KL: Lumang Santa Ana Park, Nakaka-Miss!

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  8 January 2009, Thursday

Lumang Santa Ana Park, Nakaka-Miss!

Walang urungan na sa paglipat ng karera ng Philippine Racing Club mula sa Santa Ana Park, Makati City, sa New Santa Ana Park (NSAP), Trece Martirez, Cavite. Nagpadala na ng imbitasyon ang pamunuan ng PRC sa mga industry personalities na dumalo sa kanilang formal inauguration sa Linggo sa bagong racetrack.

Ito’y malakas na senyales na desidido na ang raceclub sa kanilang ginawang paglipat. Siguro by now natanggap na ang industriya at mga karerista na may bago nang bahay ang PRC.

Para sa mga lumaki at tumanda na sa lumang karerahan, nakakapanibago na wala na ito sa tabi at nasa malayo nang lugar.

Kahit hindi ako ipinanganak sa isang “racing family” at hindi rin ako lumaki sa lugar ng lumang Santa Ana Park, dito na kami nakatira mula noong ako’y ikinasal noong 1990.

Dito ako nag-eensayo bilang kauna-unahang babaeng apprentice jockey ng Philippine Jockeys’ Academy.

Neni_ensayo

Exercising a horse at Santa Ana Park as an apprentice under the tutelage of Mr. George Stribling in 1989. The horse was a colt out of Alamat.

Dito rin ipinanganak ang dalawa kong daughters na masasabi kong “batang karera”. Pareho ko silang dinadala sa pista noon upang paarawan sa umaga noong sila’y sanggol pa lamang, habang nag-eensayo ang kanilang ama na isang hinete.

At noong natututo na silang maglakad, sa damuhan sa may tabing balya sila sumugod, nadapa, at tumayo muli.

Noong pinagpatuloy ko ang aking career, dito ako nakakuha ng trabaho bilang panelist at, later on, sa broadcast at corporate communications.

Neniset04

On the broadcast panel at Santa Ana Park in 2004.

Nakatira kami sa cuadra na pag-aari ng aking biyenan na vet at trainer. Sa likod lang ito ng Santa Ana Park. Araw-araw, pamilyar na tunog sa amin ang “clop, clop” ng paa ng kabayo habang iniikot sa pasyalan, pati  ang matinang na “klang” ng labangan.  

IMG_5167

The Alcasid Stable, last October 2008.

At dahil sa likod lang kami ng karerahan, nakikita namin noon ang sinag ng ilaw ng pista mula sa aming bintana, at minsan naririnig ang mga racecallers na tumatawag ng karera.

Sa may kanto, may karatula para sa motorista. Ang nakasulat ay “Caution: Racehorses Crossing.” Tapos habang naglalakad ka sa kalsada sa umaga marami kang makikitang kabayo akay ng mga sota papunta o pauwi mula sa ensayo.

Wala na ang mga ito. Nami-miss ko. Sobra. 

IMG_6417

Some stables at Santa Ana Park on 7 January 2009. Only a few horses are still left here.

Hindi ganito katindi ang naramdaman ko noong lumipat ang Manila Jockey Club mula sa San Lazaro Hippodrome sa Tayuman, Manila. Hindi naman kasi kami tumira doon. Dumadayo lang kami kapag may sakay o ensayo ang asawa ko. Ganunpaman, may kirot pa rin sa puso nang tuluyang mawala ang karera doon dahil sa mga ala-alang naiwan.

Ngunit diba may kasabihan, “The only thing constant is change”? Bahagi na talaga ng buhay ang pagbabago. Huwag nating kalimutan ang nakaraan, ngunit lasapin rin natin ang mga experiences na darating.

Naiiyak ako. ***

Related stories:

7 Comments on KL: Lumang Santa Ana Park, Nakaka-Miss!

  1. Lorenzo
    8 January 2009 at 2:34 pm (4196 days ago)

    Kahit ako man ay miss ko rin ang SAP. Dito kami madalas magkita ng unang GF ko kapag araw ng sweldo. Sa Baby’s Canteen kami naghahapunan at umiinom habang tumataya. Dito rin sa SAP ang una kong pinakamalaking tama sa PK6 (P220k dividend). Madalas din akong tumambay malapit sa paradahan ng kabayo para hintayin ang senyas ng hinete kung labas.Kami lang ang nagkakaintindihan ng senyas. Tumataya lang ako pag siguradong labas ang kabayo ng friend kong mga hinete.Mga senyas na hawak sa ilong, mata, buhok,braso na may kahulugan na numerong mananalo.Kaya ngayun sigurado miss ko ang SAP.Panibagong simulain ang haharapin sa SADDLE and CLUB sa NAIC.

  2. NiHAWmA
    8 January 2009 at 5:54 pm (4196 days ago)

    May nagtitinda ng sago’t gulaman. Lugaw at tokwa’t baboy. Sigarilyo at programa. Nagtitinda ng lechon manok. Dumaraan na mga tricycle at jeep na papuntang Paco at Taft. Mga naglalaro ng basketball sa may parking lot. Mga sabungero na may dalang manok na panabong. Mga tao na hindi karerista pero gustong libangin ang kanilang sarili sa paglalaro ng badminton. Yan ang mga aktibidades na siguradong hindi makakalimutan.

    Dito ako nagkaron ng maraming kaibigan. Mga pagtitipon na hindi malilimutan.

    Sikat na kuwadra ng Red Lion, FPJ at ni June Paman at sa pagkakataon na makilala ang kanyang anak na si James Ervin Paman.

    Hindi lang ang MARHO Breeders Cup ang makakalimutan kundi may iba pang mga malalaking pakarera nuong araw katulad ng Grand Futurity Race, AP Reyes Memorial Stakes Race at Asian Racing Conference na kung saan nagpakitang gilas si “El Maestro” Jesus Guce.

    Neptuno, Cavite Starlet, Fuego, Nic’s Star, Cosmopolitan, Royal Feast, Angela’s Pet, Headmaster, Nagla D Queen, Gypsy Grey, Little Morning, Hot Summer mga sumikat na kabayo.

    Kung may magkaribal na Don Enrico at Indelible Ink, sa Santa Ana nagmula ang pagkakaribal ng mga kabayong REPORTER, ILOCOS KING at KINGRICK. Isama na po natin si NEWSBOY.

    Sa Santa Ana Park din nakita ng bayang karerista ang napakagaling na imported na kabayo na si RED FANTASY at SEA SOVEREIGN. Ngunit may mga ilang pangyayari na hindi rin malilimutan at ito ay ng matalisod ang sobrang liyamadong si TOP D’ WORLD sakay ni jockey Wilfredo. Minsan pa man ay tatlong hinete ang magkasunod na nahulog. Aminin (JR Macaraig), Words of Joy (Pat Dilema) at ang grabeng pagkakahulog ni Jesus Guce kay Split Decision.

  3. angelo
    13 January 2009 at 8:32 pm (4191 days ago)

    anu po ang complete addres ng NSAP? salamat po

  4. SeaNReineR
    21 January 2009 at 11:40 am (4183 days ago)

    Yes i agree, talagang nakaka-miss ang Old Sta Ana Park, just like the Old MJCI that turned into a Shopping Mall…Napakaraming experience almost all are so memorable. Dito po sa Santa Ana ako naka-tambay every after my class nung college days para panoorin ang 10 karera kahit wala akong pantaya, kaysa manood ako ng sine sa karera na lang hahaha!!! I will surely miss SANTA ANA PARK nakakalungkot po talaga…bye PRCI!!!!

  5. Mark Rei L. Catajan
    24 March 2009 at 2:34 am (4121 days ago)

    mis na mis ko na itong sta ana park!!!!!!! sana makabalik pa ko dyan……..

  6. jayjay
    20 August 2009 at 2:31 am (3972 days ago)

    bakit nakakamis ang luma meron namang bago at ngayon merong mayor ramon d bagatsing memorial cup race ganda ng face book mo at pabati naman kay ymman joseph enriquez lagi siyang nanonood ng karera pwede batiin niyo siya sa friday sa pag bubukas ninyo make sure batiin niyo siya pag ang karera sa santa ana. THANK YOU

  7. freddie manalac
    21 April 2010 at 2:42 pm (3728 days ago)

    hindi lang tayong mahihilig tumaya sa karera ang nanhihinayang sa paglipat ng lumang santa ana park kundi pa mga naghahanapbuhay na kaunti nalang ang kinikita ay nawala. Ang mga batang natutuwa kung nakikita nila sa kalye na pinapasyal ang mga pangarerang ng mga sota. Dito sa lumang santa ana park madali akong tumama dahil madali rin akong makakuha ng tips sa mga kaibigan kong HINETE. mga hinete na hindi nanluluwang o nagsisisnunungaling. dahil isa ako sa mga photographer na kumokober tuwing may malaLAKING pakarera madali itong punta dahil malapit ito sa pinagtatrabahong kong newspaper. NAKAKAMIS TALAGA ANG PAKAWALA NG LUMANG SANTA ANA PARK SA MAKATI CITY! NO BODY BUT YOU EKA NGA!