KL: Weekend ng MARHO, Maaksiyon!

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  21 November 2008, Friday

Weekend ng MARHO, Maaksiyon!

Dadanak ang pawis at bubuhos ang aksiyon sa Sabado at Linggo sa Santa Ana Park, Makati City, para sa makasaysayang pagtatanghal ng ika-13 MARHO Breeders’ Cup championships.

Makasaysayan ito dahil ngayon lamang nasiksikan ng ganito karaming stakes at special races ang kahit na anong racing festival kahit kailan.

Sa Sabado, siyam ang trophy at special races. Sa Linggo, ang buong card ng trese karera ay puro stakes at trophy races din.

Ang pinaka-highlight ng MARHO Breeders’ Cup ay ang anim na championships nito, na bukas lamang sa mga kabayong “born and bred” sa Pilipinas. Kaya hindi maaring sumali ang island born at imports.

Heto na ang final lineup para sa MBC championships. Sa Philippine Charity Sweepstakes Office-MBC Sprint (900 meters) – One Man’s Soul (jockey DH Borbe Jr., 57kg), Tiger Song (LI Santos, 55), Minsk City (JB Hernandez, 55),  EJ’s Magic (MV Pilapil, 57), Million Dollar (FM Raquel Jr., 57).

Philracom-MBC Juvenile Fillies (1500 meters) – Heaven Sent (JA Guce, 54), Eternal Flame (PR Dileman, 54), Sin Nombre (EG Reyes, 54), Rhea’s Gold (AM Tancioco, 54), Sutter Dee Night (JP A Guce, 54), Lady Sutter (VR Dilema, 54), Bonjour (LB Guce, 54).

Philracom-MBC Juvenile Colts (1500 meters) – True Value (JA Guce, 54), Go Army (JB Hernandez, 54), Mastermind (PR Dilema, 54), Action Sailor (JB Guce, 54), Chief of Staff (MF Daquis, 54).

Andok’s-MBC Filly Mile (1600 meters) – Speed Madonna (JB Hernandez, 54), Victorian Stones (PR Dilema, 54), Vergara (DH Borbe Jr., 54), Lady Lorelle (KE Malapira, 54), Love Story (FM Raquel Jr., 54), Blue Arch (BM Yamzon, 54).

Santa Ana Park – MBC Colt Mile (1600 meters) – Tabako (PR Dilema, 56), Shining Fame (JB Guce, 56), Royal Fair (KB Abobo, 56), Don Enrico (JA Guce, 56).

San Miguel Beer-MBC Classic (2050 meters) – Music King (FM Raquel Jr., 57), Native Land (PR Dilema, 57), El Terrible (JB Hernandez, 57), Ididitmyway (VR Dilema, 57), Es Twenty Six (JB Guce, 55), Treasured Ack (JB Cordero, 55).

Puro local ang mga ito, dahil iyon naman ang layunin ng MBC – ang palaguin sa Pilipinas ang breeding ng kalidad na thoroughbred. Kaya ang tema ng MBC para sa 2008 ay “Raising and Racing Philippine Champions”.

Kaya ang MBC ay hindi lamang higanteng pakarera hitik sa aksiyon – ito rin ay selebrasyon ng pagiging Pilipino, at ng kakayahan nating mag-breed at mag-develop ng mga kampeong kabayo na maaring ilaban kahit saan man sa mundo.

Sa katunayan, kung mapapansin ninyo ang event logo ng 2008 MARHO Breeders’ Cup, ang kulay na ginamit rito ay dilaw, puti, bughaw, at pula – kulay ng watawat ng Pilipinas. Sinadya po ito, upang maipabatid sa lahat, na dapat ipagmalaki ang kabayong Pilipino. ***

Related stories:

1 Comment on KL: Weekend ng MARHO, Maaksiyon!

  1. NiHAWmA
    23 November 2008 at 1:12 am (4242 days ago)

    KAAKIT AKIT ….. ang pagkakahandicapping. Sana po kada buwan ay may ganyan klaseng pakarera. Panalo ang industrya.. Kumpiyansa ng may-ari ng kabayo ay magpapatuloy. Lalakas ang benta. Lalaki naman ang papremyo. Kikita ang gobyerno. Mahirap man ang pakarera PERO kapag ikaw ay nakatumbok ng isang magandang dibidendo ay sobra pa sa tuwa. Naalala ko po tuloy nuon panahon na may GRAN COPA DE MANILA.

    BAKIT HINDI PO NILA (PRCI/MJCI) ISAMA SA KANILANG MGA PLANO NA MAKAPAGPAKARERA KAHIT DALAWANG BESES SA LOOB NG ISANG BUWAN?