KL: Trainers’ Oathtaking Kahapon

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  1 May 2008, Thursday

 Trainer’s Oathtaking Kahapon

 Congratulations sa mga bagong halal na opisyal ng Philippine Race Horse Trainers’ Association (PRHTA) na sina “Kap” Pablito “Abong Guce (president), Ray Henson (vice-president), Caloy Macaraig (Board secretary), Boy Vicente (treasurer), Lou Domingo (auditor), Dr. Panfilo Oliva Jr. (press relations officer), Edwin Vittali (sergeant-at-arms), at mga direktor na  Rogelio “Tata Eyo” Catajan Sr., Rene Florentino, Nestor Manalang, at Dodec Vicente.

Prhta_officers1

(L-R) Comm. Vic Tantoco, Chairman Joy Rojas, “Kap” Abong Guce (also captain of Barangay Carmona, Makati), Ray Henson, Caloy Macaraig, and Boy Vicente.

Sila’y nag-oath-taking kahapon sa harap ni Philippine Racing Commission (Philracom) chairman Atty. Jose Ferdinand M. Rojas II. Ginanap ang okasyon sa Gloriamaris Restaurant ni horseowner David So (naaalala ba ninyo si Wag Ingay?).

Sa maikling talumpati ni Chairman Rojas, sinabi niya na ang mga trainers ay “isa sa mga haligi ng industriya,” na may “mabigat na responsibilidad bilang tagapag-sanay ng kabayo”, at dahil dito, ay kinikilala ng Philracom ang mga kontribusyon ng mga trainers sa industriya.

Ani Chairman Rojas, laging bukas raw ang pintuan ng Philracom sa mga hinaing, kumento, at mungkahi ng mga trainers lalo kung ang mga ito ay “para sa ikabubuti ng karera”. Dagdag pa niya na mahalaga ang suporta ng trainers sa Master Plan for Horseracing, isang long-term strategy ng Philracom para sa ika-aangat ng karera at breeding.

Prhta_officers2

(L-R) Lou Domingo, Dr. Panfilo Oliva, Edwin Vittali, “Tata” Eyo Catajan, Andy Florentino, Dodec Vicente

Nagpasalamat naman sa kanya ang bagong lukluk na presidenteng “Kap”Abong Guce, na nangako ng kanilang tulong at suporta sa Philracom at sa buong industriya na kinabibilangan nilang lahat.

“Very uplifting and inspirational,” ang kumento ng ilang dumalo sa nasabing pagtitipon. Tuwing nagsasama-sama kasi ang mga taga-karera, lalo sa mga okasyon, doon ninyo nadarama talaga ang pagmamahal nilang lahat sa larangan na nakagisnan na at naging buhay na nila.

Ayon kay Ray Henson, ang bagong vice-president, pagkaraan ng kanilang internal audit, maihaharap na nila ang pag-gawa ng mga plans, programs, at activities ng kanilang organisasyon, at ibubunyag nila ito sa tamang panahon.

Mga nasagap na balita: nasa tanggapan kahapon ng Philracom ang ilang batang hinete upang mag-apila ng kanilang mga suspensiyon. Pagkaraan ng masusing imbestigasyon ng mga kinauukulan (as in paulit-ulit na panood ng tape ng karera), heto ang mga naging desisyon:

Sa kaso ni John Anthony Guce, sunuspindi ng Manila Jockey Club (MJC) Board of Stewards noong April 17 for 52 racing weeks for “deliberately losing by pulling or stopping” his mount Headspin – two months’ suspension was shifted to the horse dahil natuklasan ng Philracom veterinarian na ang kabayo ay namilay pala.     

Sa kaso ni apprentice Mark Angelo Alvarez na sinuspindi ng Philippine Racing Club (PRC) BOS noong April 22 ng three racing weeks “for careless riding” kay Kalookan’s Pride – lifted, back to schooling, and must secure a clearance from the Philippine Jockeys’ Academy na nakabuo siya ng one week of schooling.

Sa kaso ni Breinell Yamzon, sinuspindi ng PRC-BOS for three racing weeks noong April 27 kay Shades of Red for “careless riding” – lifted, pero kung maulit raw uli ang parehong offense, maximum penalty na ang ipapataw sa kanya.

Sa kaso ni Miles Steven Pilapil, sinuspindi ng MJC-BOS ng two racing weeks noong April 28 for “careless riding” on Gold Collar – affirmed.

Karera lang – walang personalan!  

Pagar_yamzon_alvarez_pilapil_crop_30apr08

Young Jocks: (L-R) Dahlwill D. Pagar, Breinell Leinard M. Yamzon, Mark Angelo T. Alvarez, and Miles Steven V. Pilapil, at Philracom office for the appeals hearing. No, Pagar wasn’t suspended for anything. He just came along to keep his friends company. (30 April 2008)

Related stories:

Comments are closed.