KL: Sa PCSO Gold Cup, si Ibarra Ba?

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  5 December 2008, Friday

Sa PCSO Gold Cup, Si Ibarra Ba?        

Scratched na si Es Twenty Six mula sa lineup ng mga lalahok sa 2,050-meters Philippine Charity Sweepstakes Office Presidential Gold Cup sa Linggo, Dis. 7, sa Santa Ana Park.

Na sobrecaña raw ito (sore shin) at kailangang magpagaling muna.

Ang natitirang kalahok as of presstime ay sina Ibarra (kampeon ng Nob. 23 Philippine Racing Commission Amb. Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup), Indelible Ink (ngayon isang 3YO, dati siyang juvenile champion) Real Spicy (multi-titled stakes winner), Native Land (2007 PCSO Presidential Gold Cup winner at defending champion), Shining Fame (nanalo ng Nov. 23 Santa Ana Park-MARHO Breeders’ Cup Colt Mile), at ang beteranong si Henry d’Eighth.

Kapapanalo lang ni Ibarra ng 2,050 meter race sa Santa Ana Park – ang ECJ Cup – kung saan siya’y umoras ng 2:09.6. Si Real Spicy pa rin ang may hawak ng time record sa distansiyang iyan – 2:09 – na naitala niya ng dalawang beses noong 2006 at parehong sa Santa Ana Park din.

 Sa ganda ng itinakbo ni Ibarra noong ECJ Cup, at sa tulin ng mga trangko niya nitong kailan lang, tingin ko malaki ang chansa niya dito. May ipapakita rin si Shining Fame.

Samantala, may nakalap along balita mula sa website ng Philippine Information Agency (PIA), ang information dissemination arm ng gobyerno, na masaya raw si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa progreso ng isang tourism-related project sa Cagayan. Ito ay ang Cagayan  Special Economic Zone o Freeport kung tawagin, sa ilalim ng Cagayan Economic Zone Authority na pinamumunuan ni administrator Jose Mari Ponce.

Agosto 1 noong ipinaskil sa naturang website ang news item. Ayon pa dito, dinalaw ng Pangulo ang dalawang villas ng 320-villa complex doon ng Sun City Holiday and Leisure Resort na pag-aari ng Hong Kong-based Sun City International. Magkakaroon pa doon ng Cyber Park para sa call centers at international airport na makaka-accommodate ng hanggang 120 airline passengers.

 Magtatayo rin daw sa CEZA ng iba pang hotels, retirement villas, at golf courses.

Ceza_leisure

A beach area at the CEZA.

Okay lahat iyan. Makakadagdag sa jobs generation, development, at economic enhancement ng naturang komunidad. Baka raw matapos ang proyekto sa taong 2010.

Ngunit ano naman ang kinalaman nito sa karera?

Heto ang huling paragraph ng news item: “The CEZA is empowered to operate, directly through license, joint venture or lease, various tourism and gaming-related activities such as casinos, horse racing, dog racing, and all forms of gaming without having to pass through any national government agency.”

Oops, teka, waitaminute. Ano raw? Puede daw silang mag-operate ng horse racing without having to pass through any national government agency – including Philracom and Games and Amusements Board kaya?

Hmm. Ngayon lang ako nakarinig ng ganoon, ah. The red-flag word there is “operate”. Ibig sabihin ba niyan, ‘di na nila kailangan ng permit to operate from Philracom for the racing nor from GAB for the betting?

Palagay ko hindi aware nito ang  Philracom at GAB. Papayag ba sila na walang regulation at supervision nila ang anumang horseracing na magaganap sa CEZA o saan mang lupalop ng ating archipelago? Basahin ang naturang artikulo sa http://www.pia.gov.ph/default.aspm=12&sec=reader&fi=p080801.htm&no=19.

Believe it – or else!  ***

Related stories:

1 Comment on KL: Sa PCSO Gold Cup, si Ibarra Ba?

  1. NiHAWmA
    9 December 2008 at 12:30 pm (4225 days ago)

    Karera ng kabayo sa isang resort ?? Hindi siguro.

    PERO dog racing… posible. Parang sa Guam na kung saan mayron casino at greyhound racing.

    Hindi ba ang GAB lamang ang may kapangyarihan na magbigay ng lisensya at magpatupad ng regulasyon tungkol sa anumang uri ng sugal dito sa ating bansa.