KL: French Vanilla, Out na sa MARHO Race!

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  11 November 2008, Tuesday

French Vanilla, Out na sa MARHO Race!

Isa sana si French Vanilla sa inaasahan sa Metropolitan Association of Race Horse Owners (MARHO) Breeders’ Cup Juvenile Fillies race itong Nov. 23 sa Santa Ana Park.

Talented at may proven performance sa stakes races, lutang na lutang si French Vanilla sa grupo ng mga 2YO babaeng kabayo na maglalaban para sa top prize na P600,000 sa naturang stakes.

French_vanilla

French Vanilla (Mr. Sutter – Eagle Boom) flies over the sand in a workout last November 5 at Santa Ana Park. (Photo by Alex Alcasid)

Ngunit sa kasawiam-palad, noong tuneup niya nitong nakaraang Linggo sa Santa Ana Park, nasubasob sa alis si French Vanilla, at nagtamo ng “malalim na sugat”, ayon kay Rene Barretto, manager ng Hermie Esguerra racing stable na may-ari ni French Vanilla.

Ang matitira nilang pambato  sa karerang iyon ay sina Blue Ocean at Eternal Flame, na tatakbo bilang coupled entries.

Kumpara sa pinapakita ng kanilang stablemate na si French Vanilla, marami pang kakaining oats itong sina Eternal Flame at Blue Ocean. Ang balitang-karera pa ay hindi pa gaanong handa si Blue Ocean para sa matinding aksiyon na haharapin niya sa MARHO Breeders’ Cup Juvenile Fillies.

In other words, naging wide-open ang karerang ito at tiyak na mahihirapang pumili ng kakampihan ang mga tipsters. Gawa ng pag-urong ni French Vanilla, ito’y “anybody’s race” na!

Ang kanilang Chief of Staff ay pina-scratch na rin nila mula sa MBC Juvenile Colts race.

Ngunit hindi dapat mabahala ang Esguerra racing stable connections, dahil ayon sa karamihan, patok sa MBC Juvenile Colts ang kanilang Go Army, na halos lumipad noong kanyang tuneup last weekend sa Santa Ana Park din.

Bukod sa anim na championship races ng MARHO Breeders’ Cup, naghahanda rin ng mga special races para sa raceweek ng Nov. 18 to 23 ang MARHO Racing Committee sa ilalim ng pamumuno ni MARHO vice-president for racing Jesus Ramon “Butch” O. Mamon.

Para sa trophy races naman, sigurado na ang mga ito: Ciara Marie Abalos TR, Milestone Paper Products Inc. TR, Cong. Amado S. Bagatsing TR, Transprint Corp. TR, Esicor Corp. TR, Juggernaut TR, at Good Provision TR. Sa mga trophy races, bukod sa premyo from first to fourth place, mayroon ding trophy to the winning owner.

Mga anunsiyo: Magkakaroon ng karera sa Santa Ana Park sa December 1, dahil ito ay declared public holiday. Inaprubahan na ng Philracom ang request ng PRC dito.

Aprubado na ng Philracom ang suggested racing calendar ng dalawang clubs, PRC at MJC. Sa Jan. 6 ang umpisa ng unang raceweek sa bagong karerahan ng PRC sa Trece Martirez, Cavite. Ang kanilang farewell races sa iiwanang pista ay sa Dec. 21.

Karera lang – walang personalan!   ***

Related stories:

Comments are closed.