KL: Real Spicy, Maanghang Pa Rin!

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  27 May 2008, Tuesday

 Real Spicy, Maanghang Pa Rin!

 Impresibo ang performance ng beteranong mananakbo na si Real Spicy, na ginabayan ni jockey Jeffril T. Zarate,  noong Sabado (Mayo 24) sa 4th European Union Cup sa Santa Ana Park.

 Matindi ang kanyang mga kalaban – Aly Dancer, nanalo ng Philracom Garnet I noong Enero; stakes winners Sweet Xarah, Vivere, Fierce Fighter, Million Dollar, La Tienne; at si Quiet Gal.

 Paglarga, nauna ang sprinters na sina Million Dollar at Vivere; six lengths behind si Sweet Xarah; sa likuran niya sina Aly Dancer, Real Spicy, La Tienne, Quiet Gal, at Fierce Fighter. Sa may media-milya nagsimula nang magpa-remate si Real Spicy, at parang batong ipinukol ang anim na taong kabayo sa tulin ng kanyang dating. Balewalang nilagpasan ang mga frontrunners at nakuha niya ang bandera sa may far turn. Tuloy-tuloy na ang kanyang maanghang na bulusok hanggang sa meta, kung saan nanalo pa siya ng isang katawan.

 Sumegundo sa kanya si Sweet Xarah, tersero si La Tienne, at cuarto naman si Aly Dancer, sinundan nila Fierce Fighter, Quiet Gal, Million Dollar, at Vivere, in that order. Ang total time sa karerang iyon ay 1:39, at ang cuartos ay 24-24-24′-26′, para sa distansiyang 1600 meters. Sa husay ng kanyang performance, lalo lang iginiit ni Real Spicy ang kanyang pagiging “mile specialist”.

 Malaking improvement ang pagbabalik ni Nestor Manalang bilang trainer ng mga kabayo ng Esguerra stables. Kitang-kita ang kapreskuhan ng kondisyon ngayon ng mga kabayong dati tila sunog sa trangko.

Realspicy_EUcup_duo

The race entries; screenshot of Real Spicy at the wire

 Noong Linggo naman (Mayo 25), si Friends For Never ang nanaig sa 7th Mayor Jejomar C. Binay Cup.  Owned by AR Lim, ang trainer ay si Dr. Jojo Buencamino at ang hinete ay si CV Garganta. Kalahok sa karerang ito ay 3YO colts at fillies. Sumegundo si Think Tank, tersero si Newgoldencity, at cuarto naman si Boom Boom Boom. “Also-rans” sina Victory Joe at Elevenian Queen. Ang oras para sa karerang ito ay 1:34.6 sa distansiyang 1500 meters.

 Pitong taon na pala may Binay Cup sa Santa Ana Park. Sana makita ng Makati City local government ang popularity ng racing at magbigay na sila ng permit-to-operate sa mga off-track betting stations, na sa kasalukuyan ay bawal sa loob ng Makati City maliban sa Santa Ana Park.

 Marami pang ibang lungsod ang hindi nag-a-accomodate ng OTB, sa iba’t-ibang dahilan. Hindi naman sila maaring piliting magbigay ng permit sa OTB dahil nasa discretion na iyan ng liderato ng bawat lungsod. Kaya dapat i-rollout na ang mga text at online betting na iyan upang maserbisyuhan ang mga geographical areas na walang OTB, at para na rin sa convenience ng mga mananaya.

 Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

1 Comment on KL: Real Spicy, Maanghang Pa Rin!

  1. samantha meyer
    18 December 2008 at 9:39 pm (4217 days ago)

    wala bang pag asa maging star jockey c de leon