KL: MARHO Breeders’ Cup, Patok na Pakarera!

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  18 November 2008, Tuesday

MARHO Breeders’ Cup, Patok na Pakarera!

Simula na ngayong araw ang MARHO Breeders’ Cup Championship raceweek sa Santa Ana Park, na inaabangan ng mga karerista taun-taon dahil ito ang pinaka-malaking racing festival sa kalendaryo.

Mula Martes, Nob. 18, hanggang Linggo, Nob. 23, ang racing festival na ito na inumpisahan ng Metropolitan Association of Race Horse Owners noong 1996 pa. Ang layunin ng pakakerang ito ay ang itaguyod at palaguhin hindi lamang ang racing kundi ang breeding ng thoroughbred horses sa Pilipinas.

Talagang binuhusan ng suporta ng MARHO ang mga karera sa linggong ito. Lahat ng class-division races ay may bonus prize na P5,000 kung ang winner ay MARHO member in good standing. Mayroon ding mga races na may guaranteed prizes, at iba pa na may added prizes.

Marami rin ang mga pumasok na sponsors para sa trophy races. Ang mga ito ay ang Ciara Maria Abalos TR, Milestone Paper Products Inc. TR, ESICOR Inc. TR, Transprint Corp. TR, Good Provision TR, Juggernaut TR, Cong. Amado S. Bagatsing TR, SMART Sports Tipsters TR, at Philtown TR. Ang lahat na ito ay may added prize na P50,000 allocated from first to third places if the winners and placers are MARHO members.

Bukod dito, may dalawang tribute races, in honor of George Y. Stribling and Peter Morrison.

Si Mr. Stribling ang nagtayo ng Philippine Jockeys’ Academy noong mid-‘80s at sa ilalim ng kanyang pagtuturo umuso  sa ating mga hinete ang American riding style kung saan halos di gumagalaw ang hinete sa ibabaw ng kabayo at dapang-dapa siya sa likod to minimize wind resistance. Noong araw, masasabing European-style riding ang ginagamit, kung saan magalaw ang hinete.

Si Mr. Morrison naman ay ang batikang Australyanong racecaller na pabalik-balik sa Pilipinas ng mga 20 taon na upang tumawag ng mga pinakamalaking taunang pakarera, tulad ng Gran Copa de Manila, Triple Crown, MARHO Breeders’ Cup, at iba pa.

Ang highlight ng 2008 MARHO Breeders’ Cup ay ang anim na championship races sa Linggo – Philippine Charity Sweepstakes Office-MBC Sprint, Philracom-MBC Juvenile Fillies, Philracom-MBC Juvenile Colts, Andok’s-MBC Filly Mile, Santa Ana Park-MBC Colt Mile, at San Miguel Beer-MBC Classic.

At kung hindi pa hitik ng aksiyon ang mga karerang iyon, mayroon pang Philracom Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup at ang PCSO Special Maiden Race!

Ngunit hindi lang iyon! Naabisuhan tayo just before presstime na may karagdagang Philracom-sponsored charity races – tatlong Cong. Amado S. Bagatsing races. Ang dalawa ay for the benefit of the Manila Red Cross, at ang isa naman ay para sa Sto. Niño Parish of Tondo. Bale mga stakes races na ang tatlong ito, dahil ang premyo ay P300,000 for each race, allocated from first to fourth places.

Tara na po at panoorin ang pinaka-exciting na pakarera sa mundo ng racing!   ***

Related stories:

Comments are closed.