata nagkaroon ng special prize incentive para sa TC sweeper! Para bang yung $5 million prize ng Visa sa US TC naman (kaso itinigil na yata ito). Malamang na lalo pang magpupursigi ang mga kalahok na maka-sweep upang makamit ang karagdagang premyong ito, bukod pa sa sikat na kanilang matatamo kung makapag-achieve sila ng inaasam na TC sweep.

Ang huling nakapag-sweep ay si Silver Story way back in 2001. Pitong taon na ang nakalipas mula noon. Hindi dahil walang magagaling na kabayong nagsilabasan mula noon, kundi dahil breaks of the game lang talaga. Tulad ni Ibarra last year – muntik nang maka-sweep kung di lang nagka-diperensiya bago mag-third leg.

Silver_story_ibarra

The look of champions – Silver Story, Ibarra.

Ngayon araw pa lamang ang nominasyon para sa 1st leg Triple Crown at Hopeful. Sa susunod kong kolum (Huwebes) ninyo malalaman kung sino ang mga ni-nominate.

Ang isang siguradong hindi sasali, whether sa TC or sa Hopeful, ay si Super Crezee, stablemate ni Don Enrico. Ayon sa kanilang trainer na si Atoy Sordan, nasugatan si Super Crezee kamakailan sa isang regular race sa San Lazaro Leisure Park (SLLP). Nagtama ang kanyang paa sa harapan, na ikinasugat ng kanyang kaliwang monedillo.

Ang isa pang concern nila kay Super Crezee ay hindi pa ito sanay tumakbo sa SLLP. “Medyo may takot siya roon, eh,” ani Sordan. “Pahinga nalang muna siya ngayon hanggang sa gumaling ang sugat niya. Sana umabot siya sa second at third legs, na magiging mas advantage pa sa kanya dahil sanay siya ang pista ng Santa Ana.”

Reminder:  ang schedule ng Manila Jockey Club (MJC) races ngayong linggo sa SLLP ay: Huwebes, May 1 (Labor Day, non-working holiday), 8 races umpisa 6 pm; Sabado, May 3, 12 races umpisa 2:30pm; at Linggo, May 4, 13 races umpisa 2:30 pm. Ang ibang araw ng karera, tulad ng dati ang schedule. Imbis na mag-whole day racing sila sa May 1, pinili ng MJC na kunin ang limang extra races at ikalat sa weekend.

Ibang balita: nalalapit na ang eleksiyon ng officers ng Klub Don Juan de Manila, ayon sa isang founder nito na si Mr. Jun Almeda. Kailangang hard-working ang mabuo nilang liderato dahil dapat na nilang paghandaan ang Don Juan Derby racing festival, na idinadaos tuwing Oktubre.

 Karera lang kasi eh!  ***

Related stories:

Comments are closed.