KL: Go Army, Walang Talo!

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  16 December 2008, Tuesday

Go Army, Walang Talo!

Naging matagumpay ang kampanya ni Go Army sa Philippine Racing Commission Juvenile Championship noong Linggo sa San Lazaro Leisure Park. Nanalo ang sikat na anak ni Mr. Sutter kay J’approve ng apat na kabayo, at umoras ng 1:32.6 sa 1,500 meters.  

100_1986

Go Army with jockey Jonathan Hernandez and groom Rica during the parade.

Medyo pinahirapan siya ng husto ni Heaven Sent, na sumegundo sa kanya at malapit na siyang abutin kung hindi naubos si Heaven Sent sa rekta. Tersero si Batangas Baron, pangapat si Blue Ocean.

Nananatili pa ring undefeated si Go Army sa walong takbo niya itong 2008. As of Nov. 30, ang kanyang career earnings ay nasa P2.97 million na, at siya ang #5 sa highest-earning horses para sa taong ito. Masasabi natin na siya ang valedictorian para sa current batch ng juveniles.

Samantala, pinakaaabangan naman ng bayang karerista ang Philtobo Grand Championships itong raceweek sa Santa Ana Park.

Lima ang championship races ng Philtobo – ang 3YO Colts, 3YO Fillies, Mitra Cup Juvenile Colts, Mitra Cup Juvenile Fillies, at Classic.

Heto ang lineup ng 2,050-meter Classic na nakaligtaan kong ibigay sa aking huling kolum: Hermie Esguerra’s Real Spicy, Joseph Dyhengco’s Ididitmyway, Cong. Jeci Lapus’ Special Edition and Don Exequiel, and David Lee’s Empire King.

Sina Real Spicy at Empire King lang ang dalawang kabayo na nanalo ng tatlong major championships sa Philtobo racing festival mula noong sila ay juveniles.

Nauna si Empire King na kumopo ng karangalan sa event na ito noong manalo siya ng  Mitra Cup Juvenile Colts Championship noong 2003 at sinundan ito noong manaig sa 3YO Colts noong 2004. Nanalo rin siya noong 2005 sa GMA Unity Classic.

Si Real Spicy naman ang nanalo ng Juvenile Colts Championship noong 2004, 3YO Colts noong, 2005, at ang Classic championship noong 2006 kung saan tinalo niya si Empire King na defending champion.

Kaya matindi ang rivalry ng dalawang ito sa Philtobo championships. Ngayong taon kaya, sino sa kanilang dalawa ang makaka-score uli sa Classic? O matatalo ba sila ng ibang kalaban?

Mga anunsiyo: to all horseowners and trainers, the deadline for nomination of weanlings to the MARHO Breeders’ Cup program in on Dec. 31. There will be no extensions.

Karera lang – walang personalan!   ***

Related stories:

1 Comment on KL: Go Army, Walang Talo!

  1. Jack
    16 December 2008 at 3:36 pm (4227 days ago)

    sana miss jenny maipost nyo tong message ko so that kahit papaano makatuling tyo sa mga jockeys n gustong mag abroad lalo na sa mga jockeys n walang BOSS at MASAKYAN