KL: Dream Cross, Longshot Winner!

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  13 May 2008, Tuesday

 Dream Cross, longshot winner!

 Longshot ang nanalo ng ikatlong New Philippine Jockeys’ Association (NPJA) Jockeys’ Day Cup noong May 11 sa Santa Ana Park. Banderang tapos si Dream Cross, lulan ni Dominador H. Borbe Jr.

Noong nakuha nito ang unahan, hindi na niya ito binitiwan hanggang meta. Nanalo pa ito ng apat na kabayo at pulling away pa! Kahit anong habol ang gawin nina Music King at Pali, hindi umubra ang kanilang diskarte sa magandang pinakita ni Dream Cross, na pangitang nasa magandang kundisyon ngayon.

Sumegundo kay Dream Cross si Music King, tersero si Pali, cuarto si Chariot of Fire, at huling dumating si Itza Lemon. Scratched si Material Ruler bago magsimula ang karera.

Naglaan ang sponsor na Philippine Racing Commission (Philracom) ng P250,000 guaranteed gross prize dito, kaya congratulations sa may-ari, WT Tan; trainer, Ruben S. Tupas; at kay jockey Borbe.

At the awarding ceremony: PRC EVP-COO Atty. Mon Ereñeta Jr., Philracom chairman Atty. Joy Rojas, Angelo Vacal, NPJA director Joey Macaraig, NPJA president Domingo Vacal, winning jockey DH Borbe Jr., muses Manilyn Baltao and Jyle Geronimo, winning trainer Ruben S. Tupas, NPJA directors Teddy Bolante, Jaja Ladiana, and Angelito Laguinto (photo by Shirley Jaime)

 Ang karerang ito ay bahagi ng 3rd NPJA Jockeys’ Day races, na sumakop ng sampu mula sa treseng nasa programa para sa araw na iyon. Ito’y charity event para sa kapakanan ng mga disabled jockeys.

“Very successful ang event,” masayang kuwento ni NPJA president Domingo G. Vacal. “Bukod sa nakalikom ng pondo para sa mga disabled na hinete, napakaganda ng pagka-handicap ng mga karera. Nagkaroon ng two winners sa unang set ng Winner-Take-All, na nag-grose ng P5 million, at one winner naman sa second WTA na may groseng P2 million. Ibig sabihin, fair at walang patukan ang naging handicapping ng Philippine Racing Club.”

Ayon din kay Vacal, “Doon sa proceeds ng mga karera, 80% noon ay itatabi sa disabled jockeys’ fund ng NPJA, at 20% naman ang itutulong kina Constantino Bernabe, Jesus Guce, at Elpidio S. Aguila.

“Ang tatlong hineteng ito ay nahulog sa actual races. Si Bernabe ay ang unang na-disable na hinete, nagkadiperensiya siya sa balakang. Si Guce naman, naka-wheelchair dati, pero ngayon medyo maganda na ang kondisyon, nakakalakad na ng kaunti. Ang pinakamalala ay si Aguila, na comatose pa rin.

“Maraming salamat sa lahat ng mga sponsors; dahil sa kanilang suporta, matutulungan ang mga hineteng ito.”

Pinaliwanag ni Vacal na continuous ang pangangailangan ng suporta para sa mga hineteng ito, kaya walang tigil ang fundraising ng NPJA. “Hopefully,” aniya, “mayroong may magmamagandang-loob na mag-sponsor ng NPJA Special Race sa loob ng taon ito, dahil noong 2006, tatlong beses kaming nagpakarera.”

Congratulations sa NPJA at sa lahat ng mga hinete sa kanilang matagumpay na event!

Sa ibang balita naman: heto ang mga declared entries at ang kanilang mga hinete para sa 1st leg Triple Crown Stakes at Hopeful Stakes na  gaganapin sa May 18, San Lazaro Leisure Park:

1st leg TC, 1600 meters: Don Enrico, JB Hernandez; Hieroglyphics, KB Abobo; Indelible Ink, JT Zarate; Queen Elena, MF Daquis; Shining Fame, JB Guce; at Unopposed, JA Guce.

 Hopeful, 1,600 meters: Angel Dugo, JG Tinte; Anonymous, JT Zarate; Arithmetic, PR Dilema; Bohemian Dave, JB Guce; Champion of Snow, VR Dilema; Don Alejandro, JB Cordero; Love Story, FM Raquel Jr.; Luna Rossa, DH Borbe Jr.; at Makisig, JB Hernandez.

Karera lang – walang personalan!   ***  

Related stories:

Comments are closed.