KL: MJC, In-house na ang Tote Operations?

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  30 May 2008, Friday

 MJC, In-house na ang Tote Operations?

 Malapit nang ma-solusyunan ng Manila Jockey Club ang kanilang krisis sa kanilang totalizator (betting system) provider, ang United Tote Company ng Amerika.

Ang United Tote Company ay nagdi-disenyo, gumagawa, at nag-o-operate ng pari-mutuel wagering systems sa higit na 150 karerahan at off-track betting facilities sa buong mundo. Sila ang may hawak ng betting system ng Churchill Downs, venue ng Kentucky Derby. Itinayo ang kumpanyo noon pang 1959 at ito na ang pinakatanyag na kumpanya na may kinalaman sa wagering software at betting machines.

Ayon sa isang statement na inilabas ng MJC kahapon, “(we have) entered into a new agreement with United Tote…In addition to MJC’s presently-owned 210 Versa terminals and system, MJC acquired 110 additional Versa terminals with an option to acquire 100 of the latest terminals.”

Utote_versaII_logo

Ito kaya ang aangkatin ng MJC? United Tote’s Versa II terminal, the “Legacy Full Service”. (unitedtote.com)

Bukod sa bibili sila ng karagdagang “terminals” o betting machines, magtatayo rin ang MJC ng sarili nilang “telecommunications hub” na patatakbuhin ng itatayo nilang “in-house technical service team”. Sila na rin ang maghahanap ng mabibilhan ng thermal paper (papel na ginagamit sa tayaan) at spare parts ng makina upang makatipid ng malaking halaga ang MJC, kesa kung kukunin pa nila ito sa ibang source.

Ngunit, dagdag ng MJC sa statement, upang matupad ito, kailangan pa nila ng “a few days”, kaya pumayag sila sa directive ng Philracom na itakbo ang karera nila nitong Huwebes hanggang Linggo ng pansamantala sa Santa Ana Park.

Mula rin sa MJC statement: “We expect to resume races at San Lazaro Leisure Park (SLLP) soon with better facilities and a more efficient system. Thank you for your understanding and continuing support.”

 Back story: wala palang kontrata ang MJC sa local service provider na Global Versatech, Inc. (GVI). Ang kontrata ng MJC ay nasa U-Tote. May kontrata din noon ang U-Tote sa GVI, kung saan ang GVI ang operator ng U-Tote system sa bansa. Kaya nagbibigay ng serbisyo ang GVI sa MJC hanggang noong huling raceweek sa SLLP.

Buwan ng Marso pa nang natapos ang kontrata ng GVI at U-Tote. Kaya hindi na obligado ang GVI na magbigay ng serbisyo hinggil sa operations ng U-Tote system. Ito ay itinaguyod rin ng mga husgado sa korte sa Pasig City.

Mahaba pa ang kuwento at marami pa ang nangyari; sabihin nalang natin na hindi nag-tagumpay ang mga negosasyon sa kontrata ng mga parties involved.

Kung sa operations ng U-Tote system naman, dalawa ang maaring gawin ng isang racing company: ipatakbo sa third-party operator ang system, o ang racing company na mismo ang magpatakbo nito, makaraan ang training mula sa U-Tote, dahil ang U-Tote ang gumagawa ng software na inuupahan lang (“licensed”) ng racing company.

Nagdesisyon raw ang MJC na sila na ang magpapatakbo ng U-Tote system nila, at ito malamang ang isa sa nilalaman ng bago nilang kasunduan sa United Tote.

Next question: kailan makakapagtakbo uli ng MJC races sa SLLP? Ayon sa MJC management, inaasahan nila na pagbalik ng karera sa SLLP (raceweek of June 10-15) ay ready to race na uli sila doon.

Back to karera: Huwag kaligtaang panoorin ang Philracom Pearl I stakes sa Linggo! Lamang diyan, tingin ko, si Copper Dew na may hawak ng record para sa milya (1:38 ) na ginawa niya sa Santa Ana Park rin, kung saan tingin ng marami ring analysts ay umentado siya. Banderang tapos pa siya sa isang tuneup race noong May 23 sa Santa Ana Park rin, kung saan kalaban niya ang ibang Group 7 and 8 imported horses. Ang puna lang sa kanya, baka mahirapan siya sa haba ng distansiya ng Pearl I, 1750 meters.

Bigyang-pansin rin diyan ang mga de-remate na Sweet Xarah (segundo kay Real Spicy sa 4th European Union Cup noong May 24, sa Santa Ana Park rin), La Tienne (tersero) at Fierce Fighter (quinto).

Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

Comments are closed.