KL: Yumao sa Karera, Alalahanin!

KARERA LANG! By Jenny Ortuoste for Tumbok,  31 October 2008, Friday

Yumao sa Karera, Alalahanin!

Ngayong araw ay Halloween kung tawagin sa Estados Unidos, ang bisperas ng Araw ng Patay (Nob. 1) na siya namang ino-observe dito sa atin.

Sa Amerika, hindi nila binibigyan ng halaga ang Nob. 1 at ang kanilang mga yumao. Pribadong bagay raw ito at kanya-kanya na sila kung papaano aalalahanin ang mga naunang mahal. Kaya para sa kanila, ang panahong ito ay para sa mga bata – ang “Trick or Treat” kung saan nagsusuot ng costumes ang mga bata (at minsan matanda) at pumupunta sa mga bahay-bahay sa kanilang komunidad, kung saan maari silang mabigyan ng candy (“treat”) at kung hindi sila pagbigyan, ay sila ang maglalaro ng “trick” sa may-ari ng bahay, tulad ng pagsabon ng bintana o pagbalot ng toilet paper sa gate.

Sa atin naman, seryosong panahon ito. Bukas, ang karamihan sa atin ay nasa sementeryo, dala ang kandila at bulaklak na iaalay sa mga kapamilya at kaibigan na hindi na kapiling. Ipinagdarasal natin ang kanilang kaluluwa. Nagvi-vigil tayo o gumagawa ng iba pang observances bilang pagbigay respeto.

Kung paano n’yo man i-observe ang panahon na ito, nasa sa inyo na iyon. Bilang isang taga-karera, ako naman ay magbibigay ng kaunting panahon upang alalahanin ang mga yumaong naging bahagi ng ating mundo:

Elpidio “Eagle” S. Aguila. Si Jockey Bobot ay isa sa pinakasikat na hinete noong ‘70s hanggang ‘90s. Kasama siya sa triumviate na kung tawagin ay “Tito, Vic, and Joey”, along with jockeys Jesus “Bong” Guce and Philracom commissioner Eduardo “Boboc” Domingo Jr. Nanalo siya ng dalawang PCSO Gold Cup races – in 1983 with Skywalker at 1993 with Fair Start – bukod sa marami pang stakes races. Nahulog siya sa laban sa Santa Ana Park noong Set. 2006 at pumasok sa isang coma. Hindi na siya nagkaroon ng malay pa at namatay nitong Hunyo 2008.

Juanito A. Macaraig. Si “Mang Juaning” o  Tatay Mac ay isa sa pinakasikat na hinete noong kapanahunan niya, ‘60s to ‘80s. Noong nagretiro siya, sumikat rin siya bilang trainer. Naging guro ko siya sa Philippine Jockeys’ Academy noong apprentice ako sa Batch 4 (1990) at napakabait at pasensiyoso niya. Hindi ko siya nakitang magalit kahit kailan, kahit gaano kakulit naming mga apprentice.

Mr. Sutter (Forty Niner – Twitchet by Roberto). Isang istalyon ng Herma Farms and Stud at ama ng mga performers tulad ni Go Army, French Vanilla, Eye Candy, Gung Ho, Love Story, at marami pang iba. Siya’y pinatulog noong Agosto dahil sa diperensiya at karamdaman.

Cover Girl. 1st leg Triple Crown winner in 2004, PCSO Silver Cup winner in 2005, at nanalo pa sa ibang stakes races. Pilipit daw ang paa, pero naging kampeon – isang patunay na “it’s not what you got, it’s how you use it!”

Cover Girl, with Jonathan Hernandez in the saddle, winning a Philracom-sponsored race at San Lazaro Leisure Park in February 2005.

Mga anunsiyo: walang karera sa San Lazaro Leisure Park sa Nob. 1, Sabado. Magpapatuloy ang karera sa Nob. 2, Linggo.

Happy Halloween – at karera lang!  ***

Related stories:

2 Comments on KL: Yumao sa Karera, Alalahanin!

  1. NiHAWmA
    1 November 2008 at 1:16 pm (4263 days ago)

    Mabuti na lamang na hindi natin minana sa mga Amerikano ang ganyang klaseng ugali. Ang mga yumao ay dapat pong igalang. Kahit lumisan na sila, ang kaluluwa ay dumadalaw pa rin paminsan-minsan at nagpaparamdam. Mahalagang ipakita sa kanila ang ating pagmamahal. Mag-alay ng panalangin.

    Pero sa tuwing dumarating ang panahon na ito ay marami ang nagsasamantala. Hindi yung mga taong nais magpababa ng grupo hanggang Class 4 Div 7B o di kaya sa Special Class Div 1 ng imported. Hindi yung kakargahan ng gamot na pampatulog ang kanilang mga kabayo. Hindi yung tataya ng ubod ng kalakilaki para sumunod ang mga mananaya at pagkatapos ay ipapakansela. Hindi yung isang dekalibreng hinete at pagkatapos ay paiikutin lang. Mag-ingat po kayo.

    Trapiko. Mabagal na pagtakbo ng mga motorista. Kasama po iyan sa magiging problema. Bukod sa nagmamahalan na mga bulaklak at kandila nandyan din ang mga masasamang loob. Pati na sa mga mandurukot. Snatcher ng cellphone. Bukas kotse at akyat bahay. Kung sa karera ay may upper (retaline) meron din mga dapat na pagkaingatan na apper katulad ng holdupper at carnapper.

    Maingat. Maniguro.

    Kung tinaguriang “Tito, Vic and Joey” sila jockey Jesus, Eduardo Jr. at ang yumaong si jockey Samodio.

    SINO PO KAYA NGAYON ANG PUMALIT SA KANILA? Hindi siguro ang Three Musketeers o Three Stooges.

  2. NiHAWmA
    3 November 2008 at 4:56 pm (4261 days ago)

    Dapat din po natin maalala si Mang Tony. Race Caller TONY TRINIDAD .

    Tandang tanda ko pa nuon kung paanong tumawag ng karera si Mang Tony (tatay ni Albert). During the parade of entries

    Here is entry number 5 Lady’s Man…jockey Ben up
    Number 7 Bubble Top premiere jockey Elias riding

    Bago po largahan ang karera ay binabasa niya ang mga benta ng isa isa at ito po ang kanyang binibigkas

    Ladies and Gentleman. It’s now post time. And here’s the final report.

    Sa largahan, siya ang nagpasikat ng “There They Go” pero bago rito ay …and the red flag is up. At kapag malapit na sa meta at malayo ang nauuna, ang kanyang binibigkas ay ” better go down and collect for it’s in the bag”

    Race caller siya sa Santa Ana at sa San Lazaro katulong niya ang kanyang mga anak na si Mandy at nakalimutan ko yung isa (pasensya na po). kapanahunan nila Bring Home D bacon, Cibeles, Monks Hood Jr., Khan Caloo, Kulintang, Cavite Starlet, Little Ginny, Kundiman, Magulo Joe, Gigolo Joe, Red Fantasy, Spiriquitic, Sandali Lang, Red Lion, White Flasher, Holy Terror, Top D World, Mystic Smile, Fuego, Strong Material, Windy Whelming, Seal Point at marami pang iba.

    Mang Tony. Kahanga hanga po ang galing ninyo sa pagtawag. Hindi kayang tapatan kahit sinuman. Sumalangit nawa ang inyong kaluluwa.