KL: Mga Kabayo, Lumilipat na ng Trece!

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  30 December 2008, Tuesday

 Mga Kabayo, Lumilipat na ng Trece!

Unti-unti na raw lumilipat ang mga kabayo mula sa mga cuadra sa Santa Ana Park Makati papunta sa bagong karerahan ng Philippine Racing Club sa Trece Martirez, Cavite. 

Ayon kay PRC racing manager Dan Valmonte, noong Linggo mayrooon nang higit 20 kabayo ang naroon sa Trece. “Mas marami pa sana ang nakalipat,” anya, “kaso kulang ang supply ng kusot na ginagamit bilang bedding sa loob ng mga stall ng cuadra.”

Naubos na raw, dagdag niya, ang supply mula sa mga pinagkukunan sa Pasig at sa mga ibang lugar tulad ng Laguna at Cavite. “Kung may nakakaalam ng supplier,” ani Valmonte, “sana masabihan kami dahil gusto naming makabili upang mai-offer sa mga horseowners para hindi na sila mahirapan sa paglipat.”

IMG_4109

A typical 13-stall stable at the new Santa Ana Park in Trece Martirez, one of 76 such stables. (Photo taken August 2008).

May ensayo pa ngayon sa Santa Ana Park-Makati, ngunit hanggang Jan. 3 na lamang. Marami pang kabayo ang hindi pa nakakalipat.

Bagamat napabalitaan na noong nakaraang Agosto pa sana lilipat ang operations ng PRC sa Trece – “it’s just a matter of time” nga ang kumento ng karamihan parang maraming nagulat na talagang lilipat na nga at hindi drowing lang ang balak ng PRC na limang taon nang napapagusapan sa loob ng industriya.

Ayon sa ilang mga taga-industriya na nakatira sa Makati, tulad ng mga sota, trainer, at hinete, “Sana hindi naman ginawang Enero ang paglipat, dahil ang mga anak naming ay naka-enroll sa eskuwela. Hindi basta-basta puedeng maglipat ng pamilya sa malayo habang may pasok pa.”

Mula 1937 pang nasa lugar ang karerahan. Isang buong komunidad ng mga nagtatrabaho sa karera ang natanim doon. Kaya hindi mga kabayo lamang ang kailangang ilipat, kundi isang buong mundo – ang mundo ng mga taong nabubuhay sa kabayo at karera.

Isipin ninyo ngayon -ganoon lang ba kadali ang lumipat?

Ngunit para sa ilan, tanggap na nila na wala na silang magagawa kundi magbunot ng ugat at itanim ang mga ito sa Cavite. “No choice” para sa karamihan ito, dahil ito lamang ang kanilang nalalaman na kabuhayan. Bukod doon, napamahal na sa kanila ang trabahong ito at ang kabuuang kultura na kanilang kinababahagian.

Maigi rin naman na makalipat na ang karerahan sa mas malaking lugar – 70 hectares kumpara sa 24 hectares. Dumarami na ang mga kabayo, at kailangan din naman ng mas maganda at modernong facility for racing.

Noong lumipat ang Manila Jockey sa San Lazaro Leisure Park sa Cavite, nanibago rin ang mga karerista at taga-karera at ilang buwan rin bago nagkasanayan. Ganoon rin siguro ang sitwasyon dito sa paglipat ng PRC sa Trece.

In any case, ito’y nagpapatunay na buhay na buhay pa rin ang industriya ng karera. Racing will never die!  ***

Related stories:

Comments are closed.