KL: Ibarra, Superhorse ng Bayan!

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  9 December 2008, Tuesday

Ibarra, Superhorse ng Bayan! 

Walang kaduda-duda – si Ibarra na ang iniluklok sa kataas-taasang puwesto na bagong “Champion Horse” ng bansa, pagkaraan niyang manalo ng kumbinsido sa 36th PCSO Presidential Gold Cup noong Linggo sa Santa Ana Park.

Tulad ni Manny Pacquiao, na nanalo rin ng decisively sa boxing match nila ni Oscar de la Hoya noong araw ding iyon, si Ibarra ay kampeon ng Philippine sports. Pagkapanalo niya ng Philippine Racing Commission Amb. Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup noong Nob. 23 sa Santa Ana Park rin, eto at sinundan niya ng isa pang victory over the same distance of 2,050 meters.

Sa ECJ Cup, tumala si Ibarra ng oras na 2:09.6, at malapit na niyang ma-break ang record na 2:09 para sa distansiyang iyon. Sa performance niyang iyon, malakas na ang kutob ko na mababasag niya ang naturang record.

Dito sa PCSO Gold Cup, napantayan na niya ang markang itinalaga ng dalawang beses ni Real Spicy noong 2006. Kung hindi lang dumamba at napa-atras si Ibarra sa gate, dahilan ng pagiging atrasado ng kanyang lundag, siguradong dinurog na niya ang record ng may isang segundo o baka higit pa. Malamang sa susunod niyang laban na 2,050 meters ay makakagawa na siya ng bagong record.

Si Real Spicy ay isa sa mga kalaban ni Ibarra sa 2008 PCSO Gold Cup, ngunit nakakalungkot na halos wala na itong maipakitang dating anghang niya.

Ang naging matinding kalaban dito ni Ibarra ay si Shining Fame, na galing rin sa impresibong panalo noong Nob. 23 sa Santa Ana Park-MARHO Breeders’ Cup Colt Mile. Dumating ng segundo kay Ibarra ang anak ni Royal Premiere kay Harry’s District.

 Dito natin makikita ang pruweba na ang American lineages ay proven sa performance sa dirt, kumpara sa Australian pedigrees na subok sa turf (damo). Si Real Spicy ay anak ng American champion na si Real Quiet. Si Ibarra, lahing Yonaguska (isang stakes winner) out of Fire Down Under. Pareho silang island-born. Ang sire naman ni Shining Fame, si Royal Premiere, ay American din ang lahi.

Tuwang-tuwa siyempre ang may-ari ni Ibarra, Mandaluyong mayor at MARHO (Metropolitan Association of Race Horse Owners) president Benhur Abalos. Aniya, “Nagpapasalamat ako sa bayang karerista sa kanilang suporta kay Ibarra…makikita nila ito muli sa PCSO Silver Cup next year.”

Dagdag pa niya, “May plano din kaming dalhin si Ibarra sa Singapore, kung saan kaya niya ang mga tiyempong ginagawa ng mga kabayo doon. Naantala lang ang mga balak na ito dahil nagka-chip bone siya. Ngayong magaling na siya, maari nang subukan na ilaban siya sa ibang bansa, upang ipakita sa mundo ang kakayahan ng mga kampeon na Pilipino, tulad rin ni Manny Pacquiao.”

Makes you proud to be a Filipino -doesn’t it? Mabuhay ang Pilipinas at ang mga kampeon ng Philippine sports! ***

Related stories:

3 Comments on KL: Ibarra, Superhorse ng Bayan!

  1. NiHAWmA
    10 December 2008 at 10:32 am (4224 days ago)

    Parang may pagkakahawig si REAL SPICY at OSCAR DE LA HOYA. Bagamat ang isa ay kabayo at ang isa naman ay boksingero. Parehas ng lumipas ang kanilang kisig at bangis.

    Ito na ang ikalawang beses na dumating ng bugaw si REAL SPICY. Mukhang tutoo po ang balita na gagawin na lang isang istalyon si Real Spicy ng Herma Farms. Kapunapuna na hindi na siya kinakatakutan kaparehas ni NATIVE LAND. Simula ng bumalik siya sa pista na kinamuntikan ng talunin ni Drama Belle (Klub Don Juan) napansin na ng nakakarami ang malaking pagbabago ng kanyang takbo.

    Bukod dito …..napansin ng bayang karerista na pakaunti ng pakaunti ang mga kalahok sa prestiyosong Presidential Gold Cup (one of the biggest racing spectacle). Hindi po kasi katulad nitong nakalipas na panahon na star studded. Karaniwan ang madirinig at ang mababasa po natin na balita ay “it’s going to be a wide open race”.

    Pero BAKIT GANITO LAMANG ANG NAGING LINE-UP? Mabuti nga po na may PCSO na patuloy sa pagsuporta. Paano kung wala po sila?

    Kailan kaya tayo muling makakakita ng line-up (Presidential Gold Cup) na kung saan nagkatagpo sila BULLDOZER, REAL TOP at STRONG MATERIAL Nanalo si Bulldozer at dumating ng bugaw si Strong Material.

    TRIVIA

    Oct. 7, 1973 2000 MJCI 2 19.8 SUN GOD (Elias Ordiales)
    Oct. 5, 1974 2000 MJCI 2 17 ILOCOS KING (Crisencio C Leona)
    Nov. 2, 1975 2000 MJCI 2 17 HENNA’S GOLD (A G Camba)
    Nov. 28, 1976 2000 MJCI 2 16 Fiorella (R V Beron)
    Nov. 27, 1977 2000 MJCI 2 15 Little Morning (A G Camba)
    Nov. 26, 1978 2000 MJCI 2 13.6 Gypsy Grey (EC Domingo Jr.)

    2005 Presidential Gold Cup line-up

    Cool Runnings (CV Garganta)
    Red Star rising (VR Dilema)
    Euro Bucks (JB Guce)
    Real Spicy (AB Alcasid, Jr.)
    Cat’s Gold (MF Daquis)
    Speed Advantage (FM Raquel, Jr.)
    Empire King (JB Cordero)
    Cover Girl (JB Hernandez)
    Don Paolo (Pat R Dilema)
    Last Hazm (Je C Guce)

  2. Jack
    16 December 2008 at 3:39 pm (4218 days ago)

    ATTENTION : JOCKEYS
    sa mga jockeys na gustong magjapan at interesadong mag japan….may opportunity ako sa inyo….as rider po ito at hindi work na pangSOTA(di nmn sa pangiinsulto at pangmamaliit sa mga kaibigan nating sota)….
    message nyo ko sa cell ko : 09196620724

    sana sa mga seryosong jockeys lng…lalo na yung mga walang gaanong AMO o mga SAKAY……

  3. ysdar quinangina
    10 July 2009 at 5:48 am (4013 days ago)

    As an avid racing afficionado, I think the 2002 PGC has one of the most competitive line up in the not so recent horseracing years..