KL: Go Army, Patok sa Juve Championship!

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  12 December 2008, Friday

Go Army, Patok sa Juve Championship!

Dahil wala pa siyang talo itong taon, tinitiyak ng karamihan na kay Go Army mapupunta ang korona ng Philippine Racing Commission Juvenile Championship race sa Linggo sa San Lazaro Leisure Park.

Distansiyang 1,500 meters ang karera, at kakampi ni Go Army rito ang kanyang stablemate na si Blue Ocean.

Kalaban niya naman sina Action Sailor, Iconic, Heaven Sent, Batangas Baron, Security Magic, Rhea’s Gold, at Lively Dude.

Sumegundo kay Go Army si Action Sailor sa Philracom-MARHO Breeders’ Cup Juvenile Colts race noong Nov. 23 sa Santa Ana Park. Kaya si Action Sailor na rin ang tiningnan kong gumawa ng mabuti dito, pati na rin si Heaven Sent na nanalo sa katapat na MARHO Breeders’ Cup Juvenile Fillies race.

Samantala, paalala sa lahat na may karera ng Lunes, Dis. 15, sa Santa Ana Park. Kaya seven days of racing sila doon para sa kanilang “farewell week” na magtatapos ng Dis. 21. Ito rin ang araw ng ika-siyam na Philtobo Grand Championships.

Pagkatapos nitong masiklab na pakarera, magsisimula nang lumipat ang Philippine Racing Club sa kanilang bagong pista sa Trece Martirez, Cavite City, para sa unang raceweek nila doon na umpisa Enero 6. Kaso, wala pang opisyal na anunsiyo mula sa PRC tungkol sa paglipat, kaya umantabay nalang ng balita sa mga darating na araw.

Ito ang mga kasali sa limang championship races ng Philtobo:

3YO Colts: Dominic Francisco’s Will Of Destiny; Lorraine Uy Wi’s Don Enrico; Hermie Esguerra’s Tabako; and Jun Almeda’s Imperial Ballet.

3YO Fillies: Dominic Francisco’s Sling Shot Effect; Com. Jun Sevilla’s Lady Lorelle; Hermie Esguerra’s Indelible Ink; Enrique Castillo’s Forever Young; Cong. Jeci Lapus’ Victorian Stone; and Felipe Vergara’s Vergara.

Mitra Cup Juvenile Colts: Bienvenido Niles’ Iconic; Hermie Esguerra’s Go Army and Scout Ranger; Rita Pilapil’s Lovely Dude; Eugene Tan’s Elgin And Chairman; and Manny Santos’ Oh Wacky.

Mitra Cup Juvenile Fillies: Hermie Esguerra’s Queen Of Queens, Eternal Flame and Blue Ocean; Rita Pilapil’s Heaven Sent; Enrique Castillo’s Specially Discreet; and Ric Aquino’s Alyssa’s Gold.

Mga anunsiyo: to all horseowners and trainers, MARHO is accepting weanling nominations. Fee for members: P10,000; for non-members, P20,000. Deadline for payment is on 31 Dec. 2008. There will be no extensions. Failure to nominate on or before the due date will render your horses ineligible to run in the MARHO Breeders’ Cup championships.

Karera lang – walang personalan!   ***

Related stories:

1 Comment on KL: Go Army, Patok sa Juve Championship!

  1. NiHAWmA
    15 December 2008 at 8:29 am (4219 days ago)

    GO ARMY, wins Philracom Juvenile Championship

    GO ARMY, is getting better every race. The prize galloper of Hermie Esguerra had his 9th consecutive victory gunning 10th next week in the Philtobo Juvenile Colt stakes race which is going to be his last race as a juvenile. Masyadong magaling. Puwedeng iuna, puwedeng isunod. Convertible ika nga. Sabi nga ni gogirl “Patok!”.

    Go Army (by Mr Sutter out of J’Approve) sinundan lamang ang mabilis na ayre ni HEAVEN SENT ay naorasan ng 1:32.6 may cuartos na 17 23′ 24′ 27′ para sa distansyang 1,500 meters sa San Lazaro Leisure and Business Park sa Carmona, Cavite. Parang walang anuman na nilagpasan si Heaven Sent bago sumapit ng rekta. Naging two horse affair lamang ang labanan. Ang kakuwadra ni Go Army na si Blue Ocean ay napagiwanan sa labanan ng dalawa. Walang kaduda duda na talagang outstanding juvenile ito. Lahat ng stakes races para sa kanyang edad ay inangkin. Nanalo sa Klub Don Juan, sa dalawang serye ng Philracom sponsored Juvenile colt at Marho Breeders Cup. Sa darating na linggo inaasahan din at magiging super mega outstanding sa Philtobo (Mitra Cup) Juvenile colt stakes race na walang inaasahan na mahigpit na kalaban (Scout Ranger, Iconic,Oh Wacky,Lively Dude at Elgin and Chairman). Isang palatandaan na isa sa magiging paborito o magiging kampeon para sa Triple crown sa darating na taon. Huwag lang magkadiperensya. Paano kung hindi nagkadiperensya si NUCLEAR POWER?

    INDELIBLE INK, GO ARMY, magkahiwalay na tatakbo sa darating na Philtobo stakes race at maari natin siguro maikumpara kung sino sa dalawa ang mas magaling. Sa prueba nga lang natin makikita kung gaano ka impresibo.

    Kasunod na tumawid sa meta ni Go Army si Heaven Sent, Batangas Baron at Blue Ocean.

    Congratulations sa winning connections.

    Advance congratulations din sa bago at very informative na horse racing website http://www.thewinnersleague.com/ na magdiriwang ng ika unang buwan anibersaryo.